Kabanata 5
“Yeah. We’re just pretending to be a married couple but you are still mine. Mine alone.”
Hindi ako umimik sa sinabi niya na 'yon sa akin. Nagkunwari ako na parang walang narinig dahil sobra-sobra ang kabog ng aking dibdib. Tumingin na lamang ako sa bintana at nagsalpak ng earphones sa aking tenga. Pinili kong i-play iyong malakas na tugtog para lang malipat doon ang atensyon ko.
“Bakit tumahimik ka?” tanong niya sa akin na parang nang-iinis. Sa kabila ng malakas na tugtog na aking naririnig ay nagawa ko pa rin marinig ang sinabi niya. Katulad ng ginawa ko kanina ay nagkunwari ulit ako na parang walang narinig pero natigil ulit ‘yon nang tanggalin nito ang isang earphone sa kaliwa kong tenga.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Bakit tumahimik ka?” ulit niya.
“Shut up,” naiinis kong wika sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siya inirapan bago ituon muli ang atensyon sa bintana. Narinig ko pa ang mahihina nitong pagtawa sa naging sagot ko. Wala pang ilang minuto nang huminto na ang sasakyan, senyas na nakabalik na kami sa opisina. Hindi ko na siya hinintay at basta na lang bumaba.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Alam kong inis na inis siya sa akin pero ngayon ay para siyang bata na nakikipaglaro at nakikipag-asaran pa. Hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa utak niya. Kahit na magkapatid sila ni Zeus at iisang dugo ang nanalaytay sa kanila ay sadyang magkaiba talaga sila.
“You are mine, Elise,” ulit niyang sabi sa akin. Ako? Sa kanya? Nagpapatawa ata siya? Kailan pa siya natutong umangkin ng tao na parang pag-aari niya? At isa pa, hindi naman niya ako pag-aari. I am no one’s property. Tinitigan ko siya ng masama bago magsalita.
“I am not yours Gio. Hindi ako bagay para maging pag-aari mo,” matigas kong sagot sa kanya dahilan para balutan kami ng katahimikan. Nang makabalik kami sa opisina ay agad akong bumaba. Bumaba rin siya at saka hinagis sa akin ang susi nang sasakyan. Wala sa sariling sinambot ko ‘yon at napasimangot. Mas lalo pa akong napasimangot ng tumalikod na ito sa akin at saka naglakad na parang wala itong kasama. Wala tuloy akong nagawa kundi ang magmadali na habulin siya. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang takbuhin iyon ng nakatakong.
Pagdating namin sa opisina ay muli na naman kaming pinaulanan ng mga nakakadudang tingin. Simula noong sinabi niya sa kanila na ako ang asawa niya ay hindi nila iyon matanggap. Iyong iba naman ay chill lang habang ang iba naman ay todo tsismis kung paano iyon nangyari. May nakaabot pa nga sa akin na inakit ko raw si Gio o di kaya’y pinikot kaya kami kinasal. Minsan nga ay namamangha na lang ako sa mga istoryang nabubuo nila sa utak at ipinagkakalat sa loob ng office.
Hindi ko rin nakakaligtaan ang mga empleyado na may masasamang tingin na ipinupukol sa akin. I could feel their hatred towards me lalo na sa posisyon na mayroon ako ngayon. I'm not his ordinary secretary but his wife at kahit na sino ay paniguradong maiinggit sa akin. Eto rin ang dahilan kung bakit ayoko ipaalam sa kanila na kasal kami ni Gio dahil alam kong iniisip nila na ginagamit ko ang pagiging asawa niya para makuha ko ang aking gusto. Siguro nga ay tama sila roon dahil kaya lang naman ako pumayag sa ganito ay para makuha ang kumpanya pagkatapos ng anim na buwan. Hindi ko sila masisisi kung maiinggit nga sila sa akin. Ang tanong, maiinggit pa ba sila kung sakaling malalaman nila ang totoo kong sitwasyon sa kabila ng karangyaan na nakikita nila sa akin? Maybe yes. Maybe not.
Maraming perks ang pagiging asawa niya. Kaya hindi rin masama kung magtitiis sila ng anim na buwan. Iyon ay kung mahaba ang pasensya nila. Baka nga magising din sila sa katotohanan na hindi naman talaga mabait ang sinasabi nilang boss.
Minsan nga pakiramdam ko ay nababaliw na ako sa ginawa kong pagpayag na magpakasal sa kanya. Pinakasalan ko lang naman ang taong may galit at pinaggagantihan ako ngayon. Who would expect that I'm going to marry the man who hated me down the core? At sino ang mag-aakala na ang isang kagaya niya ay papaunlakan ako ng kasunduan kung saan pareho kaming makikinabang? Kung hindi ko lang siya kilala o hindi ako nagkaroon ng nakaraan na kasama siya ay baka iba ang isipin ko sa ganitong pagkakataon. Iyon nga lang ay kilala ko siya.
Sobra.
Abala ako sa pag-encode ng files na dapat matapos bago magtapos ang linggong 'to ng tumunog ang telepono sa aking opisina.
"Go to my office now,” seryosong saad niya.
Pumunta ako sa opisina kagaya ng ipinag-uutos niya. I looked at him with full of boredom.
"Sit," utos niya. Ginawa ko ang sinabi niya. Umupo nga ako sa sofa habang nakatingin sa kanya. Nasa may lamesa pa rin siya at abala sa pagtatype ng kung ano-ano sa laptop niya. May malaking box akong nakita na nakapatong sa center table.
"Open that box, pagkatapos ay isukat mo."
"Pupwede ba na mamaya na lang? I still have—"Tinignan niya ako ng masama na parang mali na suwayin ko siya. I mentally rolled my eyes on him at binuksan ang box na nasa lamesa. Bumungad sa akin ang isang mamahaling damit. Imbes na matuwa ay inisip ko kung saan ko na naman kaya ito gagamitin?
"The bathroom is on the left side of my personal room,” malamig niyang wika sa akin. Itinuro niya ang pintuan na matatagpuan sa dulo ng kanyang opisina. Padabog akong pumunta sa kwarto na itinuro niya at isinarado ang pinto. Saglit kong sinipat ang buong kuwarto.
The room is small. It has a black accent wall where the bed is positioned while the rest of the wall is color white. The room has gold accent because of the decoration around the room. On either side of the bed is a white bedside table containing a picture frame of his family. To the right is a small black sofa with a table. In the same place, there’s also a large window where you can see the whole city. On the left side is the door that I think leads to CR. Next to that door was a large storage shelf with a few books and photos thar grabbed may attention.
Kinuha ko iyon. It was a picture of him and Trina. May isa pang picture frame na naglalaman ng candid photo niya. I know that every now and then, Trina will always have a special place on his heart. Walang makakapalit no’n basta-basta lalo na at nakita ko kung gaano niya kamahal si Trina.
"What do you think you are doing, De Guzman?" Halos mabitawan ko ang hawak ko nang marinig ko ang matigas at malamig na boses. Ang mahinahon niyang mukha kanina ay napuno na naman ng galit. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa kong pangingialam sa gamit niya. Kung iba siguro akong tao ay baka nanginig na ako dahil sa takot.
"You really did love her," sabi ko habang nakatingin sa letrato nilang dalawa. Mabilis niya iyon kinuha sa akin at ibinalik sa ipinagkuhanan. Tinignan niya ako na may galit sa mukha.
"Who told you that you can touch my things?" iritadong tanong niya sa akin.
Gusto ko matawa. Seeing him irritated made me happy. It's been a month since we entered this fvcking contract. At wala kaming ginawa kundi pindutin ang button ng bawat isa, tila tinitignan kung sino ang unang magwawala dahil sa inis at galit na nararamdaman.
"Wala. Hahawakan ko ba kung may nagsabi?" pamimilosopong tanong ko sa kanya.
Nagtagis ang kanyang bagang sa aking sagot. Iniwan ko na siya roon bago pumasok sa CR dala iyong damit na ipinasusukat niya sa akin. Mabilis ko namang isinukat ‘yon. Sakto at tama lamang ang sukat nito sa akin. It's a black cocktail dress. V-line na may slit sa kanang ibaba habang backless naman ito sa likuran.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kanyang kwarto. Mabilis kong naagaw ang kanyang atensyon mula sa kausap sa telepono. Nanatili pa rin ang galit sa kanyang mukha. Marahil ay dahil sa ginawa ko kanina. Kung tutuusin ay wala naman ipinagbago roon dahil parati naman siyang galit sa akin. Matagal ko nang tinanggap ang bagay na ‘yon at ang katotohanan na hindi na kami magkakasundo pa. Palagi na lang kaming nag-aaway at siguro ay dahil ‘yon sa grudge namin sa isa’t isa. It was easy to forgive someone, to forget the hatred and moved on pero ang pinakamahirap ay ang tanggapin ang katotohanan na sinasampal sayo ng reyalidad.
Tinapos ko ang dapat kong gawin at noong may natitira pa akong oras ay umupo na lang ako hanggang sa matapos ang oras ng trabaho. Nang matapos ang oras ng trabaho ay agad na rin akong lumabas at pumara ng taxi. Wala pa ngang ilang minuto nang makarating ako sa apartment na tinutuluyan ko. Binenta na kasi ang mansion at ilang ari-arian para may pampagamot kay daddy at pambayad ng utang pagkatapos malugi ng kumpanya. Tanging ang pent-house na lang kung saan sila ngayon ang nag-iisang property na hindi na naibebenta. I cannot afford to lose that one too. Hindi ko sila pupwede patirahin sa isang apartment kung saan ako nakatira ngayon dahil masyadong maliit na ito para sa amin.
Napakunot ang aking noo dahil nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng nirerentahan kong apartment. Hinanap ko kung sino ang may-ari no'n. Hindi naman ako nahirapan dahil nakasandal siya sa pintuan ng sasakyan habang nakatingin sa akin.
He actually looks like a model who is currently doing his photoshoot in front of a car.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Mukhang hindi pa siya nakakauwi sa kanila dahil naka-office attire pa rin siya hanggang ngayon.
Nagkibit-balikat siya bago tuluyang lumapit sa akin. “I was calling you but you’re not answering your phone. You leave me no choice but to go here and fetch you.”
“Ano ngang ginagawa mo rito?” tanong ko ulit sa kanya.
"Fetching you?" sagot naman niya sa akin.
Naningkit ang mata ko sa naging sagot. Bakit niya ba ako sinusundo? Wala naman akong matandaan na sinabihan niya ako na susunduin niya ako dito sa bahay.
‘’Pwede ba? Hindi ako namimilosopo, Gio. Nagtatanong ako ng maayos.,’’ inis kong wika sa kanya. Nawala naman ang aking buong atensyon sa kanya ng may mga armadong lalake ang lumabas galing sa tinitirhan ko na may mga dalang gamit at isa-isa itong ipinasok sa truck na nasa likuran ng sasakyan ni Gio.
Teka. Parang pamilyar ang mga gamit na binubuhat nila kaya nilapitan ko pa ito ng maigi. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang mga iyon. Those are my things! Bakit nila kinukuha? Nakapagbayad naman ako ng renta noong nakaraan ah? "Anong ginagawa nila? Bakit nila binubuhat ang mga gamit ko?"
Hindi niya ako sinagot kaya pinuntahan ko iyong nagbubuhat.
"Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko?" Tinignan ako noong lalaki na malaki ang pangangatawan na buhat-buhat ang malaking kahon na galing sa bahay.
"Inutos ni Sir ma'am. Lilipat na raw po kasi kayo."
"Anong lilipat?" Tinignan ko si Gio na may pagtataka sa mukha. "Anong lilipat Gio? Saan mo balak dalhin ang mga gamit ko?"
Huminga siya ng malalim at saka nagsalita habang nakasuot ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon.
"Dadalhin nila ang mga gamit mo sa bahay ko."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "Bakit naman nila dadalhin ang gamit ko sa bahay mo? Hindi naman ako roon nakatira?" sagot ko sa kanya. "Make them stop! Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo ha?" sunod-sunod kong sabi sa kanya.
He gave me a boredamn look. "It's because we will be living under the same roof now, wife."