Kabanata 2
Hila-hila niya ako palabas ng opisina habang ang mga tao ay nakatingin sa amin ngayon at nagsisimula na magbulongan. Sigurado ako na nagtataka na sila ngayon kung bakit ako hila-hila ng masungit nilang boss ngayon at kung bakit niya ako kasama ngayon.
Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapatigil rin siya sa paglalakad. Hinatak ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Namumula ito nang bahagya dahil kanina ko pa pilit tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko. Iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya at hindi na nagulat nang makita ko ang galit sa kanyang mata, dahil ang mas nagpagulat sa akin ay ang makakita nang kaonting pag-aalala nang tignan niya ang aking braso.
"Ano ba ang ginagawa mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa paligid namin. Doon ko lang din napansin na parami na nang parami ang mga tao na nakatingin sa amin ngayon!
"So my wife is now mad, huh?" mahinang sabi niya sa akin. Lalo lamang lumala ang inis na nararamdaman ko dahil doon. What is he really trying to do? Sinusubukan ba niya na ipaalam sa lahat na pinakasalan niya ako? Tapos ano? Kukuyugin ako ng mga taong ayaw sa akin? Pamilya niya?
"Ano ba talaga ang gusto mo, Trinidad?" mariing tanong ko sa kanya. Ngumiti ako nang tipid sa mga taong nakatingin sa amin ngayon para hindi sila maghinala.
"I want us to have a new agreement."
Nanlalaki ang mata ko ng lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ng wala sa oras. Bakas sa mukha ng mga tao na kasalukuyan nanonood sa amin ngayon ang pagtataka, iyong iba nga ay maglalakad pagkatapos tumingin sa akin at magkukunwari na walang nakita.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya nang hawakan niya muli ang aking kamay na mabilis ko rin inalis dahil hindi ko hahayaan ang gusto niya mangyari.
"New agreement?" Parang hindi ako nakahinga nang sandali niyang hawakan ang ilang buhok na napunta sa aking mukha para ilagay ‘yon sa likod ng aking tenga.
Hinawakan niya ang pisngi ko at saka nagsalita. "Let them know that we are married."
Kung hindi ko lang alam kung ano ang totoo niyang pag-uugali, iisipin ko na mabait siyang tao at may gusto siya sa akin pero sino nga ba ang niloloko ko? I knew that he’s an angel in disguise.
Kaagad kong tinampal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at lumayo. Wala na akong pakialam kung gumagawa kami ngayon ng eksena rito sa kumpanya niya dahil kung tutuusin ay siya naman ang nauna. Siya ang humila sa akin mula sa cafeteria at siya rin ang nagsabi kela Joana na mag-asawa kami! Tapos ngayon? Gusto niya ipaalam sa lahat na kasal kaming dalawa? Nababaliw na ba si—Hindi! Talagang nababaliw na siya para isipin ang bagay na ‘yon!
“Why?” Hindi siya sumagot kaya inunahan ko na siya magsalita. “Gusto mo malaman na kasal tayong dalawa? Pinapatawa mo ba ako?” I asked with full of sarcasm. Nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko subalit wala ulit akong pakialam. Hindi ako papayag sa gusto niya.
“Ano ako baliw para pumayag dyan sa kalokohan mo? Hindi mo ako mapapayag. Hindi ako papayag, Trinidad,” mariing sabi ko sa kanya at pagkatapos no’n ay umalis na at iniwan siya roon.
“You have no choice but to agree with me, Elise,” he said in gritted teeth. “I’m still the CEO of your own company when I bought it from your dad.”
Parang saglit na naikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Ginagamit na naman niya ang alas niya sa akin para pumayag ako. Hindi ko pa rin makuha kung bakit niya ito ginagawa. Hindi ko makita kung anong bagay na magbebenepisyo sa kanya kapag nalaman ng mga tao na kasal kaming dalawa.
“Are you blackmailing me?” nanginginig na tanong ko sa kanya. Isang mala-demonyong ngisi naman ang isinagot niya sa akin.
“I’m not. I am just stating a fact.”
“So ano? Kailangan ba natin ipaalam sa buong mundo na asawa kita?”
Pagkatapos ng nangyari, hindi ko na kinausap pa si Gio. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga papeles niya. Lalo lang kami mag-aaway kapag nagkausap pa kaming dalawa. Wala na nga ata kaming matino na pag-uusap noong lalaking ‘yon eh.
Kasalukuyan akong pabalik na sa opisina ni Gio para magpapirma sa kanya. Kumatok muna ako sa pinto at saka pumasok. Nakarinig naman ako ng malakas na tawanan kung kaya't napataas ang aking kilay. Bumungad sa akin ang lalakeng kasing-tangkad ni Gio. Magulo ang buhok at nakasuit rin. Pareho silang may dimple ni Gio at bilugan din ang mata. Iyon nga lang ay mas maputi ito kumpara kay Gio. "You didn't tell me that you have a beautiful secretary on your office, bro."Sumeryoso ang mukha ni Gio at saka matipid na ngumiti.
"Wala kang pag-asa dito, Zen. Suplada 'to," Hindi ko napigilan na mapataas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Alam ko na suplada ako pero bakit pakiramdam ko ay sinisiraan niya ako sa lalakeng 'to?
"It's okay. I like hard to get type of girls," sabi niya habang nakangisi sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Kung hindi ko lang alam ang mga ganyang galawan ay baka nabiktima na rin ako but those kind of moves were too familiar for me.
Umigting ang panga ni Gio. Maya maya ay umalis na rin iyong Zen dahil may gagawin pa raw siya kaya kami na lang ang naiwan. Pagkatapos ko sabihin ang mga dapat niya malaman, pinapirmahan ko na rin iyong mga kailangan ng approval niya. Pagkapirma niya ay aalis na sana ako kung hindi niya lang ulit tinawag ang pangalan ko.
"May kailangan ka pa?"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin ngayon kung kaya't napaiwas ako ng tingin. Napaatras naman ako nang lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa akin.
Magsasalita sana ako ng bigla niya ako hinalikan sa gilid ng aking labi.
"Don't do that again. Smile like he's your favorite person,”