Kabanata 1
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni Gio. Mabilis akong lumapit sa kanyang table habang pinagmamasdan siya na prenteng nakaupo sa kanyang upuan at nagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa.
"Sir Trinidad, you have an appointment with Mr. Galvez today," mahinang sabi ko sa kanya.
"What time?"
"It's a lunch meeting sir."
Umangat ang tingin niya sa akin. Kinunotan niya ako ng noo but I just maintained my straight face.
Umiling siya at tamad na sumandal sa kanyang itim na swivel chair. Sa harap naman niya ay may malaking lamesa na punong-puno ng mga papeles na hindi pa napipirmahan. He’s wearing his usual black two-piece suit that matched his brown messy hair and his nerdy glasses.
"Done staring at me?" Nagulat ako nang mapansin ko na ang ilang pulgadang distansya na mayroon ang mukha namin sa isa't isa ay bigla na lamang lumiit kaya bago pa siya makaisip ng kung anu-ano ay umiwas na agad ako ng tingin.
Narinig ko ang marahan nitong pagtawa sa akin, "Are you drooling over me?"
Drooling? I know that he's handsome pero hindi ako maaattract sa isang lalaking kagaya niya.
Mabilis akong umiling bilang sagot. Nakasiko siyang tumingin sa akin habang nakangisi na tila ba natutuwa na nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Hindi ko mapigilan na maisip na ang kapal naman ng kanyang mukha para isipin na pinagnanasahan ko siya.
"Why not? I'm your husband." Ako naman ang napataas ang kilay sa sinabi niya.
“I don’t like you,” malamig na sabi ko sa kanya. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko siya gusto at walang sapat na dahilan para magustuhan ko siya kahit siya pa ang asawa ko o kaisa-isang lalaki sa mundong ibabaw. Everyone says that he’s an angel that God sent from above pero nakakalimutan ata nila na minsan ng nag-anyong anghel ang isang demonyo para makalinlang ng tao. Siguro nga kung ibang tao lang ako, baka nga tama siya na pinagpapantasyahan ko siya pero hindi naman ako ibang tao at hindi ako magpapanggap para lang makarinig siya ng maganda mula sa bibig ko. At isa pa, kilala niya rin ako. Hindi ako nagsu-sugar coat ng mga salita kung hindi naman kinakailangan.
"Hindi rin ako kagaya ng mga babae na nilalandi mo, Mr. Trinidad."
Ang kaninang malawak na ngiti sa labi ay biglang naglaho na parang bula at napalitan ng seryosong mukha habang hindi alintana ang ibinibigay nitong matatalim na tingin sa akin.
"Really? Ang marinig ang salitang iyan mismo galing sa iyo ay tila nakakapanibago.”
Napatahimik ako nang tuluyan sa sinabi niya. Alam ko ang nais niyang iparating sa akin. Tinutukoy na naman niya ang nakaraan. Hanggang kailan ba niya isasampal sa akin ang mga nagawa ko noon?
Hindi ba kaya ako nandito ngayon at nagpatali sa kanya ay dahil sa kagustuhan ko na magbago at pagbayarin ang mga nagawa kong kasalanan noon? Hindi naman ako bumalik dito para lang isalba ang kumpanya ng mga magulang ko, kundi ay para humingi ng tawad at patawarin ako ng mga taong ginawan ko ng mali noon.
Alam kong galit siya sa akin dahil ako ang rason sa pagkamatay ng anak naming dalawa pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ako nasaktan. Gumunaw ang mundo ko ng mawala siya sa akin at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala niya.
Inaamin ko na naging masama rin akong ina dahil naging desperada ako noon kay Zeus pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na inisip ang kapakanan ng anak ko. Walang oras na hindi pumasok sa utak ko ang kagustuhan na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya para iparanas sa anak ko ang kahit kailan na hindi ko naramdaman noon. Gusto ko mabigyan si Deo ng mapagmahal na pamilya pero hindi ko alam na ang kagustuhan ko mismo ang sisira sa pangarap ko na maibigay iyon sa kanya. Habang buhay ko na iyon pagsisisihan dahil hindi ako nakahingi ng tawad sa anak ko at iyon ang bagay na hindi nakita kailanman ni Gio.
Hindi naman sa nagmamalinis ako pero hindi ba ay nakagawa rin naman siya ng kasalanan noon? Sa kanila ni Trina kaya bakit ako lang ang parang may mali rito?
"Pareho lang tayo kaya huwag kang umakto na ako lang ang masama rito, dahil kung tutuusin ay naging makasarili ka rin naman hindi ba?" pabalik na tanong ko sa kanya. Hindi na ako nag-effort na umiwas pa ng tingin dahil gusto kong malaman ang iniisip niya. Gusto ko lang din ipaalala sa kanya na hindi ako ang nagtulak sa kanya para magsinungaling kay Trina. Sarili niyang desisyon iyon na sinang-ayunan ko lang dahil kapag nangyari ‘yon, mawawala na si Trina kay Zeus at ako na ang pipiliin niya na hindi naman nangyari.
Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin ngayon kumpara sa kanina na kaagad sumaksak sa puso ko pero wala akong pakialam doon. Kumirot din 'yon nang bahagya pero hindi ko iyon pinansin katulad ng parati kong ginagawa.
Ngumisi ako sa kanya habang ang mukha niya na walang emosyon kanina ay nabahiran na ngayon ng matinding galit para sa akin.
"Get out,” mahinahon niyang wika subalit ramdam ko naman ang galit sa bawat salitang binitawan niya. Binitbit ko na lamang ang gamit ko palabas ng opisina niya at tahimik na lumabas.
Another day with him.
“Galit na galit na naman si Sir kanina. Ano kayang problema niya ngayon? Nasigawan pa niya ang isa sa mga marketing assistant,” mahinang sabi ng isa sa mga empleyado na ngayon ay nagbubulong-bulungan.
Pagkatapos ko mag-encode kanina at ayusin ang mga meetings niya ay saka naman ako pumunta sa cafeteria nitong opisina para roon kumain ng lunch. Wala akong kasabay kumain dahil karamihan sa kanila ay alam ang nakaraan ko. Pero mas mabuti na itong ganito dahil hindi rin naman magtatagal ay aalis din ako.
Pasimpleng tumingin ang isa sa kanila sa akin at saka bumulong sa katabi na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Marahil ay iniisip nila na baka ako na naman ang dahilan kung bakit ganoon na lang kagalit si Gio kanina. Palagi kasi nilang nasasaktuhan ang pagsigaw ni Gio sa tuwing papasok sila pagkatapos ko makipag-usap sa kanya.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Sa totoo lang ay wala talaga akong pakialam kung ano ang isipin nila ngayon. Tama naman sila na ako nga ang dahilan kung bakit palaging galit si Gio dahil noon pa lang ay hindi na kami magkasundo, kaya nga hindi ko lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak para ako ang makuhang pakasalan.
We both hated each other and it was enough para maging reason na hindi kami magpakasal pero nakuha pa niya ako gipitin para lang pumayag ako.
Ilang beses ko na sinubukan basahin ang nasa utak niya kung ano ang pinaplano niya sa aming dalawa pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya. Ang hirap basahin ng mga ginagawa niyang aksyon. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin.
"Elise, bakit galit na galit na naman si sir? Nasigawan pa si Ellie kanina. Ano ang nangyari?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Rose na hindi ko pinansin. Sa dinami-dami ng empleyado rito ay hindi ko alam kung bakit siya nagtatyaga na kausapin ako samantalang ang lahat ng tao rito sa opisina ay ayaw sa akin.
Nanatili lamang akong tahimik at kumain.
"Obvious naman kung sino ang dahilan kung bakit galit na galit si sir kanina. Nakita niya na naman kasi ang pagmumuka nang isa riyan."
Nagpanting ang tenga ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Kung may natutunan man ako sa pagbabago ng buhay ko ay iyon ang magpasensya at magbingi-bingihan sa naririnig. Huwag ibababa ang lebel sa mas mababang uri. Kung ako pa siguro iyong dating Elise ay baka sinabunutan ko na itong si Joana dahil araw-araw na lang may sinasabi tungkol sa akin. Pero sa nagdaan na panahon na pananatili ko sa ibang bansa, natutunan ko na maging kalmado kahit paano sa mga ganitong sitwasyon.
"Ano ba ang problema mo sa kanya, Joana? She's my friend!" naiinis na sabi ni Rose sa kanya.
"You call her a friend? Ni hindi ka nga niya pinapansin! At saka ang kaibigan, hindi nang-aagaw! Hindi sulutera! At mas lalong hindi pumapatay ng inosenteng tao para lang makalamang sa iba!"
Napangiti ako ng mapait ngunit hindi ko ulit 'yon pinansin. Mas pinili ko ulit magbingi-bingihan kahit gusto ko na siya sagutin. Inisip ko na lang na masasayang ang oras ko kapag nagsalita pa ako.
"Tumigil nga kayo. She can't do that! Hindi naman lahat ng nababasa at lumalabas sa media ay totoo! Daig niyo pa ang naagawan! Kayo ba ang naagawan ha? Hindi naman ah!"
“At ano namang ebidensya ang mayrooon ka para mapatunayan na hindi totoo ang sinasabi sa media? Eh halos kalat nga ang ginawa niya sa buong Metropolis. Kahit nga ang anak niya ay namatay dahil sa kanya. Pagkatapos ano? Umalis siya at tumakbo na mas mabilis pa sa kabayo,” nang-iinsulto na saad niya. Tuluyan nang napuno ang dibdib ko ng halo-halong emosyon. Wala silang alam sa nangyari. Base lang sa mga nakakita ang report na ibinalita noon kaya masasabi na ang iba roon ay hindi na totoo!
Tumayo ako galing sa aking pagkakaupo at tumingin ng mataman kay Joana pati na rin sa mga kasama niya bago tumingin kay Rose na nagulat sa ginawa ko, "Yes. I did it. I killed innocent people kaya mag-iingat ka, dahil baka ikaw na ang sumunod,” naiinis kong sagot sa kanya.
"See! She killed innocent people! Even her son!"
Bahagyang kumirot ang puso ko at napatitig kay Joana. Matagal ko ng tanggap na ako ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko at labis akong nasaktan pero hindi ko alam na mas masasaktan pa pala ako kapag narinig ko 'yon galing sa iba. Wala silang alam sa nangyari o sa naramdaman ko. Ako ang may kasalanan pero nawalan din naman ako. Hindi porket ako ang gumawa ay hindi na ako nasaktan.
I did it because I was selfishly inlove with Trina’s husband. Maaaring hindi nga katanggap-tanggap ang rason na ‘yon pero sa maniwala sila o hindi ay pinagsisihan ko na ang mga nangyari noon.
"What happened on the past has nothing to do with you, Ms. Serino,” malamig na sabi ni Trinidad na ikinagulat naming lahat. Bakit siya nandito? Kailan pa siya natutong makinig sa usapan nang may usapan? At saka bago ako umalis kanina ay abala pa siya sa pagbabasa ng mga documents sa table niya ah?
“S-Sir,” nanginginig na saad ni Joana sa kanya.
Hindi niya rin ba alam na pupwede kami mabuking sa ginagawa niya?
‘’P-Pero totoo naman sir ang sinasabi ko hindi ba? She killed innocent people including her son!’’ malakas na sigaw ni Joana. Alam kong nakakaramdam na siya ng pangamba sa kanyang dibdib dahil sa katakot-takot na itsura ngayon ni Gio.
‘’It was none of your business, Ms. Serino. Kung ano man ang nasabi sa report noon ay walang katotohanan ang mga ‘yon. ‘’ malamig na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ibinalik ang tingin kela Joana.
"P—"You cannot talk like that anymore to her because she is my wife.”