Simula

626 Words
Simula Elise De Guzman "I can't believe you! Sa tingin mo ba ay magpapakasal ako nang dahil lang sa ginigipit mo ako? Ganoon na ba kababaw ang tingin mo sa akin, Gio?" matigas at mariing sabi ko sa kanya. I can't believe him! Paano niya nagagawang gipitin ako nang ganito! Gusto niya na magpakasal ako sa kanya para makuha ko ang kumpanya na nakasanla sa bangko na pagmamay-ari mismo nila? Ha! Talagang nababaliw na siya kung ganoon! "Gusto mo mabawi ulit ang kumpanya ng pamilya mo, hindi ba?" Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang kanyang muka pero kitang-kita naman ang naglalarong ngisi sa kanyang labi. Alam ko na gusto niya ako paglaruan pero hindi ko naisip na sa ganitong paraan niya ako paglalaruan! "Bakit mo ba 'to--"I'm offering you a good offer, De Guzman,” malamig na sabi niya sa akin na halos ikinagigil ko lalo! Nasaan ang maganda sa inooffer niya sa akin? Ang pilitin na mapunta ako sa sitwasyon na alam ko na ayaw niya rin ba ang sinasabi niya? Kung ganoon naman pala ay walang pawang katotohanan ang sinasabi niyang magandang offer! "The only way to recover your family's company is to marry me, De Guzman.” Lumapit siya sa akin kaya hindi agad ako nakagalaw. Diretso lang ang tingin ko sa kanya habang pilit na sinasalubong ang malalamig nitong mata na nakatutok ngayon sa akin. "Bakit mo ba ito ginagawa?" nanginginig kong tanong sa kanya. Umatras ako nang kaonti dahil sobrang lapit na naman ng mukha niya sa akin. Tinitigan niya ako na walang halong emosyon sa mukha. I’ve never seen him like this. Oo nga at desperada na ako na makuha ang kumpanya nila daddy mula sa pagkakabenta nito sa kanya pero hindi ko naman ipagkakalulong ang sarili ko sa isang bagay na alam kong ikapapahamak ko lang din. "Think of it as a deal, babe. Pareho naman tayo makikinabang dito. I need a wife, and you need your family's company. Pareho tayong makikinabang at walang uuwi na talunan." Humakbang siya ng muli papalapit sa akin kaya umatras na naman ako pero sa kada-atras na gagawin ko ay isang hakbang naman ang matatanggap ko mula sa kanya, hanggang sa kusa ko nang naramdaman ng aking likuran ang malamig at matigas na pader. Mabilis nitong itinuon ang kanyang kamay sa pader para ikulong ako. "There's no way you could save your company aside from marrying me, De Guzman. Kahit magtrabaho ka pa dito, aabutin ka ng ilang taon bago mo mabawi ang kumpanya and besides, Mr. De Guzman is still in the hospital for his medications, right?" Umigting ang aking panga at napapikit na lamang ng mariin. Marahil ay tama siya dahil kahit magtrabaho pa ako at doblehin ang pagtatrabaho sa isang araw, ay hindi ko mababayaran ng ganoon kadali ang sampung milyon na pagkakautang dahil sa pagkakalugi ng kumpanya, idagdag pa ang iba pang utang sa sugal na naging mitsa ng pagbabanta sa buhay naming at ng mga iba pang gamot na kailangan nito sa ospital. My family is a mess since I left four years ago. Hindi ko akalain na gagamitin ni Gio ang kaguluhan na nangyari sa buhay ko para bumalik ako sa kanya at ikulong ako sa sitwasyon na wala na akong pagpipilian pa. Tumingin ako sa kanya. Nandoon pa rin sa kanyang labi ang mapaglarong ngisi na kinaiinisan ko ngayon. I heard that he’s becoming worst but I didn’t know that he’s that worst. Tama nga ang narinig ko na ang laki ng ipinagbago niya sa nagdaang taon na lumipas. Ang gamitin ang mga taong mahahalaga sa buhay ko para pumayag sa kagustuhan niya ay isang tanda lamang na talagang nagbago na siya. "Fine. I'll marry you, Trinidad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD