NAGPAHATID SIYA AGAD KAY SABINA PAUWI. Nahihiya pa nga siya nang una dahil alam niya na may lakad pa ito at ang boyfriend nitong si Dan, but her friend kept on insisting na pabor din naman sa kaniya kaya hindi na rin siya nag-inarte pa. At least, hindi na siya tatawag pa ng taxi o magpa-book sa kahit anong ride sharing apps.
Nang nakauwi ay agad na siyang dumiretso sa kwarto at nag-shower, nahiga sa kama at parang tanga na nakatitig lang sa kisame. She was about to close her eyes because of the fatigue she felt sa kakaisip kay Brix nang makarinig siya ng katok. Tinatamad na tumayo at binuksan ang pinto, agad naman dumungaw si Lucy at ngumiti sa kaniya.
"Ma'am Ali, baba na raw po kayo. Nakahain na po ako," Lucy said in her vibrant pitch.
"Sige," matamlay niya namang sagot dito.
Tumalikod na agad si Lucy at iniwan na siya. Lumapit naman siya sa tokador at kinuha lang ang phone na roon niya ipinatong kanina bago siya nagbihis ng pambahay at nahiga. Sinadya niya ipatong ang phone doon kanina dahil kapag itinabi niya sa higaan ay siguradong gagamitin na naman niya para i-stalk ang mga social media accounts ni Brix.
She sighed with her stupid thoughts at lumabas na ng kwarto. Bumaba na rin siya at dumiretso na sa dining room. She silently sat beside Lian na nakakunot-noo naman nang tumingin sa kaniya.
"You look... sick! Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong at tulad ni Sabina kanina sa office ay agad inilapit ang palad sa kaniya para ma-check ang temperature niya.
"I'm not sick..." matamlay niyang sabi. I'm just sad. Sad because I feel terribly ill inside by making myself so stupid.
"Make yourself healthy, Ali. Ikaw rin... baka magsugod ang parents mo dito kapag malaman na pinapabayaan mo sarili mo o nagkasakit ka. You know your dad and mom..." sabi ni Lian habang sinasandukan siya ng ulam at kanin.
"Yeah... Baka magkaroon na naman sila ng reason na kulitin ako pabalik sa Cebu para doon mag-work," matamlay niya pa ring sabi at inawat si Lian sa pagdagdag pa ng pagkain na nasa plato niya, "tama na 'yan. Salamat."
They started eating nang maisip na bakit wala pa ang asawa ng pinsan niya.
"Where's Andrew pala?" tanong niya rito, "overtime?" Baka nambabae na naman. Huwag naman sana...
"He called," Lian answered, "pauwi na raw pero sabi ko eh mauna na tayo kain"
She smiled on her cousin at napatingin sa tambak na rice na nasa plato nito. Napangiti siya. Her cousin was very conscious sa katawan nito dati at lagi may diet na sinusundan. Iba na talaga kapag nalipat na sa baby ang priorities.
"Napapansin ko na ang lakas mo kumain, Lian. Okay lang naman kasi 'andiyan pa si baby sa tummy mo," she sweetly smiled to her after saying that at natawa naman ito, "pero huwag mo sanayin ang ganiyan at baka kapag lumabas ang pamangkin ko eh hindi ka na makabalik sa dating figure mo."
Lian eyes widen at napatingin sa kaniya, parang na-imagine ang sinasabi niya, "do I look fat already?"
"Hindi pa naman but you could be if you won't stop consuming too much sweets and rice. Wala naman masamang tumaba pero... alalahanin mo na marami pa rin nagkakagusto sa asawa mo," pananakot niya dito.
"Andrew wouldn't do that to me..." confident nitong sabi naman, "at saka syempre kapag nakalabas na si baby eh soon babalik na rin ako sa pagwo-work out."
"Yeah, I believe you," sabi na lang niya rito na nakangiti.
Natahimik sila ng ilang minuto at kumain na lang muna. They decided to watch a movie after they finished eating, dumiretso na sila sa living room and Lian played a movie.
She wants to watch a horror movie pero baka iba ang maging epekto kay Lian dahil alam niya na matatakutin ito. They settle for some romance genre. Kinikilig pa si Lian sa pinapanood at natatawa naman siya sa itsura nito.
"Hindi ka ba natatakot na lagi kasama ni Andrew si Brix?" she asked Lian out of the blue na dahilan kaya napatingin ito sa kaniya, nagtataka sa naging tanong niya.
"Why would I?"
"Ahmm... you think na walang mga babaeng umaaligid kay Brix? You think na walang mga flings or f*ck*ng buddies si Brix? What if mahawa si Andrew? What if mambabae si Andrew?"
Napangiti naman si Lian sa kaniya at muling ibinalik ang atensyon sa TV. She thought na hindi na ito sasagot nang bigla ito magsalita, "si Andrew ba ang dapat kong problemahin o sang-ayunan kita na dapat pagdudahan si Brix?"
Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "Lian!" she exclaimed.
"Ali, if you are having a bad day dahil wala ka tiwala kay Brix ay hindi maganda 'yan para sa'yo. That negative vibes could stress you and it would affect you emotionally and mentally."
"Lian naman eh..." she said with her no energy voice. Naisip na tama ang pinsan, hindi maganda sa kaniya ang sobrang kakaisip kay Brix.
"Are you already in love with Brix?" Lian counter attacked her with a question while her eyes were focused on the TV screen, "o baka naman wala kang sinasabi at kayo na pala."
"I can't hear you, Lian..." kunwari niyang sabi, "ano na nga 'yon?"
"Okay, you don't need to answer..." natatawa na sabi nito, "it's obvious."
Pabulong ang pagkakasabi ni Lian sa huling mga salita pero malinaw niyang narinig. She closed her eyes sa inis na naramdaman. Masyado na ba siya transparent?
She focused on the movie para hindi na siya kausapin ni Lian. May bed scene na eksena. She breathed softly for some feeling that the movie's scene were giving her. Naisip na naman si Brix. Would he be gentle in bed or as wild as a beast. Napalunok siya sa naisip. Napainom ng iced tea mula sa hawak na baso. Mabuti na lang at may dala akong maiinom.
"I miss that..." Lian whispered.
"What?"
"I said I miss that... I miss making love with Andrew."
"Eww..." she rolled her eyes. Inisip na sana hindi na lang siya nagtanong kung ano ang binubulong nito. She looked at her cousin's facial reaction. Mukha na itong sabik sa kung anumang iniisip nito. Muling naalala ang nakitang pambababae ni Andrew at nakaramdam ng awa rito. If you only knew...
"Months had passed at natural na ma-miss ko rin ang asawa ko, Ali..."
"Why? Is it bad for your baby if you and Andrew will have... will have..."
"S*x?"
"Gosh, Lian!"
"Gosh, Ali!" panggagaya pa nito sa reaksyon niya, "we are no longer babies. We can talk about that like some adults. Duh!"
"I'm not just comfortable talking with you about that. Kung anu-ano kasi naiisp ko."
"Ikaw na lang ang virgin dito kaya ganiyan ka. As you can see, my dear cousin s***h twinny... I'm already pregnant. Sa palagay mo ay paano nabuo ang baby na ito? Sa titigan? Sa holding hands?"
"Can we change the topic na nga lang?"
"Yeah, pero for your queries kanina... Pwede naman makipag-s*x ang buntis. I just don't feel like doing it while I am having my little angel inside of my body. I could wait naman eh," sabi nito at kumindat pa sa kaniya.
"Eww... Stop it! Na-imagine ko kayo bigla."
"Imagining us or imagining yourself and Brix?"
"Why bringing Brix again?" inis na sabi niya, her lips pouted.
"I just know you since then... I know you already fall for him," Lian said seriously habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya.
"I'm not..." she denied.
"Talaga lang ha..." sabi ni Lian at muling ibinalik ang mga mata sa pinapanood.
Hindi na rin siya umimik. Nagkunwang nanonood na lang din para hindi na ito mangulit pa. Hindi siya dapat nakikipag-usap sa pinsan regarding kay Brix at baka makaamin siya sa nararamdaman para sa binata kagaya ng nasabi niya kay Sabina kanina nang pauwi na sila. Naamin niya sa kaibigan na natutukso na siya kay Brix. She really regrets telling Sabina that.
"Kanina you are doubting that Brix could influence Andrew... Do you think that Andrew could cheat on me?" tanong ni Lian sa kaniya at siya naman ang napatingin dito.
He already did. She wanted to say that but she couldn't. She mustn't. "I am just saying na pwedeng maging hindi magandang influence si Brix kay Andrew... "
"Because lapitin siya ng babae at baka matulad si Andrew?" Lian clarified.
"Exactly," padiin niya pang sabi.
"Are you sure?"
Gulat silang napalingon sa nagsalita. Brix... And he was staring ay her with a smirk on his lips. She stared at his eyes and she saw what he was thinking. Nang-aasar. Nang-aakit. Naghahamon.
SABAY NAPALINGON SI ALI AT LIAN SA KANIYA. Lian was smiling sweetly na agad nilapitan ni Andrew at humalik sa pisngi nito. Lian and Andrew sweetly talked at hinimas pa ni Andrew ang tiyan ni Lian, may ibinulong pa ito sa tiyan ni Lian at humalik pa bago tumayo. He'll be a great father for sure. Ako kaya?
Napatingin naman siya kay Ali, he sternly looked at her, iniisip kung ito na ba ang gusto niya maging ina ng magiging mga anak. Nakatingin lang rin ito sa kaniya. Makikita sa mga mata nito ang inis. Kung bakit ay sigurado na ito lang nakakaalam.
"Can we talk?" he said to Ali at hindi naman ito sumagot. Inirapan lang siya at itinutok ang mga mata sa TV.
Napailing siya sa ugali ng dalaga. Okay naman sila nakaraan. Naramdaman niya nga na may pag-asa na siya maging girlfriend ito. Nagtaka pa nga siya kanina dahil dinig na dinig nila ni Andrew habang palapit sa mga ito na pinag-iisipan pala siya nito na bad influence.
Baka nainis no'ng sabihin ko na bawal siya makipag-date sa iba? O baka naman may sakit talaga sa utak kaya kung anu-ano ang iniisip. Kailangan ko pa yata ito ipa-check up sa psychiatrist at baka kapag naging girlfriend ko na ay bigla na lang ako lasunin.
"I will go to Baguio with Ali," sabi niya na at biglang tumingin sa kaniya ang mga ito. Napatayo naman si Ali at nanlalaki ang mga mata pero ang atensyon niya ay ibinigay niya sa mag-asawa.
"Baguio?" Lian said at palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Andrew. Umiling naman si Andrew para ipahiwatig sa asawa na wala itong ideya sa sinasabi niya.
"Yeah," he said and gave a nod to Lian.
"Ali?" Lian moved her gaze from him to Ali. She was asking for Ali's reaction obviously.
"Wow..." Ali said sarcastically, "you are really amazing!"
"I always am."
"And where do you get an idea na sasama ako sa'yo?"
"I know na sasama ka..."
"Ahm, Brix. Sa dining lang kami. Usap na lang muna kayo," paalam naman ni Andrew at hinawakan ang kamay ng asawa at umalis na ang mga ito sa salas.
"I won't go..." Ali said like a child having tantrums.
"When I say you will go with me then you will..."