"ALI, TARA NA..." narinig niyang sabi ni Sabina sa kaniya at agad na itong nakalapit sa kaniya. Magkatabi lang kasi ang cubicles nila.
"May tinatapos pa ako..." sagot niya kay Sabina sabay lingon dito, nakatayo ito sa likod niya at nakitang bitbit na nito ang bag.
"Bukas na 'yan," pangungulit naman nito, "or better mag-overtime ka na lang para may compensation pa."
"Hindi na..." she said, "ayoko naman mag-overtime mag-isa. Mga five to eight minutes na lang din naman at for sure malilito ako kung bukas ko pa tapusin."
Totoo naman. Malilito talaga siya kung bukas niya pa tatapusin. Kaunti na lang naman ang kailangan niyang gawin. Ilang entries na lang ang kailangan niya ilagay.
That was one of her characteristic, kapag may nasimulan ay kailangan niya tapusin. Kung alanganin siya sa isang bagay ay hindi na itutuloy dahil kapag nasimulan na niya ay siguradong hindi siya titigil hangga't hindi niya matapos.
"Okay, wait na lang kita. Tapusin mo na, dali!"
"Mauna ka na kaya?" sabi naman niya. Ayaw na ayaw niya nagpapahintay. Hindi niya ugali mang-istorbo ng iba lalo na at alam niya na may iba ring lakad ang kaibigan niya. Narinig niya na may kausap ito sa phone kanina at lumayo pa sa cubicle nito, obvious na nakikipaglandian sa bagong boyfriend at ayaw iparinig sa kanila ng mga kasama, "may lakad ka pa naman yata."
"Okay lang naman, no problem... I'll wait for you here," at naupo na ito sa bakanteng upuan at nakangiti sa kaniya ng matamis.
"Bahala ka..." napakunot-noong sabi na lang niya dahil nawe-weird-an sa ngiti ni Sabina. There is something wrong with her, she thought.
Ilang minuto na hindi na niya muna ito inintindi at nilingon dahil gusto na rin niya makauwi. She wants to eat some ice cream to comfort herself. She would eat any comfort food to forget thinking someone na hindi niya dapat pinagkakaabalahan isipin. Remembering Brix made her finished her work fast. She really wants to go home at mahiga na sa kama niya.
"Sino pala kausap mo kanina sa phone? Boyfriend mo ba? May date ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong dito ng nagliligpit na siya ng gamit.
Natawa naman ito na ikinalingon niya. Weird talaga nito ngayon sa isip niya. Maya-maya ay nakita niyang bumubulong ito, mas kausap ang sarili kaysa siya.
"Sana nga jowa ko na lang..." mahina nitong sabi pero nakarating naman sa pandinig niya.
"May bago ka na namang nilalandi?" gulat siyang nakatitig dito. Nanlalaki ang mga mata.
"Gaga! Hindi ko nilalandi 'yon!" natatawa nitong sabi at napahampas pa sa braso niya.
"Aray!" napahimas siya sa braso na hinampas nito at natawa sa reaksyon ng kaibigan, "kailangan manakit?"
"Ikaw kasi eh... Nakakatakot naman kasi iniisip mo! Hindi ko pwede landiin 'yon! May kalandian ako pero hindi akp nanlalandi ng lalaki na alam kong sa kaibigan ko."
Natahimik siya, may naalala sa sinabi nito. Halos gano'n rin ang sabi ni Brix, iba ang tunay na kaibigan nito sa naging kalandian na kaibigan. Si Anya kaya? Ano kaya ito ni Brix? Ex o fubu?
"Bakit tumahimik ka na? Hindi ka naniniwala na hindi ko kaya manlandi ng jowa ng kaibigan ko? Grabe ka sa 'kin!" maarteng sabi pa nito.
"Eh 'di hindi," natatawa niyang sabi, "at pakialam ko naman kung kalandian mo nga 'yon. Akala ko lang naman kasi kanina ay boyfriend mo 'yong kausap mo kaya natanong kita. Palayo-layo ka pa kasi eh..."
"Kailan ba ako lumayo kapag kausap ko si Dan?" she asked. Si Dan ang foreigner na nakilala nito last week sa Black Bricks na boyfriend na nito instantly.
"Can't remember. Hindi naman kasi ako interesado mag-obserba sa'yo nakaraan."
"Pero kanina nagka-interes ka bigla. Bakit kaya? Hindi kaya gusto mo na rin magka-boyfriend?" panunudyo nito.
"Desperada na ba ako sa paningin mo?" sabi naman niya.
"Hindi naman... pero mukha kang naloko ng isang dosenang lalaki kaya takot na takot ka na." Humalakhak pa ito pagtapos sabihin sa kaniya iyon.
Napasimangot na naman siya at napairap dito na lalong naging dahilan para ngumiti ito ng nakakaloko.
"Hay naku, Ali..." sabi pa nito na naka-bungisngis pa rin, "tara na nga at baka abutan na tayo ni Manong Erning dito. Maya-maya ay dito na 'yon para maglinis, istorbo na tayo sa tao," sabi pa nito at nauna na naglakad sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo, Sab," napapailing na sabi na lang niya at sumunod na rin dito, "maingat lang po ako. Madali lang kasi matukso pero hindi na natin maibabalik ang panahon kapag nagkamali. Wala ng rewind."
"Walang masama magkamali basta matuto tayo. At saka lahat naman nagkakamali 'di ba?" napalingon pa ito sa kaniya nang sabihin iyon.
"Oo, may pagkakamali na para may matutunan tayo sa huli pero may pagkakamali naman na may panghinayangan ka at 'yon ang ayaw ko mangyari. Ayaw ko may panghinayangan ako."
"Virginity mo ba ang topic natin dito?"
"Wui, bunganga mo!!!" nai-eskandalo na sabi niya.
"Ali, ang virginity ay pwedeng iregalo sa mapapangasawa pero hindi naman lahat na virgin nagpakasal ay hindi na naghiwalay. Marami na virgin man siya nagpakasal pero nagloko naman at 'yong iba virgin nga nakuha pero ang asawa pinagpalit naman siya sa kabit."
Natahimik siya dahil totoo naman ang sinasabi ng kaibigan at natigil sa paghakbang nang bigla itong humarap sa kaniya.
"At kahit matagal na nawala ang virginity ko ay hindi naman ako nagsisi at nagsabi na sana may rewind. Kahit may rewind pa ay kay Wilfred ko pa rin ibibigay ang virginity ko." Sabina voice turned sad after remembering her past love.
"I'm sorry..." she said in her sad voice, she knew her story already at alam niya na hindi nito gusto maalala ang nakaraan, "I didn't meant naman na may pinagsisihan ka. Baka lang kasi... baka magsisi ako kapag nagkamali ako."
"Ali, I am not saying na makaluma pananaw mo at mali na i-preserve mo ang virginity mo. What I am telling is... Try mo kaya maging normal, ma-in love, mag-boyfriend... Kung ayaw mo ibigay ang sarili mo sa lalaki dahil hindi kayo kasal eh hindi ka naman pipilitin maliban na lang kung i-r**e ka at sa characteristic mo ay imposible mangyari 'yon. Hindi ka naman tanga na mafo-fall sa r****t or some psycho."
"Yeah... Hindi nga ako siguro mapupunta sa r****t pero what if ma-fall ako sa lalaking sobrang daming babae nakapalibot. 'Yong kahit sabihin pa siguro niya na ako lang ay hindi ako maniniwala dahil alam ko kung gaano kadami niya ka-fling at kalandian. Lalaki na sa unang kita pa lang namin ay hindi na itinanggi na gusto niya ako makuha."
"Are we talking about Brix?"
"Huh?" gulat na sabi niya. "Bakit nasali si Brix?"
"Hindi ba si Brix ang tinutukoy mo?"
"Haizt... Ano ba?! Wala ako tinutukoy!"
"Sureness?!" nakatawa nang sabi nito.
"Ayoko na nga lang... Kainis ka naman eh!" nakangiti niya namang sabi at nagpauna na rito lumabas ng pinto.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang bigyan ng chance si Brix?" biglang seryoso na sabi nito na nakasunod sa kaniya.
"Hindi ba nakakatakot?" she seriously asked her, "hindi ba risky para sa akin ma-fall sa tulad niya?"
"Mukha ba nakakatakot 'yon?! My gosh, Ali! Sabagay sabi mo nga dati sa akin eh pangit. Baka nga naman sadyang iba lang nakikita ng mga mata mo. Punta tayo sa eye clinic. Pa-check ko mga mata mo."
"Sab naman eh..." nakasimangot na sabi niya.
"Seriously... para sa akin ay may risk talaga but you are no longer a teenager para madaling matukso. You are matured enough at hindi ka na kaya utuin pa ng kahit sino."
"You think so?"
"Of course you are!"
"Hindi naman sa ayoko kay Brix pero sana lang talaga ako at hindi ako magkamali ng desisyon... hangga't maaari ayoko ma-fall."
"So you are beginning to like Brix..." nakangiti nitong sabi. Nagliwanag ang mga mata.
"I don't know really... I had no experience at all when it comes to love. Hindi ko rin alam kung ano ba ang nararamdaman ko. But... truth is... natatakot ako para sa sarili ko. I am beginning to doubt myself, Sab."
"OKAY. THANKS, SAB."
He ended the call after that. He looked at Andrew na nakatingin lang sa kaniya. Wala itong imik kanina pa habang kausap niya si Sab at kahit nang tawagan niya si Lian.
"Sabina said na tahimik raw si Ali maghapon sa opisina nila. Akala nga raw niya ay may sakit pero nang lapitan niya ay malungkot pala. Do you happen to know the reason?"
"Okay naman siya kanina sa bahay. Maybe she's just busying herself kaya gano'n."
"I really wanna see her before my flight to Russia."
"You still have three nights before your trip. You can still visit her if you want."
"How I wish I could..." he tiredly said, "may byahe pala ako bukas pa-Baguio at sa Wednesday na ako babalik. Ikaw na bahala simula bukas dito sa company."
"Baguio?"
"Sa father ko. Kailangan ko puntahan before ako pumunta ng Russia. Siguradong may regalo na naman ipapadala para sa mother ko."
Ngumiti naman ito, "ang sweet naman..." sabi nito.
"Yeah... Papa really loves mama. Si mama lang ang may problema kaya hindi sila pwede magsama."
"Culture difference?"
"More than that, Andrew... They fell in love but mama forgot how to stay in love. She loves herself more..." malungkot niyang sabi.
Hindi na rin naman nagtanong pa si Andrew after that. That is what he likes with Andrew, hindi ito masyadong nag-usisa. Curiosity was all over his face pero mas gusto nito manahimik.
Akala niya ay tahimik na ito when he asked him a question... A question out of the blue.
"Brix, I really don't want to intrude pero kayo na ba ni Ali?"