Chapter 9 (Phone Call)

2758 Words
ALI GULPED WHILE LOOKING AT BRIX. Iba talaga ang epekto nito sa kaniya. She moved her eyes and focused it on the glass of water na nasa harap niya. Hindi niya alam kung paano nagkaroon ng isang basong tubig sa harap niya, wala 'yon kanina. Kahit ang pag-serve ng mga waiters ng tubig ay hindi na niya napansin. Nawawala siya sa focus every time na nasa malapit si Brix. Ipinilig niya ang ulo para magising ang diwa. She was obviously mesmerized again with Brix's good looks. Unknowingly, she bit her lower lip inside. Napatingin siya kay Lian, she should asked Lian first kung sino ang kasama nito kanina. Kung nalaman niya lang agad sana ay sigurado wala siya rito ngayon. "Hi! Nice seeing you again, Sabina!" Brix politely said na ikinalingon ng mag-asawa dito. Nagtataka marahil ang mga ito kung bakit kilala ni Brix si Sabina. She should do something para hindi na ang mga ito mag-usisa. "Hello, Brix!" nakangiting sabi naman ni Sabina rito. "Ali..." Brix turned his gazes towards her. "It's so nice that you are here too." Ali rolled her eyes sa kapormalan na ginagawa ng lalaki. She don't want to say anything nang maramdaman na may sumipa sa mga paa niya. Tiningnan niya ang mga kasama at kitang-kita niya ang mapang-asar na ngiti ni Sabina. "Hi!" she then replied to Brix politely. Naiinis na tinitigan ng masama si Sabina na tinaasan lang siya ng kilay. Hinila naman ni Brix ang isang upuan at naupo na rin. He sat beside Andrew at nakaharap sa kaniya. "Kanina pa kayo?" Brix asked them pero ayaw niya sumagot. "Kararating lang. Actually, Lian saw us. Nasa Starbucks kami kanina. Lian said na samahan namin siya for early dinner. We had no idea na may iba pa pala siyang kasama. Right, Ali?" Sabina explained to Brix at nakakainis na hiningi pa ang pagsang-ayon niya. "Yeah..." tinatamad niyang sagot, "if I know na hindi lang pala si Lian ang sasamahan natin eh umuwi na lang sana ako... Aray!" bigla siyang sinipa na naman ni Sabina at nang napatingin siya kay Lian ay masama rin ang tingin nito sa kaniya. My gosh! What happen to them? Are they both charmed by Brix? Why it seems pabor na pabor ang mga ito sa lalaki? Mga traydor... Brix gave her a glimpse na inirapan naman niya. Ilang saglit pa at dumating na rin ang tatlong waiters para i-serve ang mga order nilang pagkain. "Wow..." Ali said na tuwang-tuwa dahil sa nakikitang mga pagkain sa harap niya. She always love to eat at wala siya problema sa metabolism niya kaya nananatili pa rin na twenty-three inches lang ang sukat ng waistline niya. They started eating. Patapos na sila kumain when Ali asked, "ano meron at nanlilibre ka, Lian?" "Ano ka ba?!" natatawa na sabi ni Lian, "hindi ako ang nanlibre. Si Brix." She went still. Nakaramdam ng hiya sa panunuplada niya kay Brix. Napalunok. Naghahanap ng sasabihin. Shit! Really s**t! Nakakahiya! Lakas ko pa kumain tapos libre pala ng kumag na 'to. "Ahh... Okay," nasabi na lang niya and shrugged her shoulders. Dali-daling tinapos na ang pagkain at nang may mag-serve ng desserts ay mas lalo niya hindi napigilan ang sarili. She devoured it all. Wala na pakialam sa hiya na naramdaman. Bakit pala? Pagkain na 'yan eh... She gave Brix a glance at mukhang busy naman ito sa phone. Hindi naman yata napansin na marami ang kinain niya. He was obviously texting someone. Babae kaya? Bigla siya nakaramdam ng inis nang maisip na babae nga siguro ang ka-text nito. She sighed. Ano na ba ang nangyayari sa'yo, Alicia Alejandra?! Problemahin mo ang hindi magkagusto d'yan sa lalaki na nasa harap mo at hindi ang pambababae niya! Hay naku ka! BRIX NEVER EXPECTED NA MAKAKASAMA NILA SA EARLY DINNER SI ALI. He smiled when he saw her kanina na nasa table kung saan sila nakapwesto, Sabina was sitting beside her at kaharap ng mga ito ang mag-asawa. When he walked towards them at nang nakalapit ay magalang na binati niya ang dalawa. He totally ignored Ali afterwards. He wants to sit in the chair beside her pero mas pinili niya tabihan si Andrew at umupo kaharap ito. He saw how she devoured the foods that been served. Wala itong arte unlike sa ibang girls na mas pina-priority ang diet o ang mahiyang kumain kaharap siya. She just ate with all her heart's content. She doesn't care a bit sa mga kasama. She doesn't care a bit about him. When she asked Lian kung bakit ito nanlibre at sabihin naman ni Lian na siya ang nanlibre ay napansin niya na tila napahiya si Ali. She just said 'okay' at tinapos na ang pagkain. Para hindi naman ito mahiya pa ay kinuha niya ang phone at nagkunwang may tini-text. He opted that one para hindi rin siya mukhang habol ng habol dito. Akala niya ay tatahimik na lang ito at pabulong na makikipag-usap kay Sabina but when the desserts were served ay namilog ang mga mata nito at wala ng pakialam sa mga kasama na muling kumain. She was done eating at patingin-tingin na lang sa mga kasama. "Brix," Lian broke the silence, "how do you know Sabina pala?" Napatingin siya kay Ali na pasimpleng napasulyap din sa kaniya at napayuko. She looks cute, parang bata na nahuling may ginagawang kalokohan. "Sa Black Bricks," he answered to Lian with a warm smile, "nando'n sila Ali at Sabina last Friday night." "Ahh, okay... That was your restobar in QC right?" Lian continued asking. Mukhang na-curious. "Yeah," he smiled sheepishly after saying that, "hinatid ko pa si Ali that night pauwi kasi naparami na ang inom ni Sabina." "Oh, really?" napataas ng kilay si Lian after hearing that at tiningnan si Ali. "Hindi niya ba naikwento?" Brix asked Lian and Andrew. He gave Ali a look at nasa mukha nito ang inis sa kaniya. "Hindi eh," Lian said, "baka nakalimutan o sadyang ayaw sabihin." "There's nothing to tell actually at tulog na kayo pagdating ko. Si Lucy na nga lang nakausap ko bago ako natulog and that was the reason kaya nawala sa isip ko ikwento pa dahil occupied na utak ko sa topic namin ni Lucy." Ali shrugged her shoulders after her explanation. "Okay," Lian said with her sarcastic voice, sinasabi na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. "About Lucy..." Andrew started talking, seryoso ang boses, "I think... we should send her home, honey," kausap nito sa asawa. "But... kawawa naman ang magiging anak niya kung wala man lang siyang pera bago manganak. We should let her stay for a while. Kapag hindi na niya gusto sa atin eh saka natin siya pauwiin. And I know na umaasa pa rin si Lucy na bumalik ang boyfriend niya," Lian said with her alarmed voice. Naaawa talaga ito kay Lucy. "Nakakaawa naman talaga si Lucy... and she won't be like that if she wasn't misled by a man. Kawawa dahil biktima ng lalaking manloloko." Biglang bulalas ni Ali na ikinatingin nila dito. "Oh my... Here she goes again... " Sabina yawned at dinampot ang phone na nakalapag sa mesa at nagpindut-pindot. "Manloloko? Mga lalaki? I think that's a misconception. Marami ring babae na manloloko," he said. Wala sana siya plano sumingit sa usapan pero ramdam niya na kasama siya sa sinasabi ni Ali na manloloko. "Why? Totoo naman 'di ba? Ikaw? Ilan na ba naloko mo?" Ali asked him. "Ali!" Nanlalaki ang mga mata ni Lian na nakatingin sa pinsan, giving Ali a warning look na binalewala lang nito. "Zero," sagot niya sa tanong ni Ali, diretsong nakatingin sa mga mata nito, "never ako nanloko pero 'yong ibang mga babae na lumalapit sa akin eh sila ang nanloloko sa mga partners nila." "So you are saying that you are just indulging those women's desires?" Ali countered. "Precisely," he confidently said and Ali rolled her eyes with his answer. "How sweet and nice of you..." Ali ironically said, "those kind of thoughts ay walang pinagkaiba sa utak na meron 'yong nanloko at nang-iwan kay Lucy." "Wala ako pakialam do'n sa nanloko at nang-iwan kay Lucy," he was smiling to her when he said that. "Alam mo kung sino dapat problemahin?" "Si Lucy?" sagot-tanong nito, nakataas ang mga kilay. "No. Ikaw at ang pananaw mo ang dapat problemahin," tinatamad ang boses na sabi niya rito. "Alam mo kung bakit? Look at you… May sarili kang buhay pero wala ka na iniisip kung hindi ikumpara buhay mo sa iba. Hindi palibhasa nangyari kay Lucy ay mangyayari rin sa'yo." "It won't happen to me dahil hindi ako tanga sa pag-ibig," Ali said with her convinced tone. "Hindi tanga ang tawag sa mga taong nagmahal at nabigo. They just took the risk. Wala naman siguradong happy ending but they just gave it a chance," paliwanag niya. Napatitig naman sa kaniya si Ali. Natahimik. Napaisip. "You are blaming men na mga manloloko pero kahit ikaw ay manloloko rin... Ginagawa mo nga lokohin ang sarili mo, 'di ba?" dagdag niya pa. "What?! Sarili ko niloloko ko?!" Ali asked na naguguluhan, napapalakas na rin ang boses nito. "What I am saying eh bago mo problemahin ang iba ay isipin mo muna sarili mo at kung bakit niloloko mo ang sarili mo," kalmado naman niyang sabi. Napipikon na naman ang dalaga sa kaniya. "Of course not! FYI, hindi ko niloloko sarili ko!" mataray pang sabi nito. "Really?! Remember what happened last na kita natin? You respond to my ki--" "Oh my God! You shut up!" napalakas nitong sabi at mabilis na tinakpan ang bibig niya para hindi siya makatuloy sa gustong sabihin. . Napalingon naman sa mesa nila ang ibang mga tao sa paligid. Sabina stood and smiled to the people, "sorry guys, they are just having a lover's quarrel." Sa inis ay napabuntong-hininga na lang si Ali. Ayaw na nito dagdagan pa ang kahihiyan at nanahimik na lang. Hindi nito napansin na hawak-hawak na niya ang kamay nito nang tanggalin niya sa bibig niya na tinakpan nito kanina gamit ang palad nito. Nang tingnan niya ang mag-asawang Lian at Andrew ay nakangiti lamang ang mga ito sa kaniya na nauwi sa tawa when Ali pulled her hand at padabog na tumayo para pumunta sa toilet. "She's lovely, isn't she?" nasabi na lamang niya sa mga kasama habang nakatingin kay Ali. They chuckled with that. "ARE YOU GOING TO STAY AND SULK HERE? PAUWI NA AKO AT AYOKO MAGABIHAN MASYADO." Dinig niyang sabi ni Sabina na nasa likod niya. Nilingon niya ito at nakitang inaayos nito ang lipstick at madaling nag-retouch. Nagpauna na ito lumabas at sumunod na rin siya rito palabas ng toilet. Naabutan nila na nasa pwesto pa rin ang mag-asawa at mukhang hinihintay lang sila. Agad na tumayo na ang mga ito nang makita silang lumalakad palapit sa mga ito. "Let's go?!" Andrew said to her. Nagtaka naman siya kung bakit hindi makita si Brix. Gusto sana niya magtanong pero hindi na niya itinuloy. "Brix already went home. Tambak daw ang paperworks na pipirmahan kaya nagpaalam na," Lian informed her. "As if I care... Duh!" she said. "We know each other since we were babies, Ali. Maloloko mo ang lahat maliban sa akin. Kambal na tayong lumaki." Lian followed Andrew after saying that. Naiwan naman siyang walang masabi kasama ni Sabina. She was just standing still when Sabina said... "Tara na! Huwag ka na bratinella d'yan!" KAKARATING NIYA LANG SA BAHAY NIYA WHEN HE HEARD HIS PHONE RINGING. He checked the caller, his father and answered the call instantly. "Pa..." "Kailan ka babyahe pa-Russia?" "Next Thursday." "Don't forget to visit me first bago ka bumiyahe." "Yeah, no worries. Will be there on Sunday." His father ended their conversation. Napapangiti naman siya dahil alam niya ang rason kung bakit siya nire-request nito na dumalaw muna. His father obviously prepared a gift for his mother. It has always been like that. Every birthday of his mother ay may regalo ang father niya dito. It was very obvious that his father still loves his mother. Napailing siya. Love. Kaya niya rin kaya makahanap ng babae na mamahalin ng habang-buhay kagaya ng pagmamahal na mayroon ang ama sa ina niya. No, I don't think so. He had his share of women pero wala pa sa mga ito ang nagparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal. Pinakamatagal na niya nakarelasyon noon ay umabot ng pitong buwan. It was always like that, madali siya magsawa. Madali siya maboring. He thought of Ali. Si Ali kaya? Napailing siya sa naisip. Magli-limang buwan na mula nang una niya ito makita sa Black Brix at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa nagsasawa sa panunuplada nito. Naisip ang pagtatalo nila kanina sa resto. What he said was all true. Wala naman talaga siyang niloko. He had girlfriends and flings before at karamihan sa mga ito ay siyang nagloloko dahil may mga karelasyon na pero hindi mapigilan ang landiin siya. He remembered his second girlfriend, they were good together but she found someone new at nang makipag-break sa kaniya ay siya pa ang sinisi kung bakit ito naghanap ng iba. Wala na raw kasi siyang panahon para dito. Amazing! She was really amazing! Nang sinabi niya kaya Ali na wala naman siguradong happy ending ay base iyon sa love story ng parents niya. They both love each other pero nagawang maghiwalay pa rin. At iyon ang pananaw niya... He never thought na nagiging tanga ang iba dahil sa pag-ibig. Nabibigo lang sa huli dahil sa expectation na sobra. He sighed. Ali... Maybe I am in love already with you. Tanga na rin ba ako dahil sa'yo? I ain't. I just want to take chances. Ring ng phone ang bigla niya narinig na pumutol sa isipan niya na naglakbay patungo kay Ali. Agad niya sinagot ang phone na hindi tinitingnan ang caller ID. Iniisip na ama pa rin niya ang tumawag. "Yes, Pa?" "D'you want me to call you papa now? Or should I call you daddy?" Anya. "Zup..." his lazy voice was obvious na ayaw niya makausap ito. "I'm here in Black Bricks right now. I miss you, darling. Are you here?" After she said that ay agad niya pinutol ang tawag. He don't want to be associated with her again. He then blocked her numbers afterwards para hindi na siya matawagan pa nito. PABALING-BALING SI ALI SA HIGAAN. Nag-iisip. Nagtataka sa sarili. Masisira na ba ang paniniwala ko? Of course not! I wouldn't let that happen. Naiinis man ay dinampot niya ang cellphone at agad in-open ang isang social media app niya. She searched Brix at agad naman niya nakita ang account nito. She sighed. Nakatitig sa gwapong mukha nito at magandang katawan. He was half-naked sa bago nitong profile picture. Napalunok. Hindi pa nakontento, she zoomed Brix's picture. She was going to download his photo when she noticed a new comment on Brix's new DP. She read the comment, it comes from someone's name Anya Lopez... I miss your hotness, daddy. She didn't knew what happen to her but she felt terrible with that at agad niya hinanap ang account ni Anya. Good thing at hindi naka-private ang account. She stalked her pictures. Maganda ito. Iniisip kung bakit pamilyar ang dalaga sa kaniya when she remembered na ito ang model endorser ng isang sikat na toothpaste. Ali went still at nakatitig lang sa magandang mukha ni Anya. Being the only girl and youngest in their family, she grew up pampered and loved. She never felt insecured before but she felt it now. Napatingin siya sa salamin. She's pretty and she knows it. She possessed a perfect classical beauty. Her light brown eyes was her real asset that accentuated by her pink lips and thin nose. Her curly dark brown hair na kapag tinatamaan ng araw ay namumula ay lalong nagpapatingkad sa kaputian niya. She's a beauty but insecurities made her pout her lips. Niloloko lang talaga ako ni, Brix. Obvious na girlfriend niya ang Anya na 'yon. She was busy stalking Anya's account at naghahanap ng picture nito na kasama si Brix when her phone rang. Wala sa sarili na sinagot ang tawag. Hindi napansin na hindi naka-phonebook ang number ng caller. "Hello..." "It's not good for someone pretty like you to answer random calls from some unknown number." "What the..." nasabi niya, nabigla. Brix was the one on the other line. "Ikaw na naman?!" "Na naman? This is my first time calling you, love." She rolled her eyes with the endearment, "at bakit ka tumawag?" "I'm here outside, labas ka muna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD