Chapter 10 (Mango Shortcake)

2806 Words
BRIX CALLED ALI'S NUMBER ACCIDENTALLY, he was about to call Andrew at magkasunod ang pangalan ng dalawa sa phone book niya. He was about to cancel the call pero nag-ring na agad ang numero ni Ali and he don't want to look like some psycho kaya hinayaan na niya. He got Ali's number from Lian. Hiningi niya at binigay naman nito agad. He knew what Lian's got on her mind. She's playing cupid sa kanila ni Ali. Unang ring pa lang ay sinagot na ni Ali ang tawag. Napakunot-noo siya, hindi alam kung bakit nainis sa ginawang pagsagot ni Ali sa tawag niya ng gano'n kabilis. She's not careful. Hindi nag-iisip. What if I am just a stalker na nakuha kung saan ang numero niya? He thought. When he told her na hindi ito dapat sumasagot sa tawag basta-basta ay agad na nagtaray ito nang makilala ang boses niya. "Bakit ka tumawag?" mataray pa rin na sabi nito. "I'm here outside, labas ka muna," he said nasa boses ang panunuyo. "And who do you think you are para labasin kita?" pagtataray pa rin nito. "You are going to, wanna bet?" he said confidently kahit natatawa sa asal nito na parang bata. "Wanna bet?" she mimicked his tone. "Matatalo ka lang for sure!" Ali added and he heard her scoff. "Labas na..." he chuckled, naaaliw sa kakulitan ni Ali. "Nilalamok na ako dito." "As if I care..." taray-tarayan pa rin ito. "Huwag na makulit. Please... May ibibigay lang ako." Ali dropped the call after that at nakangiti lang siya na parang tanga na nakatitig sa phone niya. Hindi naman siya umaasa na lalabasin siya ni Ali and decided to call Andrew. He called Andrew's number then at para dito na lang niya ipaabot ang dala pero busy ang line nito. He waits for another minute to call again Andrew when the gate opened at lumabas si Ali wearing her pajamas. Napatitig siya dito, hindi maintindihan ang sarili. There was something with Ali that made him look at her in astonishment kahit nakasuot lang ito ng pajamas. What is wrong with my eyes? Kailan ba naging sexy ang pajamas tingnan? Is it the pajamas or she really just look awesome sa kahit anong suot nito? Ali looks exquisite and she didn't need any lingerie to arouse his desires, she could be dumb and she still looks cute. She could be without any experience seducing men but she could attract men to her like moths into fire. "Hey!" Napapitlag siya sa pagpitik ni Ali ng mga daliri sa tapat ng mga mata niya. Napakurap. "Ano ba?! Tatanga na lang ba tayo dito? Ano kailangan mo?" mataray na sabi nito. Nakapamewang pa sa harap niya with her dark red pajamas that made her look flawlessly fairer. "I thought hindi ka lalabas..." nawawala pa rin sa sarili niyang sabi. "Eh di babalik na lang ako sa loob," naiinis na sabi naman nito sa kaniya, tumalikod na at naglakad pabalik sa gate. "Talo ka sa pustahan!" sabi na lang niya. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit umaastang parang teenager kagaya nito. Kung makikita lang siya ng mga tauhan sa kumpanya ay siguradong pagtatawanan siya. "Walang pustahan. I did not agree," Ali said at napalingon sa kaniya. "Akala ko talaga hindi ka na lalabas, I wasn't expecting," he said stupidly, inulit lang ang sinabi kanina. "And why are you still waiting?" tanong ni Ali sa kaniya habang naglalakad pabalik sa harap niya. Nakapamewang na naman. "Actually, I will call Andrew na sana pero salamat at lumabas ka na rin," he coyly smiled. "Ano ba kasi kailangan mo? Sabihin mo na agad at gusto ko na matulog," pairap nitong sabi. "Wait at kunin ko lang," he excused at binuksan ang pinto ng sports car niya. Kinuha ang isang box at bumalik sa harap ni Ali. "Here..." abot niya dito ng box ng mango shortcake. Namilog naman ang mata nito at agad kinuha ang inaabot niya. She obviously really love sweets. Napangiti siya. Kung alam niya lang na pagkain pala kahinaan nito ay hindi na sana nasayang ang mga bulaklak. "For me?" she asked smiling na parang bata na nakatingin sa box ng cake. "Alangan naman para kay Andrew." She pouted na parang bata sa sinabi niya. "Bakit?" tanong nito. "Bakit kita dinalhan ng cake?" "Bakit ka naka-tattered jeans?" she batted her eyelashes after saying the question. "Hay naku!" He smiled with her candidness. "You really amaze me. Bipolar ka ba?" "Bipolar?" she rolled her eyes, "psychotic po ako!" He chuckled, nakatitig dito. Her innocent look with a mischievous smile habang nakatingin sa kaniya. "What now?" she asked. Ano nga ba? Ano pa ba tinatanga ko dito eh tambak pa ang pipirmahan ko sa bahay? I said na saglit lang ako at ipaabot lang kay Andrew 'yong cake pero... "Hello... Okay ka lang ba? Natutulala ka na lang bigla..." natatawa nitong sabi, "sign yan ng pagka-buang. Bahala ka d'yan!" He grinned. "Sige na, uwi na ako. Pasok ka na sa loob," nasabi na lang niya. Tumayo ng tuwid at tumalikod na rito at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan. "Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko. Bakit nga?" It stopped him from opening his car's door, muling hinarap ang dalaga na nakatayo sa harap niya na bitbit ang box ng cake sa kanang kamay at ang kaliwang kamay ay nakapamewang pa rin. "Bakit ako naka-tattered jeans?" he teasingly smiled to her. She frowned with his answer, nainis na naman. Bipolar talaga! "Ewan ko sa'yo. Alis ka na nga," pagtataboy nito sa kaniya na nakasimangot, "kinakausap ng matino eh... parang gago..." bumubulong pa na dugtong nito. "Mukhang bitin ka kasi sa sweets kanina sa resto kaya naisip ko bumili niyan," he said to her at natigil ito sa pagbubulong, "I'm really glad that you like it." She pouted again then said, "yeah... Sayang naman kasi kung itatapon ko, 'di ba? Sabi ng parents ko ay masama magsayang ng pagkain." He chuckled again. "Okay. I should thank your parents then." "You wish!" pagbabalik na naman nito sa normal at nagtataray na naman. Tumalikod sa kaniya at naglakad papunta sa harap ng kotse niya at naupo sa hood nito. "I pity those flowers na hindi ka napangiti... Buti na lang at napansin ko kanina na mahilig ka pala sa sweets kaya..." he shrugged his shoulders, hindi alam kung ano pa ang idudugtong na sasabihin dahil natigilan sa nakikitang nakakalokong ngiti ni Ali habang nakatingin sa kaniya. "Are you really courting me?" she said candidly. Ipinatong ang box ng cake sa hood ng kotse niya. "Bawal ba?" sagot na patanong naman niya at naglakad palapit dito. "May batas ba na nagsasabi na bawal ka ligawan?" Napailing naman ito habang nakatingin sa kaniya. "What if wala ka maasahan?" "I am taking my chances, Ali. My father loves my mother so much that he took his chance kahit alam niya na malayo ang agwat ng buhay nila." He sat beside her. "At least they end up happily for sure," she said, smiling sweetly. "Actually, I couldn't say that they aren't happy. They both decided to have separate lives when I was twelve." "How... sad..." she said with curiosity in her eyes. Kung kanina ay nakangiti ito ay nakakunot-noo na ngayon habang nakatingin sa kaniya. "I know that they both still love each other," he explained, "it was just that they can't be together for some reasons. They aren't sad naman after all kahit nagkahiwalay sila. They still care for each other." But I don't want to be like them. Loving someone unconditionally na kahit pwede naman gumawa ng paraan para maayos ang problema ay mas pinili pa ang maghiwalay. Dugtong niya sa isip niya. "Mag-isa ka lang bang anak?" she asked. "I have my older brother. He stayed in Russia with mama." "Napunta ka sa father mo no'ng nag-separate sila?" "Nope. I decided to stay with papa when I was eighteen. Dito na ako nag-college. Sa San Beda." "Wow! Nice... Dami mo siguro chicks no'ng nag-aaral ka." "Wala masyadong chicks pero marami akong friends na babae." "Friends or friends with benefits?" "Friends lang talaga. I don't f*ck my friends, Ali. If may babae ako kaibigan na gusto maging f*ck*ng buddy kami then for sure hindi ko na siya totoong friend." "You promote them as your f*ck*ng buddies?" "No. I demoted them." NAKATITIG SI ALI KAY BRIX. Hindi niya alam kung bakit nawala ang inis niya dito nang dahil lang sa mango shortcake. Of course I am not a person na nagsasayang ng pagkain. Masama 'yon! Pangangatwiran niya pa sa sarili. When she asked him kanina kung nanliligaw ba ito sa kaniya ay sinabi nito na he was just taking his chance. Her heart beats fast with that and when he told him about his parents ay na-curious na siya dito. Ang paalam nito na aalis na agad ay hindi nangyari. They just talked and she naturally sat on his car's hood at tinabihan naman siya nito. "No. I demoted them," he said in his serious voice. "Really?" "Hindi ka naniniwala?" "Kind of." "A friend is a friend, Ali. If two people turn into f*ck*ng buddies, the essence of true friendship is no longer there. It doesn't matter if you wanna believe it or not. Basta gano'n ang pananaw ko sa salitang friendship." Natigilan si Ali. Nakaramdam ng kakaibang paghanga sa binata. She don't want to believe him but her heart is. Napatango siya sa sinabi nito. He amazed her... Brix is truly a womanizer but he obviously has this kind of special thing in friendship. He smiled while looking at her na naging dahilan para mapalunok siya. Nagtataka marahil ito kung bakit siya natigilan. She bowed her head, nailang sa naramdaman. Nakaramdam siya ng kakaiba dahil sa ngiti nito, out of the blue ay parang gusto niyang mahalikan muli nito. "Cool na cool usapan natin kanina. Why the sudden change of mood? Tumahimik ka bigla..." Brix said. "Ha?! Hindi naman ah... Huwag mo lang kasi ako titigan! Naiilang ako." "You're so beautiful, Ali. That's why hindi ko mapigilan titigan ka," he sweetly said. "Stop." Tinakpan niya ang bibig nito kagaya ng ginawa niya sa resto no'ng pigilan niya ito magsalita. "Ayan ka na naman eh. Maiinis na naman ako..." dugtong niya pa. Hinawakan naman nito ang kamay niya na nakatakip sa bibig nito at hinalikan. Her eyes turned big because of that. Reaksyon mo parang ewan! Ilang beses ka na nahalikan pero gan'yan ka pa! Kamay lang 'yan at pakuryente ka naman agad. Naano ka?! Pang-aaway sa kaniya ng anghel mula sa kanan niya. Ali, you should take your chances too. Isipin mo ang masarap na sensasyong binibigay ni Brix sa'yo kahit sa halik lang. Ayaw mo ba matikman ang mas masarap pa sa halik? Panunudyo naman ng demonyo sa kaliwa niya. Ali inhaled deeply and let the air out of her slowly. Kinakalma ang sarili. She was just staring back at him. "I admit na una pa lang kita ko sa'yo ay attracted na ako. I admit na ini-imagine kita with me... while me making love with you." Tahimik lang siya. Walang masabi. Natutulala na nakatingin lang dito. Ang nasa isip ay kung bakit may tila kuryenteng dumadaloy sa senses niya dahil sa ginawa nitong paghalik sa kamay niya na hawak-hawak pa rin nito. "I told you that I wanted you before and it still stands. I don't want to sugar coat my desires with you, Ali. I can't lie with that fact." She deeply breathed in and out. Lalong bumilis ang t***k ng puso. Nakatanga lang at naghahagilap ng sasabihin pero hindi pa rin mahanap ang mga salita. "I'm going to visit my mother, actually ay flight ko na sa Thursday papuntang Russia. I will surely miss you, Ali." He kissed her hand again. She cleared her throat nang mahanap ang boses and asked, "hindi ba nanliligaw ka pa lang?" "Nanliligaw nga..." "Gan’yan ka talaga manligaw? Nanghahalik at nanlalandi agad ng nililigawan? At sinasabi agad sa babae kung paano mo siya pinagnanasaan?" Natigilan si Brix. Unti-unting napangiti. "Wala pa ako niligawan na iba. Ikaw pa lang. Sorry kung mali ang approaches ko. Hindi talaga siguro ako marunong manligaw but I'm trying my best to woo you." She silly giggled hearing that. "Okay..." she said at biglang napatingin naman dito ng masama nang may maalala, "but you had girlfriends right?! How could you say na hindi ka nanligaw sa kanila?" "Hindi nga. We just ended up in bed and they stuck on me." "Your demoted friends?" "No. They weren't my friends from the start. I had crushes on them and they like me..." he shrugged his shoulders that looked like he didn't want to explain anymore. "They? Them? Sabay-sabay?" "No. I'm not that bad. I told you I always believe in taking chances. I only have three ex-girlfriends, Ali. Lahat ng mga 'yon eh hindi ko niloko. Hindi lang nag-work ang relasyon ko sa kanila kaya wala nagtagal." "Ano mga pangalan nila?" He grinned. "You don't need to know." "Dali na..." pangungulit niya dahil ang nasa isip ay 'yong comment ng modelong si Anya. Isa kaya sa ex si Anya? "Huwag na... Kapag pumayag ka na maging girlfriend ko saka ko sabihin." "Kainis ka..." she rolled her eyes. "Gusto mo talaga malaman?" She smirked. "Huwag na nga lang." Natawa naman ito sa reaksyon niya at napangiti naman siya. She was still smiling stupidly at natigilan nang maramdaman ang pagpiga ni Brix sa kamay niya na hawak pa rin pala nito. Muli siyang naalarma sa biglang kakaiba na naramdaman at hinila ang kamay mula rito. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse nito at dinampot ang box ng cake sabay sabi, "inaantok na ako. Uwi ka na," taboy niya bigla rito. "A'ight..." napatayo na rin ito. Nakangiti. He pinched her chin, "pasok ka na sa loob." "Aray..." daing niya sa pagpisil nito sa baba niya, "sige na, sakay na at uwi ka na." "Pasok ka na muna." "Sige na nga. Papasok ako agad kapag nakaalis ka na." "Pasok na at mas safe ka kapag nasa loob ka na." "Nakakainis ka na naman. Ako nga ang sundin mo, uwi ka na." "Pasok na," he said seriously, hinawakan ang kaliwang kamay niya. Ang isang kamay nito ay kinuha ang box ng cake na bitbit niya at lumakad na ito patungo sa gate habang hila-hila siya. When Brix almost pushed the gate ay kusa naman itong bumukas at lumabas si Lucy. "Ay! Sir... ma'am... sorry po," nabiglang sabi ni Lucy sa kanila. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila at nahinto sa kamay nilang magkahawak. Naiilang na hinila niya ang kamay mula sa hawak ni Brix sabay sabing, "nandito na si Lucy. You can go now, hindi na ako nag-iisa rito sa gate." "Lucy, pasok na kayo ni Ali at i-lock mo na ang gate," sabi naman ni Brix sa kasambahay at inabot dito ang box ng cake. Ali rolled her eyes. Inis at padabog na lumakad na lang papunta sa gate habang sinusundan si Lucy . Ayaw na niya makipagtalo dahil baka kung ano pa isipin ni Lucy sa kanila. Baka kung ano pa maikwento nito kay Lian. "Ali..." Brix pulled her after saying her name. Muntik pa siya ma-out balance dahil doon. Napsubosob naman siya sa dibdib ni Brix at inis na inangat ang ulo para tingnan ito. She didn't anticipated what happen next, Brix kissed her. An instant yet nerve-wracking kiss. She was shocked at natulala lang na nakatingin sa lalaki. "Goodnight, love." Tumalikod na rin agad ito after that. Brix! Inis niyang sabi sa sarili. Naalala si Lucy at umasang hindi nito nakita ang ginawa ni Brix. Napalingon siya kay Lucy na kinikilig naman na nakatingin sa kaniya. He intentionally did it in front of Lucy. Ahw, s**t! I'm screwed! "Huwag na huwag ka makakwento kay Lian sa nakita mo!" banta niya kay Lucy. "Si ma'am... Kunyari pa ayaw kay Sir Brix pero sila na pala..." "Shut up, Lucy! Hindi ko sasagutin ang lalaking 'yon. Napaka-landi! Napaka-presko! Napaka–" "Napaka-gwapo at napaka-macho pa po... Sarap po siguro yakapin ni Sir Brix, ma'am!" "Tigilan mo nga 'yan! Kung anu-ano iniisip mo!" "Ang sweet niyo nga po magpaalam sa isa't isa kanina, ma'am. Parang ayaw niyo na po paalisin si Sir Brix..." "Oo lang, Lucy! Tara na sa loob at kainin na lang natin iyang cake para mabawasan ang inis ko.” Naiinis na nagpauna na siya ng lakad papasok sa loob ng bahay. HE WAS SMILING HABANG INIISIP SI ALI. Hindi na ito nag-reply pa sa last message niya. He was about to sleep when he got a new call. It's from overseas. "Hello, 'Ma." "Your flight is on Thursday. Just make sure you will stay here for a month." "I have my business here. Can't stay for a month." "Irina is waiting for you, Brix... Don't disappoint her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD