Chapter 8 (Prim and Proper)

2501 Words
"NANDITO NA BA LAHAT NG PIPIRMAHAN KO?" Brix asked his secretary na tuwid na nakatayo sa harap niya. May makapal na salamin itong suot sa mga mata. "Yes," Rosie answered while standing like a marine reporting to her duties. Tuwid na tuwid. He sighed after tingnan ang mga papel na nakapatong sa mesa. Lunes pa lang pero tambak na agad ang papel na pipirmahan niya dahil sa naipon at natambak na trabaho mula pa nang nakaraang linggo. Nahilot ni Brix ang sentido. Sa susunod na Huwebes na ang alis niya, kailangan matapos niya ngayong week ang mga pipirmahan para sa sunod na linggo ay relax na siya bago ang byahe niya at para hindi maantala ang sahod ng mga tao sa konstraksyon. Ayaw niya na hindi nauuna ang para sa sweldo ng mga empleyado lalo na ng mga manggagawa sa construction site. "Paki-cancel mo muna lahat ng meeting ko hanggang bukas para matapos ko ang mga ito," he said. Although kakasimula pa lang ang construction company at hindi pa nagsisimula ang project kung saan si Andrew ang pinaka-engineer ay may tatlong project na siya na nauna. Those projects were his funded project na ipinasa sa kaniya ng isang triple A construction company na pag-aari ng best friend ng papa niya na si Engr. Romeo Tamayo. Naalala niya pa ang alanganin niyang desisyon no'ng una siya kausapin ng ama niya about his Tito Romeo. It was because of the loan that Romeo applied for with his lending company. Romeo Tamayo was a successful engineer that made name in construction world, he decided to establish his own company after he worked overseas. Nang ipasa nito sa anak ang pamamahala ay napabayaan ang kompanya at wala na halos project na nakukuha ang anak nito. Palugi na ang kompanya nang muling bumalik si Romeo Tamayo bilang CEO ng kompanya nito. Para makabawi ay naisip nito mag-loan at dahil wala na magpa-loan dito na mga bangko dahil sa paubos na asset ay kinausap siya ng papa niya para tulungan ang best friend nito. If it's not for his father ay alanganin din siya, pakiramdam niya ay hindi rin makakabayad ang tito niya at wala naman siya interes sa natitirang asset nito. He decided that he won't lend money but will fund the projects na madi-deal ng Tito Romeo niya. A win-win situation for both of them. Within a year ay nakapag-deal agad ng dalawang projects ang kaibigan ng ama niya at malaki rin ang kinita niya mula roon. Unti-unti nakabawi si Romeo Tamayo sa negosyong nalugi at dahil tumambak ang project na offer dito ay ipinasa na sa kaniya ang iba. He said to him that he could start his own construction company if he wants to. He then met Andrew and the rest is now a story. He was thankful with his Tito Romeo because he was the one that inspired him at kung hindi dahil dito ay hindi niya maiisip mag-venture sa construction business. "Pati na 'yong meeting mo with Engr. Tamayo? Ika-cancel ko na rin?" sabi ni Rosie na naging dahilan para mapatingin siya dito. "Kailan ba 'yon dapat?" kunot-noo niyang tanong dito. Napapaisip. How could he forget, importante 'yon. "Mamayang alas-tres." "Cancel all except that. Paki-inform na darating ako," he faced the papers again then asked, "sa'n pala kami magkikita?" "Sa office niya sa Sta. Mesa. His secretary said that he will wait for you there at 3 P. M." "Okay, paki-paalala mo sa akin ulit maya. Alas-diez pa lang at baka malimutan ko na naman." Tumango ito sa sinabi niya. Nanatiling nakatayo pa rin sa harap niya na parang alam na may iuutos pa siya. "You can go, Rosie. Thanks." "What about Fleur?" Napatingin naman siya dito after hearing the name of the flower shop, "no need." Fleur is the flower shop ng isang kaibigan na kung saan siya umu-order ng bulaklak para kay Ali. He was a regular customer but he needs to change his tactics. Hindi na muna siya magpapadala ng mga bulaklak kay Ali. Kailangan niya muna magpa-miss dito. He had no worries about Jason dahil nasa Davao na ito. Makakabalik na siya before Jason could try to woo Ali. Hindi siya pwedeng makampante. He knew his friend style at sa tulad ni Ali ay gagana ang ganoong istilo. "If that's the case then I won't disturb you anymore. I'll go outside, Brix." Tango naman ang isinagot niya rito. That is one thing he likes with his old secretary, para siyang may nanay kapag nasa opisina siya. She didn't even bother by calling him by his first name na okay lang naman sa kaniya. Nakalabas na si Rosie ay nakatitig pa rin siya sa pinto. Rosie was already in her fifties at iyon talaga ang dahilan kung bakit ito ang napili niya maging secretary. He wants someone na may edad, kadalasan kasi na kapag bata pa ang secretary niya ay mas gusto pa ang landiin siya kaysa ang magtrabaho. He was fed up with those kind of leeching women. He remembered kung paano nakalusot si Anya nakaraan dito. Mahigpit ito sa mga bisita niya. Nataon lang na napagkamalan nito si Anya na girlfriend niya as what Anya told her. That was the first time na nasita niya ito sa trabaho. Simula noon ay sobrang higpit na nito. "Brix, Andrew is here..." narinig niya mula sa intercom ang boses ni Rosie. Kahit si Andrew ay hinihigpitan na nito. "Just send him in," he replied through the intercom. Andrew entered at napatingin sa tambak na papel na nasa mesa niya. "Woah! Tambak ah! May maitutulong ba ako? " tanong nito sa kaniya. Tumango siya, "pakitulungan na lang ako sa pag-scan ng mga papel. Kapag payroll at anything about finances ay ihiwalay mo na lang. 'Yong regarding sa mga project plans ay ikaw na bahala mag-review." "Alright," tumatangong sabi ni Andrew at nagsimula na sa pag-segregate ng mga papel. "May meeting ako with Tito Romeo mamayang alas-tres. Samahan mo ako para mapakilala na kita sa kaniya." "Engr. Romeo Tamayo?" "Yep." "Nice!" Andrew said with obvious excitement in his voice. Excited na ito makilala ang hinahangaan na si Engr. Romeo Tamayo. "Saan kayo magkikita?" "His office in Sta. Mesa. Early dinner na tayo after the meeting. Isama mo na si Lian since malapit lang naman 'yong area niyo sa pupuntahan natin." "Ayaw mo sa bahay?" aya nito. "Next time na lang. Tambak kasi itong mga papel. Iuuwi ko na lang ang iba. Baka hindi ko pa matapos at mag-enjoy na naman ako tambay sa bahay niyo." "You mention Lian. What about Ali?" "Magpa-miss muna ako sa hipag mo. Masyadong high blood sa akin eh." Natawa naman ito sa sinabi niya at muling itinuloy ang paghihiwalay ng mga papel. "YOU ARE REALLY BORING..." Ali rolled her eyes after hearing what Sabina commented about her. Pinag-uusapan nila ang lalaking sinamahan nito no'ng nasa Black Bricks sila. Kanina pa kasi sige kasabi na in love na raw ito na sinagot niya ng tanong kung hanggang kailan kaya ito in love. "Let's go to Black Bricks," aya nito bigla sa kaniya. Nasa mga mata ang panunukso. Napasimangot naman siya dahil doon. Napaka-insensitive talaga nito, "are you really my friend?" tanong niya pa. "Of course," napakibit-balikat pa ito pagkasabi no'n, "kaya nga tinutulungan kita." "Tinutulungan?" she played dumbfounded. Mas okay na magtanga-tangahan para tigilan siya nito. "Hay naku..." her friend gave her a side glance, "kunwari ka pa." "Huwag mo nga ako itulad sa'yo na basta gwapo eh sama agad." "Eh 'di wow. Ikaw na ang santa." "I'm not. I am just reserved for the man I will marry and being careful is not bad." "Okay, okay, okay... Enough with your preaching." Hindi na rin sila nag-usap pa at tinapos na lang muna ang pagkain. Nagyaya si Sabina na mag-merienda muna sila after nila nag-out sa office. Pumayag naman siya pero sabi niya eh do'n na lang sila sa SM Sta. Mesa hanap ng makainan para sure na madali siya makauwi, baka makakita na naman kasi ito ng panibagong sasamahan at iwan na naman siya. Ilang saglit silang parehong tahimik at parehong busy sa phone nang bigla niyang naisip ang kalagayan ni Lucy. "Lucy is pregnant. Isipin mo 'yon. She is only eighteen and after a few months she will become a single mother." "Bakit tayo napunta kay Lucy?" Sabina asked with a grimace in her face. Waring na-amused dahil biglang naisip niya si Lucy. "Naawa kasi ako," she said sadly. Naalala ang takot sa mukha ni Lucy nakaraang araw dahil sinabi niya na gusto ito makausap ni Lian. She told Lian about Lucy's situation at dahil sobrang bait at mala-anghel ang pinsan niya ay pumayag ito na magtrabaho pa rin si Lucy sa kanila hanggang sa gusto nito. Nag-alala rin si Lian sa kalagayan ni Lucy at ng baby kaya nakapa-prenatal check up na rin ang kasambahay nila. "Why?" "Do you need to ask why? Syempre may bata na naman na lalaking walang kumpletong pamilya. And another single mother na hindi alam kung paano mabibigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya." Nakatitig lang si Sabina sa kaniya habang nagsasalita siya. Nawe-weirdo-han. "Actually, lalo ko na-realized na tama ang prinsipyo ko, " sabi niya pa. "Na ano?" "That it is better umiwas agad bago mahulog... bago matukso. Look what happen to Lucy. She was in love and it made her stupid. She ran away with that man at ngayon ay iniwan siya na buntis pa." "Oh my God... There you go again..." "At ikaw... You could get pregnant too if hindi ka mag-iingat," she said in her concerned voice. Natawa naman ito sa kaniya, "don't worry about me. I am already twenty-eight and I am planning to have a baby soon naman talaga. Ayoko rin tumandang walang anak. Hanap lang muna ako ng lalaking gagawin kong tatay ng anak ko." "You are planning to get married?" she excitedly asked her friend. "Ano naman kinalaman na gusto ko magka-baby sa pag-aasawa?" Natahimik siya at napatitig na lang dito. Napailing. They were friends since nag-work siya kasama nito. Naging magkaibigan sila kahit magkaiba ang pananaw nila. Lagi sila nag-aasaran at masaya naman siya kasama ito. How she wished na sana magbago ang pananaw nito sa pakikipag-s*x. "Natahimik ka na... Alam ko hindi ka agree sa illegitimate child blah, blah... But be realistic Ali, ang dami ng batang pinapanganak out of wedlock. Hindi na bago ang gano'n sa ngayon." "And it won't happen sana kung magiging maingat tayong mga babae dahil ang mga lalaki ay nature na nila ang maikama ang mga babae. Probably ay one out of one hundred na lang ang matinong lalaki sa ngayon." “You are becoming prudish now!" "Shut up! Of course not! Being prim and proper is not being prudish." "Yeah, right!" MABILIS NAMAN NATAPOS ANG MEETING NI BRIX KASAMA ANG TITO ROMEO NIYA. Ipinakilala niya rin si Andrew rito at na-impress naman si Engr. Romeo Tamayo sa napili niyang business partner. Naglalakad na sila patungo sa isang restaurant na nasa loob ng SM Sta. Mesa. Nauna na roon si Lian at hinihintay na lang sila. Nakapag-order na rin ito para pagdating nila ay hindi na sila maghihintay pa ng matagal. They were already near the restaurant when he saw Ali with her friend na kasama nito sa Black Bricks nakaraan. They were in Starbucks at mukhang mas nag-uusap kaysa kumakain ng cake na nasa harap ng mga ito na wala pa halos bawas. Pakumpas-kumpas pa si Ali ng mga kamay habang nagsasalita. Siniko naman siya ni Andrew na ikinatingin niya dito. Nakangiti ito ng nakakaloko, obvious na alam nito na ang atensyon niya ay na kay Ali. "Imbitahin ko na ba for you?" "No. Mahirap na at baka magalit na naman." "Are you sure?" "Baka naiinip na ang asawa mo, tara na..." at nauna na siya lumakad palayo. "MABUTI AT DITO NA KAYO." Nakangiting sabi ni Lian sa kanilang dalawa. "I ordered exactly what you said. Malapit na rin siguro i-serve kasi almost an hour na ako dito eh." "Thanks, Lian." Brix looked for some waiter at agad sinenyasan. He asked kung nagsi-serve ba ang mga ito ng wine. The waiter nods at sinabi ni Brix na bigyan sila ng red wine. "Hon, may bilhin lang pala muna ako," biglang paalam ni Lian. "Ako na lang bibili," sabi naman ni Andrew. "Ako na. It won't take long. Promise." Tumayo na si Lian at nag-excuse sa mga kasama bago tuluyan lumabas. Lian went outside at lumakad patungo sa isang stall na nakita niya kanina. Malapit iyon sa Starbucks. She was craving for a mango graham float kaya siya lumabas. Akala niya ay mayroon do'n sa resto kaya hindi na siya bumili kanina. Hindi naman siya makalabas noong naka-order na siya dahil naisip niya na hintayin na muna ang dalawang kasama. She was in the stall when she noticed Ali and Sabina in the Starbucks. Nagbilin siya sa tindera sa stall na babalik agad at nagbayad na para sa mango graham float. Pumasok siya ng Starbucks at lumapit sa dalawa na parang nagtatalo. "Ali... Sab..." she called them habang papalapit sa mga ito. Napatingin naman ang mga ito sa kaniya. They both smiled upon seeing her and invited her to sit. "Nah. I will be the one who's going to invite you. Tara..." she said to them, iniisip na hindi naman siguro magagalit si Brix dahil si Ali naman at kaibigan nito ang niyaya niya. "Saan?" Ali asked. "Obviously eh tapos na kayo sa meryenda niyo dito kaya samahan niyo na muna ako mag-early dinner." "Oo ba," Sabina instantly stood up at kinuha na ang bag at binitbit at sumunod na kay Lian and Ali just do the same. LUMABAS NA SILA SA STARBUCKS AT PAPUNTA NA SILA SA ISANG EUROPEAN RESTAURANT. They were just following Lian at nasa loob na sila ng resto nang matanaw ni Ali si Andrew na mistulang naghihintay sa kanila. Nilingon niya si Lian na enjoy na enjoy sa sinisipsip na mango graham float. Napangiti siya sa itsura ng pinsan. Nauna na ito sa paglapit sa mesa at umupo sa tabi ng asawa. Agad naman din sila naupo ni Sabina sa harap ng mga ito. "Wala pa rin ang food na inorder ko?" Lian asked Andrew. "Isi-serve na raw," nakangiting sagot ni Andrew at napatingin rin sa kanila ni Sabina. Hindi maintindihan ni Ali kung bakit parang kinabahan siya sa ngiti ni Andrew sa kaniya. There's something wrong here... And then Ali saw what seems to be wrong, it is not something, it is someone... And that someone is walking towards them while his eyes are locked to her. My gosh... Bakit siya narito? Napatingin siya kay Lian na mukhang wala naman ibang nakikita kung hindi ang asawa. Sweet na nag-uusap ang dalawa. Hindi niya nilingon si Sabina dahil alam niya mang-aasar lang ito but she felt her friend's hand that hold her hand na nilalamig. Piniga pa nito ang kamay niya and she knows what she meant. Nagsimula na ito mang-asar. Bakit ang malas ko naman talaga... Haizt! Badtrip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD