Chapter 7 (Admit)

2278 Words
KANINA PA GUSTO MATULOG NI ALI PERO MUKHANG AYAW TALAGA SIYA DALAWIN NG ANTOK. Muling ipinikit ang mga mata na agad din idinilat dahil mukha lang ni Brix ang pumapasok sa isipan niya. Haizt! Nababaliw na yata ako. I should stop being like this! Hindi ako dapat magkagusto sa lalaking 'yon! Inaaway niya pa rin ang sarili nang maisip ang nangyari sa Black Bricks na alam niyang pagmumulan na naman ng tuksuhan sa Lunes. Mag-absent kaya ako? Sabihin ko may sakit ako para kapag pumasok na ako eh wala mang-aasar kasi alam na galing ako sa sakit... Hmmm... Tama! Kasalanan talaga ni Brix kung bakit ako nagkakaganito. Buwisit na 'yon! Nagiging sinungaling na tuloy ako... Hay naku naman talaga! At dahil okupado na ni Brrix ang isipan ay muli niyang binalikan ang ginawa nitong paghahatid sa kaniya, tahimik lang ito hanggang sa nakarating na sila sa bahay. Pababa na siya ng sasakyan when he asked her... "Why don't you like me, Ali?" "Huh?" tanga-tangahan na naman niyang sagot. Kunwari ay walang naintindihan sa tanong nito. "Why you seem happy kanina nang si Jason ang kausap mo, pero sa akin eh inis na inis ka?" "Couldn't you figure it out?" nang-iinis pa niyang tanong at binuksan na ang pinto ng kotse nito na ang halaga ay fifteen years niyang sahod sa salary grade na mayroon siya ngayon. Nakababa na siya at naglalakad palapit sa gate nang muling magsalita ito na dahilan para mapahinto siya at lingunin ito. "What do you wanna say? You like Jason more than me?" pangugulit nito. "Like Jason?" kunot-noong sabi niya dito. Ilang sandali siyang nag-isip kung ano ba problema ni Brix then she smiled when she realized something. "Nagseselos ka?" Right question, she thought. Nakita niyang parang natigilan si Brix. Napaisip. She knows what kind of a man Brix is, ang tulad nito na confident at maraming puwede ipagmalaki, from his good looks to his money, ay hindi basta aamin na nagseselos. Hindi ito basta aamin lalo na at sanay ito na pinag-aagawan ng mga babae. Hindi ito aamin dahil sa tulad nito ay alam niyang marami ito nakareserbang babae kaya sino ba naman siya para dito, she was just a plaything. Hindi ito aamin dahil sa pride at syempre ayaw magmukhang tanga. Hindi ito aamin kahit... Naputol ang pagmo-monologue niya sa utak dahil muling nagsalita si Brix. "Nagseselos nga ako," anito. Shit! She thought. Anyare? Bakit ito umamin? "But..." alanganin niyang sabi. "But what?" sagot naman nito. "Are you out of your mind?" napapailing na sabi niya na lamang. She'd been stalking him for a while sa mga social media accounts nito. Alam niya kung gaano kadami babae nagkakagusto at nagpapapansin dito. Hindi mga basta babae. Magaganda at mayayaman, celebrity pa ang iba na hindi nahihiya mag-comment sa mga posts nito, that sometimes the comment section turned into flirting platform. "Alam mo naman na may gusto ako sa'yo. Normal lang naman siguro na magselos ako sa nakita ko na atensyon na binibigay mo kay Jason kanina." "But... but I just met Jason and..." She doesn't know why she was explaining “pero nasimulan na niya, "and I couldn't like him either, Brix. I just like him being nice and proper... unlike you." "Unlike me? What's my problem?" "You should knew it! How come you don't know it? You always make me feel..." she breathed out. Muli na naman nainis at nagtataka sa sarili kung bakit tumagal siyang nakikipag-usap sa lalaki. "Desirable? Yeah, I always make you feel desirable." "There you go again! That's the reason I ain't comfortable with you. You always..." "I always tempt you?" he moved closer to her after saying, "I always tempt you because I want you." "Stop it, Brix. Please..." she whispered, "let us be civil. Stop teasing me." "I am not teasing you. I really want you," sabi ni Brix nang tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Nakatitig lang sa mga mata niya. She gulped. She was going to be his woman if hindi siya mag-iingat. She stepped back para umiwas dito. "Don't ever think that I could be like any cheap woman you had before, Brix. Not all women want your looks and money. You should have realized that by now." "What if manligaw ako?" seryosong tanong ni Brix sa kaniya. She chuckled na ikinakunot-noo naman ni Brix. "Wala kang aasahan," sabi niya pa. "By the way you respond to my kisses. Are you sure na wala ako aasahan?" Napasimangot na naman siya dahil sa sinabi nito. "I was just tempted and being 'just tempted' doesn't mean I could fall in love with you." "Really? Let's wait and see, love." "Hey, don't call me that." "What, love?" "I said stop calling me... love," gigil niya nang sabi then stopped when she realized na mali ang pagbanggit niya sa salita. Nagmukha tuloy endearment ang pagkakasabi niya. I hate this! "Nice one. That sounds nice coming from you. I kind of like it" "Oh, s**t! I hate you!" she lost her composure totally. Talo at pikon na naman siya. "Hating me is like loving me, love. Kahit ano pa gusto mo maramdaman, bahala ka. It doesn't matter as long as you'll be mine." Dream on! She wants to say pero naunahan siya ng pagbukas ng gate at pagsilip ng kasambahay nila. Bakit ba kasi ngayon lang ito nagbukas ng gate? Haizt! Nilingon niya si Brix and he just nod at her. He looked like a boyfriend na nagpapaalam sa girlfriend. She grimaced with her thought. Nang tingnan naman niya ang kasambahay nila ay nakangiti lang ito na palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Brix. Parang kinikilig pa. Naiinis man ay mabilis na lang siya pumasok sa loob ng bakuran at hindi na nag-abala pang lumingon. Nasa may main door na siya papasok ng bahay when he heard Brix's car na paalis na. NAIINIS NA BUMANGON NA LANG SIYA PARA KUNIN ANG REMOTE CONTROL NG TV. She turned it on, hinanap ang portable hard drive at ikinonekta sa TV. Marami siyang movies do'n. She then looked for a boring romance movie na sigurado magpapatulog sa kaniya and she immediately played it. Naisip na lang niya manood ng movie dahil lampas na alas-dose ng hatinggabi at gising pa rin siya. Wala siya plano magpuyat, hindi talaga siya mahilig magpuyat dahil maaga siyang nagigising. Ayaw niya nabibitin sa tulog. She always love mornings. Lumipas ang twenty minutes at gising pa rin siya, ang mga bida sa pelikula ay nasa intimate scene na. Nakaramdam siya ng kakaiba. She thought of Brix, what if she will give herself to him... What if hindi niya mapigilan ang sarili... No! You shouldn't! Brix is a womanizer, a playboy. He likes you because he find you as a challenge. He will soon get tired of you at mas okay na magsawa siya na hindi ka pa nagiging tanga at bumibigay. Sa inis ay pinalitan niya ang movie na pinapanood. Naghanap siya ng morbid movie, 'yong brutal na mga eksena ang kailangan niya para malimutan si Brix. Ginaganahan na siya manood nang makaramdam ng gutom. Naalala na wala siya halos nakain dahil wala na siya ginawa sa Black Bricks kung hindi ang makipag-away kay Brix. She decided to look for some food, bumangon siya at lumabas ng kwarto. Kailangan niya ng maiinom at makakain para mas enjoy ang panonood niya. Nawala na sa isip na kanina ay gusto niya matulog, mas gusto na lang niya ngayon kumain. Okay na rin siguro mapuyat minsan. Sabado naman bukas, she smiled. She went to the kitchen to look for some midnight snack at nasa harap na siya ng fridge looking for some foods. Marami siya leftovers na nakita na pwede naman niya initin but she prefer the fruit salad. She love salad, any salad will do make her smile. Kukunin niya na ang lagayan ng salad nang biglang lumiwanag ang buong kusina. "Ay palaka!" Ali said dahil nagulat. Agad naisara ang pinto ng refrigerator at napatayo ng tuwid. Inis siyang napalingon sa nagpailaw at nakitang nakatayo si Lucy at nakahawak pa sa switch, nasa mukha nito ang alanganing ngiti. Natatakot mapagalitan niya. "Lucy naman eh!" naiinis niyang sabi sa kasambahay. "Sorry po, Ma'am Ali." Napatingin naman siya rito ng masama at para hindi na lamang magalit ay bumuntong-hininga. Kung tutuusin ay hindi nito kasalanan na magulat siya. Kasalanan niya dahil nanonood siya ng nakakatakot tapos papaapekto siya. Dahan-dahan itong lumapit sa lababo at may dala-dalang nakaplastik na manggang hilaw. Hinugasan nito ang mga mangga at kumuha ng kutsilyo para simulan na balatan ang mga dala. Napakunot-noo siya. Ala-una pasado na ng hatinggabi at naisip pa nito kumain ng manggang hilaw. "Ma'am Ali, si Sir Brix po pala 'yong naghatid sa inyo kanina?" nasa boses nito ang kilig nang tanungin siya. Napasimangot naman siya sa tanong nito bago sumagot, "oo." "Bagay po kayo ni Sir Brix, Ma'am Ali." Nabuga niya bigla ang gatas na iniinom. Ano ba pinagsasabi nito? At bakit nagbabalat ng mangga sa alanganing oras? "Okay lang po kayo?" concern nitong tanong sa kaniya. Nag-aalala sa naging reaksyon niya. "Okay lang. Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo eh." "Ang gwapo po kasi ni Sir Brix at ang ganda niyo po. Bagay na bagay po kayo." "Hay naku, Lucy! Itigil mo na 'yan!" sabi niya habang nagsasandok ng fruit salad na dadalhin niya sa kwarto niya. Ngumiti naman ito sa sinabi niya. Maya-maya ay umupo sa harap niya at sinimulan kainin ang manggang hilaw na binalatan. Nalalaway naman siyang nakatingin dito at natatakam sa manggang hilaw at bagoong. "Iba rin ang trip mo 'no," sabi niya dahil nagtataka sa trip nitong midnight snack, "manggang hilaw sa ganitong oras? At saka napapansin kita, halos 'di ka kumakain ng kanin at ulam, kadalasan mangga lang kinakain mo. Para kang nagli–" she cut her words instantly. Napatitig dito. Agad naman ang pagyuko ng ulo ni Lucy at naging mailap ang mga mata. Tumayo ito at nagpaalam na babalik na sa kuwarto nito. Palabas na sana ito ng kitchen when she called her name. Agad naman itong lumingon sa kaniya. "Buntis ka?" tanong niya. Nangilid naman ang luha nito at muling naupo sa harap niya. "Ma'am Ali, hindi ko rin po alam noong una. Kahapon ko lang po nalaman kasi binigyan ako ng PT no'ng kaibigan kong si Joy. Sorry po. Sasabihin ko rin naman kay Ma'am Lian pero kailangan ko pa po sana magtrabaho ng kahit tatlong buwan lang. Ipunin ko lang po ang sahod ko para makauwi na ako sa amin at may magamit ako sa panganganak." "Sino'ng tatay?" she stupidly sighed after saying that, kung sinuman ang ama ay surely hindi niya rin kilala. "Iyong boyfriend ko po na sinamahan ko no'ng nawala ako dito ng ilang linggo." "Nasa'n siya? Alam niya ba na buntis ka?" Umiling ito. Umiyak. Naawa naman siya at hindi na niya gusto kulitin. Hinayaan niya na lang umiyak at kinuhaan ng tubig na maiinom. Hindi na niya gusto pa magtanong at nang akala niya hindi na ito magsasalita ay narinig niya itong bumubulong. "May sinasabi ka?" tanong niya dito. "Sabi ko po eh hindi ko po alam kung nasa'n na siya. Iniwan niya po ako doon sa boarding house na tinuluyan namin no'ng sumama ako sa kaniya. Paalam niya po magtatrabaho lang pero hindi na po siya bumalik nang araw na 'yon. Naghintay pa po ako ng ilang araw hanggang sa paalisin na ako ng kahera namin," kuwento nito habang umiiyak. "Ilang... buwan na 'yan?" "Hindi ko po sigurado. Iregular po kasi mens ko kaya hindi ako sure kung kailan ang huli." "Kailangan mo magpa-prenatal check up." Bigla ito naalarma. "Kailangan mo pa-check up. Hindi pwede na pabayaan mo ang kalagayan mo. Maawa ka sa baby mo." "Kapag nakauwi na po ako sa amin ay magpapa-check up na rin po ako. Please po Ma'am Ali," lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya, nakikiusap, "huwag niyo po ako isumbong kay ma'am Lian. Hindi po ako magpapahalata. Tatlong buwan lang po, pramis!" Hindi niya alam pero bigla siya natawa sa pagsabi nito ng promise, "inom ka muna ng tubig para makalma ka," sabi na lang niya. Uminom naman ito ng tubig at nang muling tumingin sa kaniya ay nakaramdam siya ng lungkot sa mga mata nito. "Ilang taon ka na nga, Lucy?" "Eighteen po." Ali sighed. Ito ang sitwasyon na ayaw niya kaya takot siya matukso at magpaligaw. She was right all along. Hindi siya dapat nagpapauto sa mga lalaki dahil marami sa mga ito na ang gusto lang ay maka-score. Ang boyfriend ni Lucy ay mahirap man pero katulad rin ni Brix, after magsawa ay mang-iiwan. Even Andrew na mahal na mahal si Lian ay nakita niya dati na nagloloko. If I will be stupid, I will be like Lucy. Oh my God! Please God, help me, guide me... Amen. "Kailangan mo magpa-prenatal. I would tell Lian about your condition..." "Ma'am Ali..." muli na naman itong naiyak dahil sa takot na mawalan ng trabaho. "Lian is very kind at alam mo 'yan. Kung naawa siya sa'yo nakaraan ay mas lalo maaawa siya sa'yo ngayon. Let me just talk to her. Ako na bahala." Tumango na lamang ito. Hindi na nagsalita. Nang matapos umiyak ay nagpaalam na sa kaniya na babalik na sa kuwarto nito. Nakaalis na ito ay nakatingin pa rin siya sa kawalan. Eighteen pa lang si Lucy pero magiging nanay na. Paano niya bubuhayin ang anak niya kung hirap na nga siya ngayon pa lang? Naisip niya ang maraming kabataan na nabibiktima ng teenage pregnancy na walang pinagkaiba kay Lucy. Is it worth it? Worth it ba talaga ang makaramdam ng kilig kung mauuwi rin lang sa pagkabigo. "Hay, life..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD