LUMIPAS ANG ILANG ARAW AT WALANG BRIX NA UMISTORBO AT NAGPAKITA SA KANIYA. Gusto niya sana mag-text dito pero pinapangunahan naman siya ng hiya.
She sighed then pursed her lips. She shook her head para mawala sa isip si Brix. Ito ang ayaw na ayaw niya, ang natutulala ng dahil sa lalaki.
"Hey!" masiglang bati ni Sabina sa kaniya. Nakalapit ito ng hindi niya namamalayan.
"Hi..." she said in her tone na walang energy kahit kaunti.
"Are you sick?" nag-aalala na tanong nito, idinantay pa ang palad sa noo niya at leeg, "kanina ko pa napapansin na ang tamlay mo."
"I'm good. Wala ako sakit..." she answered with her same tone. Pinilit na ngumiti.
"Okay, you're just sad..." Sabina said na tumatanggap pa. "Bakit? Anyare?"
"Sad?" she stupidly asked back na ikinatango lang ni Sabina for confirmation na iyon nga ang nararamdaman niya, "I'm not... Bakit naman ako magiging sad? Ang saya-saya ng buhay eh..."
Natawa naman ito sa kaniya then mimicked her voice at inuulit ang mga sinabi niya. "Hindi ka nga sad. Hindi ka obvious," she sarcastically added and pulled a chair at naupo na sa tabi niya.
She went still for a moment, iniisip kung ano ang idadahilan niya, "pagod lang siguro ako..."
"Lunes na Lunes pagod ka?!"
Napangiti naman siya sa facial reaction ng kaibigan, she was looking at her with disbelief.
"Sabi na kasi para mapag-usapan natin 'yang nagpapa-lungkot sa'yo. Alam mo naman ako, hindi kita matiis na nakikitang gan'yan. Mas gusto ko 'yong friend na full energy mag-maldita kaysa gan'yan."
"Wala naman kasi dahilan para maging sad ako. Siguro, pagod lang talaga ito o baka nami-miss ko lang sila mommy at daddy, ang mga kuya ko."
"You can ask for vacation leave naman. Ako na mag-file ng leave mo kung gusto mo... Last year ka pa naman hindi nagli-leave kaya papayag sigurado si Ms. Adelle. Nasayang nga lang 'yong five days na force leave mo nakaraang taon 'di ba? Kahit 'yon na lang sana ginamit mo."
"Huwag na muna..." sabi niya na lalong ikina-kunot ng noo nito habang nakatingin sa kaniya.
"I think hindi bakasyon ang kailangan mo..." Sabina said na parang nakakita ng bombilyang biglang lumiwanag sa isip nito, "boyfriend ang kailangan mo."
"Ayan ka na naman..." nasabi na lang niya. Ayaw niya mapunta pa sa kung saan ang usapan at baka mabanggit pa nito si Brix. Dinampot niya ang spreadsheet na nasa harap at binalikan ang mga figures at entries na nakasulat doon.
"Si Brix ba?" curious na tanong ni Sabina.
Napahigpit naman ang hawak niya sa edges ng spreadsheet nang hindi namamalayan at hindi napansin na nalulukot na niya ang mga iyon.
"Sabi ko... Si Brix ba dahilan kaya ka ganiyan ngayon?"
"Ha?" sabi naman niya, kunwari ay hindi niya ito naintindihan at patuloy lang sa pagbabasa ng mga entry. Mas mabuting isipin nito na busy na siya at bumalik na sa pwesto nito.
"If you think na aalis ako dito dahil kunwari busy ka then nagkakamali ka... Umamin ka na kasi," pangungulit pa rin nito.
"Ano ba kasi aaminin ko? Sinabi ko na nga na baka nami-miss ko lang family ko sa Cebu kaya parang malungkot ako. Ano ba kasi iniisip mo?"
"In love ka na ba?"
In love? In love na nga ba ako? Ganito ba ang in love? 'Yong feeling na puro siya na lang nakikita ko at hindi ako mapalagay dahil hindi siya nagpaparamdam.
Pero hindi... Baka naman nanibago lang ako kasi lagi siya nagpapapansin dati at ngayon ay hindi na. Ang bilis niya naman nagsawa...
She bit the insides of her lower lip sa pagpipigil na maging malungkot dahil sa naisip.
"You don't need to answer me, Ali. It's obvious..." tumayo na si Sabina after saying that at iniwan na siya na natutulala.
BRIX WAS READING THE DOCUMENTS NA IPINADALA SA KANIYA THRU EMAIL NG KAIBIGAN NIYA. His friend already had some information that he could be used sa pag-uwi niya sa Russia. The information was really helpful, he could start a plan with that.
Nasa gano'n siyang ayos nang bumukas ang pinto at dumungaw si Rosie. She said na nasa labas na si Andrew. He said na papasukin ito as he was expecting him to report.
"Morning!" full of energy na bungad ni Andrew, may dala itong naka-rolyong blueprint at inabot sa kaniya.
Agad niya naman tiningnan ang inabot nitong blueprint. Maganda ang planong nakikita niya. The plan is for the joint project na hindi niya matanggihan na offer ni Romeo Tamayo sa kaniya no'ng huli sila mag-usap kasama si Andrew.
"This is good," sabi niya rito at muling inabot ang blueprint dito, "keep that first at pagbalik ko na lang bago natin i-present kay Tito Romeo."
"Thanks," sabi nito at masaya sa nakitang naging reaksyon niya, "ahmm... tuloy na pala ang byahe mo sa Thursday?"
"Tuloy na tuloy. Mahirap na at baka sumugod pa ang nanay ko sa tatay ko kapag hindi ako natuloy," he joked. Dinadaan niya sa biro ang pag-alis pero ang isip ay kung paano gumawa ng paraan para hindi matuloy ang plano ng ina para ipakasal sila ni Irina.
He really wants to help Irina with her problem but he can't marry her just because of that. Irina needs someone from the Petrov clan at hindi lang naman siya ang anak ni Svetlana.
Iniisip pa rin niya kung paano niya makukumbinsi si Hail. Ilang gabi na iyon lang ang nasa isip niya maliban kay Ali na nami-miss na niya makita at makausap. Ilang ulit niya pinigilan ang sarili na tawagan ang dalaga, kailangan niya muna hanapan ng solusyon ang problema niya sa mama niya.
"One month ka doon?" tanong ni Andrew na nagpabalik sa isip niya rito.
"Yeah... Makulit talaga nanay ko eh."
"You can call me for some updates dito sa company at sa ibang business mo. Ako na bahala. It's okay if you want to call everyday."
"Thanks for that. Pasensya na rin at madagdagan trabaho mo, pati 'yong sa Black Bricks at sa mga hotel and resorts ay ikaw na tuloy aasikaso."
"It's okay. Natutuwa nga ako sa tiwala mo at salamat kasi ipapahiram mo sa akin si Rosie ng one month. Hindi ako mahihirapan for sure dahil masyadong magaling ang secretary mo."
"Actually, may gusto pa ako ibilin aside from business..."
"Si Ali?" Andrew was smiling when he said that, "joke lang!" bawi naman agad nito.
"Yeah... Si Ali nga," he seriously said.
Natahimik naman si Andrew at tinitigan siya na parang hindi makapaniwala na si Ali nga ang ibibilin niya. Andrew asked then, "what about, Ali?"
"Can you make sure na wala siyang manliligaw na i-entertain habang wala ako?"
"You can talk to Lian if you like to ask her para mabantayan talaga si Ali," nakangiti nitong sabi.
"Yeah... I will call Lian then. Thanks," tumatangong sabi niya.
"You can ask favor from Sabina too, mas lagi silang magkasama ni Ali. Lian's have Sabina's number for sure."