Dito lang... "Chaese..." "Ay butiki!" napasigaw ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Katatapos lang ng hulinkong klase at isa ako sa huling lumabas dahil ayaw ko ng nakikipagsiksikan. Napahinga ako ng maluwag ng tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ng kuya ni Keso na si Milan. Tinignan niya ako ng masama na nagpa atras sa akin ng bahagya. "Mukha ba akong butiki sa paningin mo Chaese?" tanong niya na ikinangisi ko lang. "Sorry..." bulong ko at nag peace sign pa sa kanya habang yakap yakap sa aking dibdib ang mga libro. Napaangat ako ng kilay ng ilahad niya ang kanyang mga kamay. "Ha?" "Libro mo. Ano ba, hindi ka ba tinatrato ng maayos ng kapatid ko at hindi ka sanay ng may nagbibitbit ng mga gamit mo?" nakasimangot niyang turan. "Puro harot lang d