Mamamatay... "San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kanina pa siya nagmamaneho. Lagot ako nito kay papa kapag nakarating sa kanya na hindi ako pumasok. Ito kaseng si Chase, bigla na lang nanghahatak. May klase pa sana ko e. Kahit hindi major yun, hindi naman tama na lumiliban na lang ako. "Huy..." agaw ko sa atensyon niya. Kanina pa siya ganun, nakatutok ang mata sa pagmamaneho tapos kapag mapapatingin sakin, lilingunin ko din siya tapos bigla na lang siyang ngingiti. Hindi ko din magets. "Idedate nga kita," pang iinis niya. Alam ko naman na namumula na naman ang pisngi ko. Hindi yata ako masasanay sa mga pabanat banat niya. "Date daw e parang naliligaw ka na..." mahina kong bulong na ikinatawa niya. Nagulat ako ng lumiko ang sasakyan papasok sa isang mall. Napaismid ako