KABANATA 4 "LONG TIME NO SEE"

1420 Words
MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siya naipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas ng lumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon. Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila maliit na kurot sa kaniyang puso habang nakatingala sa kung tutuusin ay malaking bahay na nakatayo sa kaniyang harapan. Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alam niyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaan ang kaniyang pagbabalik? At kung ano ang nangyari sa kaniya? Mapait ang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi.  Sa ayos niya, baka wala nang magtanong. Baka pag-usapan nalang siya nang ibang taong mapanghusga. Tama. Dahil mula nang magkasakit si Nanay Rosita at napilitan siyang kumapit sa patalim para maipagamot ito, wala naman yata kahit isa sa mga tao sa paligid niya ang nakaunawa sa kaniya maliban sa yumaong matanda. Noon inilabas ni Mia ang susi saka binuksan ang malaking pintuan ng lumang bahay. Natural, maalikaok at maraming agiw. Pero dahil nga iniwan niya iyon nang nakatakip ng telang puti ang mga gamit ay alam niyang hindi siya gaanong mahihirapan sa pagpupunas ng mga antigong gamit sa bahay na iyon. Bukas na siya maglilinis. Ang gagawin niya ngayon ay mag-aayos ng kaniyang tutulugan dahil gusto narin niyang magpahinga. Ngayon niya biglang naramdaman ang pagod kasama pa ang pananakit ng katawan gawa ng mga pasa na tinamo niya dahil sa pananakit sa kaniya ng ngayon ay dati na niyang kinakasama. Nagsindi lang siya ng kandila at sinimulan na niya ang pag-aayos ng kaniyang matutulugan.  Bukas na bukas ay kailangan niyang pumunta sa electric company. Mahirap kumilos sa dilim lalo na at siya lamang mag-isa roon. Pagkatapos ay sisimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Kailangan niyang kumita ng pera, kahit pa sabihin siya lamang mag-isa. Ang ibinigay na pero sa kaniya ni Aling Ising ay mauubos at mauubos rin at mas mahirap kung hihintayin pa niyang mangyari iyon. KINABUKASAN gaya ng inasahan niya ay inulan si Mia nang maraming tanong at bulung-bulungan mula sa kaniyang mga kapitbahay.  At dahil nga likas naman siyang tahimik ay minabuti niyang ngitian na lamang sa halip na sagutin ang mga ito.  Sa tindahan ni Mrs. Ramos siya bumili ng pang-almusal niya nang araw na iyon. Kape at biscuit.  Okay na iyon na panlaman ng tiyan. Kailangan niyang magtipid lalo at wala pa siyang trabaho na nakikita. Ang totoo plano talaga niyang pumunta sa Pegasus mamaya. Iyon ay ang night club kung saan siya namasukan noon bilang waitress.  Siguro naman kahit matagal na panahon na ay makikilala parin siya ng may-ari. Gusto niyang pumasok doon kahit taga-hugas nalang ng plato o kaya ay serbidora. Katulad nang dati. Pero hindi kagaya ng iniisip ng iba. Waitress lang talaga siya noon. At tanging si Bernie lang ang lalaking sinasamahan niya. Sa katunayan ay ito lang ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili niya at wala nang iba pa. At dahil nga sa gabi naman ang trabaho sa Pegasus, minabuti narin niyang bilinan at pakiusapan si Mrs. Ramos na kung may alam itong tao na naghahanap ng tagalinis at tagalaba ay siya na lamang ang irekomenda nito. Makakapaglinis at makakapaglaba naman siya sa umaga lalo na kung iyon ay araw ng dayoff niya sa club. Nagtanong kasi sa kaniya ang ginang, at dahil nga sa pagnanais niyang tulungan siya nito ay naisipan ni Mia na sabihin lamang rito ang totoo. Kung ano ang talagang nangyari sa kaniya at kung bakit siya nagbalik ng Maynila pagkatapos ng napakatagal na panahon. Hapon na nang matapos si Mia sa paglalakad at pag-aasikaso ng lahat ng kailangan niyang ayusin. Sinuwerte naman kasi siyang tinanggap ng club owner na si Rosanna. Nang maalala ang naging pag-uusap niya ay napangiti ang dalaga. "Ganoon ba? Nakakaawa ka naman pala. Hayaan mo, bibigyan kita ng trabaho. Sinabi ko naman sa iyo nang umalis ka dito hindi ba?Para na kitang anak kaya pwede kang bumalik dito anumang oras na gustuhin mo," anitong hinawakan ang kamay niya saka iyon marahang pinisil. "Tahan na, huwag ka nang umiyak. Dito kana lang sa atin, at least dito kahit may mga taong tsismosa at mapanghusga, sa huli tutulungan ka parin nila kasi nakita nila kung paano ka lumaki. Hindi ka namin pababayaan, huwag ka nalang ulit sasama sa demonyong lalaking iyon!" ang kaniya namang Ate Dahlia na isa na ngayong club manager. "Ano bang gusto mo? Kaya mo bang maging waitress ulit? Dating gawi, hindi ka pwedeng i-table ng kahit sino. Pwera nalang kung gusto mo," si Rosanna sa mahinahon parin nitong tono. Tumango si Mia saka kumuha ng tissue sa box at nagpahid ng kaniyang mga luha. "Opo Ate, dating gawi," sagot niya na ngumiti narin pagkatapos. MAKALIPAS ang isang linggo, heto na ulit siya ngayon. Kahit paano ay nasasanay na sa buhay niya ng mag-isa.  Katulad nang sinabi niya hindi siya nagbukas ng cellphone hangga't hindi siya nakakabili ng bagong sim card.  Kaya naman nang makabili ay agad niyang tinawagan ang cellphone number na ibinigay sa kaniya ni Aling Ising upang tiyakin sa matanda na okay na siya. Nagpasalamat narin siya sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa rito, malamang nandoon parin siya ngayon sa poder ni Bernie, naghihintay kung kailan siya nito uuwian. Ang alam kasi niya ay dalawang linggo ang out of town na pupuntahan nito. At alam rin niya na ang babaeng nabuntis nito ang kasama nito kung totoo man ang out of town na sinabi sa kaniya ng lalaki at siyang pinagmulan ng kanilang pagtatalo. Hanggang sa umabot na nga iyon sa muli na naman pananakit sa kaniya ni Bernie, physically. Mabilis na ipinilig ni Mia ang ulo niya para iwala sa isipan niya ang alaalang iyon.  Sa loob ng isang linggong pananatili niya roon ay masasabi niyang bahagya naman niyang nakakalimutan na si Bernie. Siguro ay mas magiging lubusan na iyon kapag nakapagsimula na siya ng kaniyang trabaho sa Pegasus. Ang bilin kasi sa kanya ni Rosanna, kailangan muna niyang pagalingin ang mga pasa sa katawan, braso at mukha niya bago siya magsimula sa pagtatrabaho. At nauunawaan naman niya iyon kung bakit. Alam niyang kailangan sa ganoong trabaho ang palagi kang maganda at presentable sa mga tao. "Mabuti naman at napadaan ka anak, naku may magandang balita ako para sa iyon," si Mrs. Ramos nang isang gabing bumili siya ng isasaing na bigas at dalawang piraso ng itlog na maalat at kamatis sa tindahan nito. "Ano ho iyon?" tanong niya sa ginang. Sa aura ng mukha nito ay mukhang good news nga ang sasabin sa kaniya ng babae kaya naman nakaramdam siya kaagad ng excitement. "Naihanap na kita ng lilinisang bahay. Naalala mo ba si Erik, iyong lalaking kaklase mo na nakatira doon sa bahay na iyon na may kulay berdeng gate?" pagsisimula ni Mrs. Ramos. Agad na natigilan si Mia sa narinig. "Si Erik po?" ang ulit niyang tanong. Tumango si Mrs. Ramos."Kapapasok lang niya, sayang at hindi kaya nagpang-abot. Nandito rin siya kanina at bumili lang ng kape. Palagay ko hindi pa naman siya tulog, puntahan mo na. Tutal linggo naman bukas at baka bukas rin mismo ay magpalaba at magpalinis na siya sa iyo. Sayang ang kita," payo pa sa kanya ng ginang. Sa narinig ay naisip ni Mia na tama nga naman si Mrs. Ramos.  Kung magpapalinis at magpapalaba bukas i Erik, habang hinihintay niya ang paggaling ng mga pasa niya ay may income siya. "Sige po, pupuntahan ko siya ngayon," aniyang inabot ang sukli mula sa ginang saka na tumawid ng kalsada para puntahan ang bahay mismo ni Erik. Noon naramdaman ni Mia ang kakatwang emosyon sa dibdib niya.  Si Erik, ang first love at first dance and last dance niya noong high school.Ngayon lamang sila nito muling magkikita dahil ilang araw lang mula nang graduation nila ay umalis na ang binata kasama ang pamilya nito para manirahan sa Canada. Sa tapat ng kulay berdeng gate ay diniinan ni Mia ang doorbell.  Hindi naman nagtagal at narinig niyang bumukas na ang pintuang kahoy ng kabahayan. Pagkatapos ay ang mga yakag na papalapit na sa kanya. Hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang gate saka niyon ibinalandra sa paningin niya ang isang napakagwapong lalaking kay katagal na panahon bago niya muling nakita. "Mia?" ang taka nitong tanong habang nakatitig sa mukha niya. Alanganin ang ngiti na pumunit sa mga labi ng dalaga. "Long time no see," ang naisipan naman niyang isagot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD