Chapter 6

1721 Words
-6- Present Time "Miss Scarlet, kamusta naman 'yong customer mo kagabi?" Pang iintriga ni Sarah pagdating na pagdating niya sa bar. Wala naman siyang balak pumunta dito matapos ang mga nangyari kagabi ngunit wala naman siyang magawa sa bahay kung hindi isipin ng isipin si Logan. Hindi pa nakatulong na tumabi pa sa kanya si Cassie sa kanya sa kwarto edi lalo niya lang naalala ‘yong damuhong ‘yon. Her daughter looks exactly like Logan. Nakuha rin nito ang ugali ng lalaki kaya hinding-hindi niya kayang ipagkaila na siya ang ama nito. 'If only she looked a bit more like me,' bulong ni Alea sa sarili. Then pwede niyang ipagkaila na si Logan ang ama ng bata kapag nagkita silang dalawa-- na hindi malabong hindi mangyari dahil pinaliit lang ng pagkikita nilang 'yon ang mundong ginagalawan nilang mag ina. Kung bakit ba naman kase kailangan pa nitong bumalik? Bakit kailangan pang muli silang magkita at sa ganoong sitwasyon pa? Hindi naman sa ikinahihiya ni Alea ang trabaho niya but this is not something she can be proud of either. But she loves her job. She loves her boss. May ugali lang talaga si Dylan na hindi niya minsan maintindihan but Dylan is a good person. He saved her noong nakagawa siya ng maling desisyon and he put her under his protection. Nagpapanggap lang ito na intimidating at nakakatakot pero sa totoo lang, pareho silang dalawa. Broken. Kaya nga magkasundo sila e. Because she understands him more than anyone else. “Hay naku, ayaw ko na lang mag-talk.” Sagot niya na lang. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyaring ‘yon tapos babalik-balikan niya pa ba? "Pangit ba? Maasim ang singit? Pinag-all the way ka?" tanong pa rin nito sa kanya. Iyon ang mga bagay na kinaiisan nila sa trabahong 'yon. Although it pays well, hindi pa rin maiiwasan ang mga customers na akala ay porke binayaran ang serbisyo nila ay nabili na nito ang mga pagkatao nila. "Worst." Tipid na sagot ni Alea. Kung ganoon din lang, kaya niya namang sikmurain. There is nothing a good mouthwash and an hour inside the bath tub cannot fix. "Ewwww.." Kinilabutan pa si Sarah matapos niyang sabihin 'yon. "Anyways, hinahanap ka ni Sir Dylan kagabe. Nagulat nga nung sinabi ni Mama L na may booking ka e mga VIP's lang naman ang inilalabas mo." 'So hindi alam ni Dylan na nasa stag party ako kagabe?' Tanong ni Alea sa sarili. 'Kung sabagay, mas mainam naman 'yon. Atleast hindi siya aasarin ng aasarin ng lalaking 'yon. Hindi pa siya ready na ipaalam kay Dylan kung sino ang ama ni Cassie. "Bakit daw?" "Ay hindi ko naitanong madam. Hayaan mo, kapag naging close kami ni Sir Dylan soon, itatanong ko kung anong kailangan niya kapag hinahanap ka niya." Anito sabay kindat sa kanya. "Baliw." Natatawang sagot ni Alea. "Naku, don't even try. Baka mamuti lang ang bulbol mo sa kunsumisyon." Alea chuckled. "Okay lang Miss Scarlet, wala po akong bulbol. Nagwa-wax po ako." Anito sabay kindat. "Teka nga pala, anong balita kay Mitch, hindi na ba talaga bumalik?" Pag iiba niya sa topic. Ayaw niya nang pag usapan ang buhok nito sa ibaba. "Naku, hindi na ata talaga Miss, tinignan namin 'yong mga gamit niya sa kwarto e.Wala nang natira maliban sa mga lumang panty at bra. Ultimo mga customes, dinala. Ayun, kaya stressed na stressed si Mama L e. Hindi pa daw kase tapos bayaran ni Mitch 'yong inabono niyang pamparetoke ni bakla." Nagtawanan silang dalawa sa kwento nito. Maaga pa naman, wala pa ngang mga customer sa bar. Sinenyasan ni Alea ang bartender kaya naman lumapit ito sa kanya. "Kuya anong food sa kitchen?" Dylan wanted to make sure na hindi gutom ang mga tauhan niya. From kitchen staff hanggang sa mga escorts even bouncers, waiters etc, may libreng pagkain at accomodation ang ibang nagtatrabaho para dito. Hindi naman talaga masama ang ugali ni Dylan na kagaya ng gusto nitong ipaalam sa ibang tao. He is a softie, alam ni Alea 'yon. "May humba sa likod Ma'am Scarlet." Nakangiting sabi nito sa kanya. "Favorite." She said. Binalingan niya si Sarah. "Kain tayo? Nagugutom ako e." "Ikaw na lang Miss Scarlet. May practice kami ng sayaw maya-maya e. Ayaw ko namang magmukhang bloated sa stage. Paano ako makakasungkit ng mayaman niyang kung mukha akong buntis." Natawa na lang si Alea sa sinabi nito. Hanggang sa magpaalam si Sarah na kailangan na niyang pumunta sa stage. Hindi naman niya masisi ang mga kagaya nina Sarah at Mitch kung papangarapin ng mga ito nakahanap ng lalaking sesesryoso sa kanila sa kabila ng trabaho nila. Kahit naman siya noon, pinangarap niya rin iyon. But Alea knew, it didn't work that way. Lalo na sa kagaya niya. Sa trabaho nilang 'yon, ang makasungkit talaga ng mayaman ang ultimate goal nila. Find someone who's willing to accept you and your past. Iyong parang mga napapanood sa pelikula at releserye. Isang mayaman at gwapong lalaki na biglang darating at ibabahay sila. Iyon din ang hiling ni Alea dati. But she's in this industry long enough to know na walang seseryoso sa kanila. That men sees them as a thing they can use whenever they please. Hindi naman na bago kay Alea ang makarinig na may escort na ibinahay ng costumer only to come back after a month or so, dala-dala ang mga kwentong magpapailing ng husto sa sino mang makakarinig. This rich men treats them like trash, pinagpapasa-pasahan na parang basahan. She knew because she's been there before. Kaya nga naging mas wais na siya ngayon. Natuto siyang huwag dumepende sa ibang tao lalo na sa mga lalaki. They're all the same. 'Except Dylan.' But Dylan is her friend. Nagkakaintindihan silang dalawa. They have a connection that even she cannot understand. It's not s****l or romantic. They tried, pero hindi talaga e. Walang spark. ---- "Anong nangyari sa 'yo? Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Logan matapos siya nitong hilahin palabas ng presidential suite. "Are you dumb?" Balik tanong ni Alea sa lalaki. Ngayon lang ba ito nakakita ng babaeng sumasayaw na halos nakahubad kaya hindi nito alam at wala itong ideya kung anong ginagawa niya doon? "Obviously I'm here to do my job." She snickered. She raised an eyebrow while looking at him. Napakagwapo pa rin talaga ng lalaki. His hard body pressed against her soft one is making Alea's insides screaming. "Nagpapabayad ka, Alea?" Marahas na tanong ni Logan sa kanya. Hiniklat pa nito ang braso niya at mariin iyong pinisil. Napaungol ng mahina si Alea hindi dahil sa nasasaktan siya kung hindi dahil sa kakaibang init na dala ng mga kamay nito sa braso niya. It reminds her of her innocence. The time they spent together. But that was a long long time ago. Hindi na siya dapat nadadala sa mga simpleng hawak ng lalaki sa kanya. Kung tutuusin ay immune na dapat siya sa mga hawak at haplos ng ibat-ibang lalaki sa kanya. Kung hindi nga lang nakatingin sa kanya si Logan kanina, baka pinatulan niya si Argos at ang alok nito. Knowing the scumbag wanted her for a long time, alam niyang kapag naghingi siya ng one hundred thousand para sa isang gabi at para sa katahimikan niya, hindi ito magdadalawang isip na ibigay sa kanya. Alea knows her strength and she uses it well. Being a woman could have been her weakness but she transformed that weakness into her strength. Kaya niyang perahan ang mga lalaki pero hinding-hindi nila siya kayang angkinin. s*x has become her job and not something that brings pleasure to her. Kaya naman hindi siya nawawala sa sarili. Hindi niya na hinayaan ang sarili niya na mahulog ng husto kagaya dati. Pero hindi si Logan. Hindi ang lalaking una niyang pinag alayan ng lahat. Ibinigay niya ang buo niyang pagkatao at p********e sa isang lalaking una ring sumira sa kanya. She hate Logan that much na hindi niya na lang magawang magalit dito. Gusto niya na lang na maging estranghero ito sa buhay niya– para hindi na ito bumalik at matuklasan ang sikreto niya. Pahaklit niyang hinila ang braso niya na bahagyang ikinagulat ni Logan. Oh yes, she’s no longer the timid and shy girl he used to know. Hindi na siya iyong babaeng hiyang-hiya na maghubad sa harapan niya noon dahil conscious na conscious siya sa katawan niya. Now, she’s more confident with her body. Alam niya kaseng weakness iyon ng mga kalalakihan so she’s using it to her advantage. "Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba't ikaw ang unang-unang tao na nagparamdam sa akin na bayaran ako?" Kitang-kita niya sa mga mata ni Logan ang galit at gulat and she cannot blame him. Hindi naman kase niya nakita ng husto ang malaking pagbabago sa katauhan niya na si Logan din ang may gawa. Oh yeah. Ang lalaki ang unang tao na nagparamdam sa kanya na marumi siya. Ang lalaking una niyang minahal at ang unang sumira sa kanya. "What? Alea kahit kailan hindi ko inisip na maruming babae ka--" He trailed off. At saka ito napatingin sa suot niya. Sa kakulangan ng suot niya. Napansin ni Alea kung paanong tila nandidiri sa kanya si Logan. She push him hard at saka siya umalis sa pagkakasandal sa wall. Kailangan niyang makaalis at makalayo kay Logan. He is looking at her the same way he did before, back then. At ayaw niya nun, tila nanlilit ang buong pagkatao niya. "Well, you are now." Punong-puno ng galit sa dibdib ni Alea. Ang tagal-tagal niya nang prinaktis ang pagkakataong ito. Alam naman niya na darating ang araw ay magkikita at magkikita silang dalawa at pinaghandaan niya 'yon. Araw-araw siyang nag eensayo, sa loob ng walong taon, kung paano niya kakausapin si Logan ng kaswal lang. Na tipong wala na talaga siyang nararamdaman para dito. Pero hindi niya iyon nagawa. Kaya niyang tanggapin ang pangungutya at mga tingin sa kanya ng mga tao, but not Logan. She thought she can. Pero hindi pa rin pala talaga. Iba pa rin pala talaga 'yong sakit. ---- 'Bakit ka pa kase bumalik, Logan Araullo? Kung kailangang tahimik na ang mundo ko? I've totally forgot all about you. I've totally moved on. Nawalan na ako ng pag asang babalik ka pa at babalikan mo ako. Bakit ngayon pa kase? —--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD