Chapter 7

2020 Words
-7- "Where were you the other night?" Dylan asked her. Nagulat siyang makita ang lalaki na nakasandal sa pader sa tapat ng kwarto ng anak niya. Hindi niya nararamdaman na dumating ito. Kung sabagay, nasa kwarto siya ni Cassie at sinamahan niyang matulog ang anak. "Shh.. keep your tone down. Baka magising ang anak ko." Aniya sabay lapat ng pintuan sa kwarto ng anak. "I took on a request." Tipid niyang sagot sabay lakad papunta sa kusina. Alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki. "Coffee?" Hindi niya na ito hinintay na sumagot. Sa halip ay nagkusa na siyang ipagtimpla ito ng kape. "As if I have a choice." He scoffed. "You don't." Nakangiting sagot ni Alea sabay abot sa lalaki ng isang mug ng kape. Naglakad silang dalawa papunta sa may sala. "So, what did I do to deserve a visit from you?" "I was worried about you. You're not taking my calls. Wala ka sa bahay at lalong wala ka sa club." Rinig na rinig ni Alea ang pag aalala sa boses ni Dylan at alam niyang genuine ang concern nito para sa kanya. Hindi naman masamang tao si Dylan. He's just a victim of circumstances. "May booking nga ako kagabe. Hindi mo ba narinig? One of your girls run away with a rich married man that night." "I heard." Tipid na sagot nito sa kanya. "You know, napag usapan namin 'yan noon. I remember Mitch telling us na napapagod na siyang magtrabaho at gusto niya na lang maging kabit." Ibinaba ni Alea ang kape niya sa lamesa at saka niya itinaas ang paa niya sa sofa. She's facing Dylan now, her legs placed across his lap. "I remember telling her na pokpok kami, hindi homewrecker. Na ang pagiging pokpok ay tinatrabaho at hindi isinasabuhay. Landian lang, walang personalan. Siguro pati tenga niya pinasukan ng junjun kaya nabingi. Bingi na naging colorblind pa." "Who knows, maybe he really loves her." Kibit-balikat na sagot ni Dylan sa kanya. He's rubbing her legs. Unconsciously writing someone's name on it. Pilit pinapakiramdaman ni Alea kung kaninong pangalan ang isinusulat nito sa hita niya pero hindi niya iyon maintindihan. "Dude, ilang taon na ba ako sa trabahong 'to? I'm telling you. Walang ganoon. Sa teleserye lang may ganoon." "Alam mo, Ali. It happens. And just because it's not happening to you doesn't mean it doesn't happen to anyone too. And it's not like walang sumeseryoso sa 'yo. Ayaw mo lang talaga. Ilang beses na ba kitang inalok na magpakasal para ma-adopt ko si Cassie? Masyado ka lang choosy and picky." "Of course I should be picky. Sa ganda kong ito, papatol ako sa humihinga lang?" Exaggerated na sabi niya. "And you don't love me. I don't love you either. Kahit naman mabuti kang tao, ayaw ko namang matali ka sa akin dahil lang gusto mong ampunin si Cassie. I wanted someone who can love me and my daughter na high maintenance. 'Yong walang sabit pero may lawit." "She's high maintenance and she got that from who?" Taas-kilay nitong tanong sa kanya. Napansin ni Alea na nakatitig lang sa kanya si Dylan. At saka niya naalala ang suot niya. She's wearing a satin night gown at sa pwesto niya iyon, Kitang-kita ni Dylan ang malulusog na dibdib niya. But that's what she likes the most about their relationship. They can be intimate without being s****l. "Oo na. Sa akin na. But it's your fault too. Inispoil mo nang husto 'yong anak ko. Akala mo ba hindi ko malalaman na binilhan mo na naman siya ng bagong Ipad? I should pay you back with my body." Kinindatan ni Alea si Dylan at pasimple niyang pinadausdos ang strap ng night gown niya sa balikat. "Eww. No. Maghunus-dili ka nga." Anito sabay bitiw sa mga hita niya. "Oh come on? Even BJ?" Nakangising tanong niya pa. "Alam mo, kung hindi ko lang nakikitang tumitigas 'yang junjun mo, at hindi ko pa nakikitang may kasama kang lalaki, iisipin ko talagang bading ka e." "Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako bading. Hindi lang talaga kita gusto." "And to think a while ago inungkat mo na naman 'yang gusto mong pakasalan ako tapos hindi mo naman pala ako gusto." Nakasimangot na sagot ni Alea. Hindi naman siya nasasaktan sa mga sinasabi ni Dylan. Sanay na siya rito at ganoon talaga sila maglandiang dalawa. "I like your daughter. And I love her. Baka pwedeng maging colorblind ka na lang din para sa kanya." "Sira!" Sagot ni Alea sa sinabi nito. "Magpapaka colorblind lang ako sa 'yo kung papayag kang magpatikim sa akin." Kinindatan ni Alea si Dylan bago niya muling dinampot ang mug na halos nakalimutan na nilang dalawa. Natahimik si Dylan kaya naman tinitigan niyang muli ito. He is looking at her. Intently. Na tila may malalim na iniisip at hindi niya alam kung ano. "Nah. Never mind. Isipin ko pa lang na papasok sa kweba mo itong hotdog ko, kinikilabutan na ako e." Hinimas pa nito ang braso sabay iling. Muntik lang mahampas ni Alea ang braso nito sa inis. "Wow ha. Hiyang-hiya naman ako sa 'yo." Nakasimangot niyang sagot. "100k a night itong pepe ko tapos inaayawan mo?" "It's not about that. May respeto lang talaga ako sa 'yo." Nakangising sagot ni Dylan. Alam ni Alea na mataas ang respeto sa kanya ng lalaki pero alam din niya na dinodogshow siya nito. "Ay huwag mo 'kong respetuhin, Dylan. Babuyin mo ako!" Tuluyan na silang nagtawanan sa sinabi niyang iyon. "Tumigil ka na nga. Kung saan-saan na tayo napunta at lumalayo sa totoong isyu. I was just asking you kung bakit ikaw ang pumunta doon sa booking na 'yon. What about Sarah? Jane? Rose?" "I don't know. It was fully booked that night and canceling it will ruin your club's reputation. Eh, wala naman akong ginagawa noong araw na 'yon and sobrang bored ko so ako na lang ang nagpresintang pumunta." Kibit-balikat niyang sagot sa lalaki. "Except, hindi ako nakipag peekaboo sa kanila like the original request. Yikes. Kadiri kaya 'yong nakatago sa malaking cake tapos biglang lalabas. Ano ako cheap?" Natawa ng malakas si Dylan sa sinabi niyang 'yon. Alam naman niyang isa sa mga dahilan kung bakit magaan ang loob sa kanya ni Dylan ay dahil napapatawa niya ito bukod pa sa naiintindihan niya ang lalaki. "How much do they pay you? I hope they know you're one of the best." "Hmmm.. I didn't finish my set, actually. Mas matagal pa nga 'yong itinambay ko sa banyo kesa sa actual performance ko e. Something happened." She trailed off. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin kay Dylan ang nangyari. He did told her na pwede niyang sabihin kay Dylan kung mayroon mang nanggugulo sa kanya but this is different. Logan is different. Parte ito ng nakaraan niya na alam ni Alea, kahit kailan ay hindi mabubura. "But hey, I was paid double." "Why? What happened?" And as expected, gumana ang protective instinct ng lalaki. Hinila siya nito at pinatayo sa harapan niya. He started inspecting her body from her face all the way down to her legs. "Chill, pwede ba." Natatawang pigil niya rito. "Wala namang bugbugang nangyari." Noon kaseng sinagip siya ni Dylan sa isang club sa Turkey, punong-puno ng mga sugat at galos ang katawan niya. Napasok siya sa isang prostitution den kung saan s*x slaves ang turing sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari at ayaw niya nang alamin pa, pero pagkatapos niyang makalaya sa impyernong lugar na 'yon ay nabalitaan niya na lang na nasunog yung club. She felt sorry for everyone na namatay sa loob but at the same time, nakahinga siya ng maluwag. Her nightmare is finally over. "Kung walang nangyari sa 'yo, bakit hindi mo natapos yung set mo? That's what worries me. You don't do that." Pabuntong-hiningang sabi nito. Nag aalala talaga sa kanya si Dylan and she appreciates that. Naupo siyang muli sa sofa. "Hindi kase ako nainform kung sino yung customer. My fault kase hindi ko rin naman talaga inalam. 'Yong address lang ang kinuha ko." Dylan is staring at her. Alam ni Alea na paraan ito ng lalaki para tignan kung totoo ang mga sinasabi niya. "And?" "And… wala lang. Pagdating ko doon, bachelor's party pala ng isang prominenteng politician na graduate sa Xavier University 'yon." Kibit-balikat niyang sagot pero nagtatangis ang bagang ni Dylan. Alam kase nito ang karanasan niya sa Xavier University. Alam din nito ang naging isyu sa kanya noon na halos kalahati ng mga estudyante at faculty members sa XU, naikama niya. "And they remember you?" "Well yeah. The groom-to-be called me by my name and he wanted to take me home. Buti na lang nandoon si L-lucas at pinigilan siya. And then I left." Kwento niya pa. Sinadya niyang hindi isama si Logan sa kwento niya. Hindi naman na kase importante 'yon. "Araullo?" Taas-kilay nitong tanong. "Yup. His friend is getting married." Alea tried her best to look nonchalant. Alam niya kaseng kapag nakita ni Dylan ang discomfort sa mukha niya ay hindi ito titigil hangga't hindi inaalam kung anong pangalan nito. And knowing him, he'll make that guy's life and political career a mess. "Sasabihin mo ba sa akin kung sino 'yon o ipapahunting ko na lang? You know I'm not good at charades and I am very impatient." "There's no need for that. Wala namang nangyari e." Iniisip lang ni Alea ang tungkol sa reunion ng batch nila sa Xavier University next month. Kilala niya si Argos. He likes bragging and telling everyone about his s*x life. Isa rin ito sa mga nagsabi at nagpakalat noon na naikama na siya ng lalaki kahit hindi naman totoo. "And what about your reunion? What if he started telling everyone about you?" Concern pa rin na tanong nito. Alea picked up his mug at saka niya iyon iniabot sa lalaki. "As if my job is a secret." Kibit-balikat niyang sagot. Alea took a deep breath. "Alam mo matagal na nilang pinagkalat na puta ako. Kaya nga pinanindigan ko na e. Isa pa, hindi niya gagawin 'yon. It will hurt his political career. Don't do anything. Ako na ang bahala sa kanya." Ilang minuto ring nanahimik si Dylan bago ito bumuntong-hininga sabay sandal sa sofa. "Okay fine. But if something goes wrong–" "Nothing will go wrong. It's not like I cannot handle anything na ibabato ng tao sa akin. Matibay na 'to," Logan made me stronger. The pain he brought me made me stronger. "Maiba ako, what are you doing here? Hindi ka naman siguro nagdrive ng ganoon kalayo para lang tanungin kung anong nangyari sa akin." "You know Adonis Club?" Saglit na napaisip si Alea. Pamilyar sa kanya ang lugar na 'yon dahil nabanggit na 'yon ni Dylan sa kanya. "That BSDM club you really wanted to join?" Tumango ito sa tanong niyang 'yon. "Na ang sabi mo ay kaya gustong-gusto mong sumali ay para mabantayan sina Toby at Nhia Pedroza?" Muli itong tumango. "What about it?" "Guess what. I'm already in." He gave her a lopsided smile. b**m is not her thing, but she enjoys being tied up but not getting beaten and that's different. "Alam mo, minsan napapaisip ako. Sigurado ka bang gusto mo talagang maghiganti or you just wanted to spend more time with your Mom? I mean... Hindi mo man lang ba naisip, you'll see your Mom naked." "She didn't raise me so she's not my mom." Kitang-kita ni Alea ang biglang pagbabago sa mukha ni Dylan. Kung kanina ay masaya pa ito sa mga kinukwento niya, ngayon ay napalitan iyon ng galit. At dahil alam niya yung anong istorya ng buhay ng lalaki, naiintindihan niya ito. He was abandoned by his own mother. Kagaya niya. Her dad abandoned her when he died. Ang masaklap pa noon ay iniwanan din siya nito ng napakaraming utang. "Still, she's your mo–" "I said she's not my mom!" "Oh, edi hindi. 'Bat ka ba galit?" Pairap na sabi ni Alea. "And why are you telling me about that club?" Tinignan siya nito ng matagal bago nagsalita. "Clear your schedule next week. I'll take you there."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD