Chapter 5

1161 Words
-5- "Ahhhhh!" Narinig ni Alea ang malakas na sigawan ng ibang estudyante sa labas ng classroom pero hindi na siya nag abalang mag angat pa ng tingin mula sa librong binabasa niya. Sanay naman na siya sa ganoon lalo na kapag may dumadaang gwapo sa labas. Hindi rin naman siya mahilig sa mga gwapo at sigurado rin naman siyang hindi mahilig sa kanya ang mga gwapo. She's plain looking, aminado naman siya doon. Sa lahat ng mapera at may kaya sa buhay, siya lang ang mahilig mag shopping sa mga ukay-ukay. Wala rin siyang hilig na maglagay ng kung ano-anong make up gaya ng mga kaklase nila at kahit close silang dalawa ni Nina minsan, hindi siya nito napapayagan na make-upan siya. Pero maganda si Alea. Matangkad rin siya at may balingkinitang pangangatawan. Ilang beses nang may lumapit sa kanya para kuhanin siyang isang modelo ngunit madalas niya rin iyong tanggihan dahil ayaw niyang magkagulo silang dalawa ni Nina. Isa pa, sigurado naman siyang hindi siya papayagan ng Daddy niya. Isa pa, nasa pag aaral ang focus niya. Although minsan, napapaisip rin siya. What if sunggaban niya 'yong mga offer na 'yon sa kanya? What if subukan niya ring mag ayos at magpaganda kagaya ng mga kaklase niya? Siya na rin ang sumaway sa sarili niya. Ayaw niya nang lalo silang magkagulong dalawa ni Nina. Hindi niya na nga alam kung bakit mainit ang dugo sa kanya ng kaibigan, dadagdagan niya pa. Naramdaman ni Alea na may nakatayo sa harapan niya but she decided to ignore it. Kung sa kanya may kailangan ang taong 'yon, kanina pa dapat siya nito tinawag. Hindi naman kase lingid sa kaalaman ng mga kaklase niya na kailangan ng mga ito na tawagin ang pangalan niya bago siya makausap ng mga ito. Some say she's introvert, pero ang totoo ayaw lang talaga niyang mag assume na siya ang kinakausap. "Hi, Lea." The guy infront of her said. See, kung nag angat kaagad siya ng tingin dito tapos hindi naman pala siya ang kakausapin, edi napahiya lang siya. Hindi naman kase siya si Lea. At wala siyang maalalang may kaklase siyang Lea ang pangalan. 'Lea?' Nag angat siya ng tingin at nakita niya ang lalaki sa harapan niya na nakatingin sa kanya. "I'm not Lea." Kunot-noong sagot niya. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking 'yon ngunit hindi niya maalala kung ano. At alam niya kung saan niya ito nakita. Sa library noong isang linggo. Ngunit anong ginawaga ng lalaking iyon sa classroom nila? Nagpalinga-linga siya ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa ni Nina. Tama. Maybe she's who he's looking for. “I know, you’re Alea Montecito. But your friends might be calling you that name too and I wanted to be unique.” Nakangiting sabi nito habang nakatitig sa kanya. ‘If only I knew his name.’ Pero hindi niya talaga maalala ang pangalan nito. “Ang unfair mo naman. Hindi mo man lang maalala ang pangalan ko samantalang ikaw, hindi ko makalimutan ang itsura mo.” He said. And then he chuckled. “I-i’m sorry. Mahina kase ako sa mga pangalan e. I don’t even know everyone’s name here.” Pangangatwiran niya na lang. Totoo rin naman kase, she can remember a face, but not their names. “If that’s the case, I’m yours so you can just call me mine.” Anito sabay kindat sa kanya. Kinuha ng lalaki ang librong binabasa niya bago ito naupo sa ibabaw ng lamesa niya. Ilang beses napakurap si Alea. Hindi niya alam kung anong gagawin sapagkat hindi siya sanay sa ganitong klase ng atesyon. “Ummmm…” nasabi niya na lang. “Ma-may kailangan ka ba?” “Damn.” Mahinang sabi nito na ikinatakot ni Alea. May mali ba sa sinabi niya? Tinatanong niya lang naman kung anong kailangan nito sa kanya. But then he laugh. A hearty laugh na na nagpaligalig ng husto sa mga laga niya sa tiyan. Hanggang ngayon hindi alam ni Alea kung ano ‘yong nararamdaman niya ngayon. “Sabi ko na nga ba e, you’re one of a kind. Hindi ka man lang tinatablan sa mga banat ko." Itinaas nito ang kamay niya at inilapit iyon sa pisngi ni Alea. "Hindi ako nagkamali ng pagpili sa ‘yo.” ‘Pagpili sa akin?’ “I’m chosen for what? Ba-bading ka ba? Talent scout? Hindi po ako interesado. Study first po ako.” And she means it. Kailangan niya munang makapagtapos ng pag aaral para matulungan ang daddy niya. Napasinghap naman ang ilang kababaihang nasa paligid nga lang pala nila. Alea look around. Oo nga pala, nasa eskwelahan nga pala sila. Hindi niya alam kung na-offend ito sa sinabi niya. Nakatitig lang kase ito sa kanya at hindi man lang ito ngumingiti. “Gusto mo ba ng proof na hindi ako bakla?” He said. He move an inch closer at awtomatikong napaurong at napasandal si Alea sa upuan niya. “Kung… Kung hindi ka bading, then, what are you doing here?” Noon ito biglang umayos ng tayo sabay tingin sa likuran. Sa labas. Noon lang din napansin ni Alea na may lalaking nakatayo doon na kamukhang-kamukha niya. May hawak-hawak itong isang bouquet na bulaklak at naglalakad papalapit sa kaniya. 'Oh!' Hindi alam ni Alea kung anong gagawin. Hindi pa nga niya alam kung anong ginagawa nito sa classroom niya tapos ngayon may kasama pa itong kamukha rin niya. "I'm here to give this to you." Nakangiting sabi ng lalaki sa kanya. Kinuha nito yung bulaklak galing sa kamay nung isang katabi niya at saka iyon iniabot kay Alea. "Te-teka? Sa akin? Ba-bakit?" "Balita ko kase may mga kumukwestyon sa pagkatao ko. I heard somewhere na may nagsabi na baka pangit ako kaya kung sino-sinong inuutusan ko para bigyan ka ng bulaklak." Anito sabay tingin sa paligid. "Ah… Ikaw 'yon? Ikaw 'yong nagpapaabot sa akin ng bulaklak?" Sabi niya sabay kuha nung bulaklak na iniiabot nito. Mas malaki ang bouquet na 'yon kumpara sa mga una nitong ipinadala. "Yup." "T-thank you." Alanganin sabi niya. 'So… what's next? May sunod na klase pa kami?' Tanong ni Alea sa sarili. "Your welcome." He smiled. At magkatitigan silang dalawa ng ilang minuto bago ito tinapik nung lalaking kamukha nito na naging dahilan para mapalingon silang pareho. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa babaeng nagpapabilis ng t***k ng puso mo?" Tanong nito. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Magkapatid siguro ang dalawang ito.Istilo lang ng buhok ang pinagkaiba nila. And the way they dress. Habang maayos na nakabutones ang suot na polo shirt na uniform nila ang isa, bukas naman ang suot na damit nung isa. "Ako nga hindi niya pa kilala e." Nakangising sabi ng lalaki sa kapatid. "Haha!" Alea awkwardly laugh. "Akala ko ba mine ang pangalan mo?" Iyon ang natatandaan niya na sinabi nito. "I said you can call me mine. But my name is Logan. Logan Araullo. And I am here to formally court you." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD