-19-

2041 Words
Last Flashback -19- “Alea, ano ‘yon?” Sinundan siya ni Nina kasama ang ilan pang mga kababaihan na ngayon niya lang nakita sa comfort room. Dala-dala pa rin niya ng bulaklak na ibinigay sa kanya ni Logan na ibinigay din sa lalaki ng isa sa mga fans nito. Hindi naman kase niya alam kung anong gagawin sa bouquet na ‘yon. She wanted to refuse Logan pero nakaalis na ito bago pa man siya makarecover sa pagkabigla kanina. She cannot throw away that bouquet too dahil baka naman makita nung babaeng nagbigay nun kay Logan at maoffend sa gagawin niya. If him giving her that flower is not offending enough. Kaya wala siyang choice kung hindi ang dalhin ‘yon at i-endure ang mga msasamang tingin ng mga babae sa kanya. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng atensyon. Mas sanay siyang natatapos ang araw na walang pumapansin at walang nakakaalam sa existence niya. But with Logan’s little show earlier, mukhang mahihirapan na siyang maging low profile. Ngayon pa nga lang e pakiramdam niya na nasa isang teleserye siya. She saw this kind of scenes before, and usually, hindi maganda ang ending nito. “Ang alin?” Maang na tanong niya. Hinugasan ni Alea ang kamay niya at saka niya dinampot yung bulaklak na nasa ibabaw ng sink. She tried excusing herself and pushing her way out pero hinarangan ng mga kasama ni Nina ang daan. ‘Kasalanan mo to. Logan!’ She said, mentally cursing him. Hindi naman na kase nito dapat ginawa ‘yung mga ginawa nito kanina, mukhang magkakaroon pa ata siya ng kaaway. Ng maraming kaaway. Who would have thought na ganoon karami ang may gusto kay Logan? Definitely not her. She's not paying attention to anyone else before. “Kailan pa kayo naging close ni Logan?” Nakasimangot nitong tanong sa kanya. ‘Close ba kami ni Logan?’ She asked herself. Yes, they kissed. Yes binigyan siya nito ng bite mark. Ibig sabihin ba noon ay magkaibigan na sila? She’s not good at making friends lalo na sa opposite s*x kaya hindi niya alam. “Hindi kami close ni Logan.” malumanay niyang sagot. “Tinutulungan niya lang akong magpractice ng swimming.” “Alone?” “Oo. Sa Clubhouse nila." Wala sa sariling napahawak si Alea sa leeg niya. Napansin iyon ni Nina kaya naman tinapik nito ang kamay niya sabay hila sa damit niya. “What are you doi–” “What do we have here?” Sabay-sabay silang napatingin sa nagsalitang ‘yon. Nakatayo silang tatlo sa tapat ng pintuan sa C.R. Natulala si Nina at ginamit ni Alea ang pagkakataong ‘yon para makawala kay Nina. “What do you think you’re doing ganging up on a kid?” Dagdag niya pa. Hindi maaninag ng maayos ni Alea yong nagsasalita. She adjusted her glasses at doon niya lang nakilala kung sino ang mga ‘yon. Natulala rin siya kasama nina Nina. “Steff, you’re scaring them.” Someone snickered behind her. “They should be.” Sagot naman ng isa. Hindi naman sila matatakot sa akin… Unless they know me. Do you guys know me?” Sabay-sabay silang tumango. Sino ba naman kase hindi makakakilala sa mga babaeng nasa harapan nila ngayon, Eh, halos lahat ng posters na may kinalaman sa Xavier University, picture nila ang nakalagay. Even sa website ng school, nandoon pa rin sila. “Kung kilala n’yo kami, you can leave. Do not play the mean girl kung hindi n’yo naman kayang paninidigan.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Alea kina Nina at sa mga kasama nitong aligagang-aligaga sa pag alis. Dinampot niya ulit yung bulaklak na nalaglag sa sahig at saka niya inayos yung uniform niya bago siya naghanda papalabas. Hindi naman dito matatapos ang panggugulo sa kanya ni Nina, may round two pa ito sa mga usunod na araw, hanggang sa magsawa ito ng kakaharass sa kanya. “Where do you think you’re going?” Anas ng isang babae sabay harang sa daraanan niya. Kung ganito rin lang ang sasapitin niya araw-araw dahil lang sa nagpapaturo siya dito, hindi niya na gagawin. Mas importante pa rin ang peace of mind kaysa sa scholarship. “Uhmm… Sabi n’yo kase leave?” Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa tanong na ‘yon. Pupunta ba siya sa classroom nila? Handa na ba siya sa round two? “Stop it na nga, Steffi. Hindi bagay sayo ang maging mean girl. Kung si Zylie, pwede pa.” Natatawang sabi ng isa. “Ay wow ha, coming from you pa talaga?” Sagot naman ng isa sabay irap sa huling nagsalita. She ignored her. Umalis ito sa pagkakasandal sa may pintuan ng banyo at nakangiting lumapit sa kanya. “Hi, I’m Jaime. Noce to meet you.” Nakangiting sabi nito sabay abot ng kamay sa kanya. “That’s Steffi and Zylie.” Wala sa sariling tinanggap ni Alea ang nakalahad na kamay ni Jaime at saka siya napatingin kina Steffi at Zylie na ngayon ay nakangiti rin sa kanya. Sa kanilang tatlo, si Jaime lang ang nakasuot ng uniporme ng Xavier University. Kagaya nina Logan, graduating student na rin ito sa kursong psychology. Ilang taon na rin kase ang nakakaraan matapos makagraduate nina Steffi Araullo at Zylie Crisologo. Steffi, being Logan’s older sister. They’re so beautiful. Naka corporate attire ang mga ito at halos walang make up sa mukha pero manghang-mangha si Alea sa itsura ng mga ito. Tila sila galing sa isang photoshoot para sa isang magazine. “Uy, mag-talk ka naman. Baka sabihin nila binubully ka namin dito.” Nakangiting sabi ni Zylie. Hindi siya makapagsalita.Naso-shock siya sa mga nangyayari. “Uhmm… Thanks?” Dahil pinigilan nila ang pambubully dapat kanina sa kanya ni Nina? Kung hindi sila dumating, baka nakita na ng mga ito ang bite mark sa leeg niya. Pero… “Ano pong ginagawa n’yo dito?” Wala sa sariling sabi niya. Wala naman siyang planong sabihin iyon ng malakas kaya naman nagulat na lang siya noong bigla silang tumawa. “Now we know what Logan saw in her.” Nakangiti pa ring sabi ni Zylie. “Congrats, Ate Steffi. Future sister-in-law approved.” ‘Anong nakita sa akin ni Logan? At a-anong future sister-in-law?’ “Gusto ka lang namin makita. Ayaw kang dalhin ni Logan sa bahay so kami na lang ang nagpunta sa ‘yo.” “H-huh?!” Kung alam niya lang na ito ang mapapala niya sa pagtanggap sa bulaklak na yon kanina, sana hindi niya na ginawa. Literal na umikot ang mundo niya at hindi niya alam kung anong gagawin. “T-teka… Kung ano man po yang iniisip n’yo, mali yan. We’re… We’re just friends!” Nasaan ba si Logan? Kung kinakailangan niyang gumawa ng public announcement para itanggi yong mga speculations tungkol sa kanilang dalawa, ipapagawa niya. Totoo naman kaseng walang namamagitan sa kanilang dalawa. Oo, nagkiss sila pero iyon lang ‘yon. Hindi naman sila nagsex. “See, that’s the thing. My brother is not friendly. Lalo na sa opposite s*x. Malapit na nga naming isipin na bakla si Logan e. Buti na lang, you showed up-” “He’s not gay!” Biglang sigaw niya. "Definitely not gay." Nanlalaki ang mga matang naitakip na lang ni Alea ang mga kamay niya sa bibig niya sabay tingin sa mga babaeng nasaa harapan niya.. ‘Stupid mouth!’ “How did you know?” Kunot-noong tanong ni Jaime. And then she gasped. “Oh.. Oh wow…” “T-teka lang naman! Mali yang iniisip n’yo! Bata pa po ako!” Para siyang isda na gingiisa sa sarili niyang mantika. “So? We’re not here to judge you, babe. As long as you use protection.” Ani Zylie sabay kindat pa sa kanya. “Let’s go na nga. Ang chaka ng meet up place nyo ng future sister in law mo ha.” “Pasensya na. I’ve watched way to many koreanovelas to know where bullying scenes are done. Isa pa, kung hindi tayo pumunta dito, do you think those mean girls wanna be will leave her alone? Syempre hindi.” Nauna nang naglakad papalabas sina Zylie at Jaime. Narinig niya pang sinisingil ni Jaime si Zylie ng ten thousand bago ang mga ito tuluyang nakalabas. Naiwan silang dalawa ni Steffi na ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya. Alea didnt know what to do kaya naman nakipagtitigan din siya dito. She’s making her conscious. Bahagya niya tuloy inayos yung uniporme niya sa takot na baka makita nito ang itinatago niyang chikinini sa leeg. “Don't mind them, pinagpustahan kase nilang dalawa kung bakla nga si Logan o hindi." Nakangiting saad nito sa kanya. Ang ipinagtataka ni Alea, may reputasyon si Steffi ng pagiging masungit. Kahit naman kase hindi niya na inabutan sa school ang ate nina Logan, tumatak naman iyon sa kaniya. Steffi Araullo is the infamous campus b***h. "Uhmmm…" "Please take care of my brother. Hindi naman siya kasing siraulo ng kakambal niya but still, he’s fragile.” "Parang hindi naman po. Ang lakas nga niya mambully e!" Nakasimangot niyang sagot. Nakalimutan niya bigla kung sinong kaharap niya. "Hahahaha! Just take care of him. Sayo lang siya nagpakita ng ganyang side niya. Kung hindi ko lang nakita kung anong ginawa niya kanina, iisipin kong si Lucas ang may gusto sayo at hindi siya." She smiles as she gently pinch her cheeks. May kinuha ito sa pouch niya at saka iyon inilagay sa kamay ni Alea. "This is a full coverage concealer. It's none of my business but I still advice you to cover that up para hindi ka mapag usapan ng ibang tao." Nahihiyang napahawak ng husto si Alea sa maliit na stick na hawak niya. Namumula rin siyang nag iwas ng tingin sa babae. "You're too cute. Parang may idea na ako kung anong nagustuhan sa 'yo ni Logan." Nakangiti itong humarap sa salamin at bahagyang inayos yung buhok niya. "Take your time. I'll make sure no one enters this place until you're done." Kinindatan siya nito saka naglakad papalayo. Noong nasa may tapat na ito ng pinto, tila may nakita si Steffi kaya natigilan ito sa paglalakad. She smiles, look back at her and said, "Huwag mo palang masyadong tagalan. Someone is waiting for you." —- Alea took her time. Bineblend niya ng maayos yong concealer sa leeg niya para magmukhang natural ang kulay sa leeg niya. Noong masiguro niyang pantay na ang kulay ng mukha at leeg niya ay pabuntong-hiningang siyang naglakad papalabas ng banyo. Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon. Nakalimutan niya na nga ang sinabi ni Steffi na may naghihintay sa kanya sa labas. Kung sino man 'yon ay baka nainip na sa kakahintay sa kanya at umalis na lang din. "Ay shuta–" muntik na siyang matumba noong tumama ang mukha niya sa pader na humarang sa daan niya. At kailan pa natutong humarang ang pader sa daan? "A-anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong niya kay Logan. Anong ginagawa ng lalaki sa high school building na malayo sa college building? "Waiting for you." Kibit-balikat nitong sagot sa kanya. Akmang aakbayan siya ni Logan kaya naman lumayo siya ng kaunti sa binata. "Don't. Chinichismis na ako ng mga tao. Huwag mo nang gatungan pa ang mga sinasabi nila." But instead of being bothered, natawa lang ng malakas si Logan at saka siya nito hinila papalapit sa kanya. She tried pulling away pero mas naging mahigpit ang pagkakakapit niya sa baywang niya. "LOGAN! ANO BA?!" Pabulong niyang sita sa binata. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante kaya naman mas lalong ayaw niyang mageskandalo sa pamamagitan ng pagsigaw dito. "Ayaw mong machismis? Then let's make it real." Anito sabay kindat. Logan put his arm on her shoulder, pulling her closer. "Ah.. anong–" Naguguluhan at kinakabahang tanong niya. Bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa balak nitong gawin? "Alea Montecito is mine." Panimula nito. Halos manigas si Alea sa kinatatayo niya. Kulang na lang ay hilingin niya na kainin siya ng lupa sa kahihiyang dulot ni Logan. "She's mine. Ang sinumang kumokontra sa pagmamahalan namin ay kumokontra sa kapayapaan. Ang sinumang kumukontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan." At simula noong araw na 'yon, she became officially, Logan’s property. —-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD