20
"Oh, to who do I owe this pleasure?" Nakangising tanong sa kanya ni Jaime bago ito tumayo sa desk at naglakad papalapit sa kanya. She then gave him a hug and a pat sa likod.
"Wala lang, naboboring lang ako sa buhay ko." Bumuntong-hininga si Logan at saka siya nagpatianod kay Jaime noong inakay siya nito paupo sa sofa.
"Bakit naman kase ayaw mo pang magwork para sa imperyo? Ang dami-dami mo namang pwedeng gawin. Compared kay Lucas, mas seryoso ka naman siguro at hindi gagawing w***e house yung HQ." Natawa siyang pareho sa sinabing 'yon ni Jaime. Nasa Xavier University siya ngayon dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Isang linggo na siyang pabalik-balik sa bar pero hindi niya nakikita doon si Alea. Ayaw rin namang sabihin ng ibang mga dancers sa kanya kung bakit at kung saan niya pwedeng puntahan ang dalaga. Something about respecting Alea's privacy and all that s**t.
Sa susunod na makita niya ulit ang dalaga, hinding-hindi niya na iyon pakakawalan. He'd lock her away kung kinakailangan para lang hindi na ito muling makatakas sa kanya.
"You know naman na wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Ask me to assemble an AK-47 or shoot someone at kayang-kaya kong gawin 'yon kahit nakapikit." Jaime chuckles. Tinapos lang ni Logan ang kolehiyo sa X.U at lumipad na ito papuntang U.S para i-fulfill ang isang pangarap ng ama niyang si Stephen Araullo na maging US army. Ni hindi na nga siya nakadalo sa graduation rights nila. Hindi na rin sila nakapag usap ni Alea dahil kapag ginawa niya iyon, baka hindi siya tumuloy.
Tama si Lucas noon ng sabihin nitong nagpapaligsahan silang dalawa ng ate niyang si Steffi para sa approval ng ama nila.
But damn, kung pwede lang siyang bumalik sa nakaraan, hindi niya sasayangin ang oras niya. He'd rather stay here and be with her.
"I heard na may balak sina Tito na magtayo ng security agency, why don't you take over that one?" Jaime handed him a steaming hot cup of coffee at saka ito tumayo sa tabi niya. Nakatingin sila sa malawak na playground ng Xavier University. It's been eight years since he last took a step inside the school premises and nothing has changed.
"Soon. Maybe." Pabuntong-hiningang sagot niya. Hindi niya pinapansin si Jaime dahil hindi maalis ang atensyon niya sa isang batang naglalaro sa may swing. Pamilyar ang mukha nito at sa hindi niya malamang dahilan, he is drawn to her.
"What's wrong?"
"I don't know. I feel so empty." Iyon na naman talaga ang pakiramdam niya simula noong umalis siya at iwanan si Alea. Kung alam niya lang na wala na siyang babalikan, hindi na lang sana siya umalis noon.
"Like there's a space somewhere inside that needs to be filled?" Jaime said, finishing his words.
"Kung alam ko lang na si Alea ang magiging kapalit ng pagtupad ko sa pangarap ni Daddy noon, baka pinakyu ko na lang siya at saka ko inayang makipagtanan si Alea." Sambit niya habang nakatingin pa rin sa bata.
"And what? Ruin her life? Nakalimutan mo na bang sixteen pa lang si Alea noon? You're lucky her uncle didn't press charge against you." Nakasimangot na sabi ni Jaime.
Hindi naman talaga magsasampa ng kaso ang tiyuhin ni Alea noon. He’s only after his parent's money. Ayaw lang din ng mga magulang niya na maeskandalo kaya naman ibinigay nila ang hiling nito.
"Jai, what Alea and I had is magical. I loved her. You know that. Handa naman akong hintayin siya. Handa rin naman akong panagutan siya. But…"
"But you chose to be an ass, maniwala sa ibang tao at iwanan siya." Mariing sabi ni Jaime. "Your dad is just being your dad. Atleast he's normal. Hindi kagaya ng daddy ko na kinulang sa buwan at ang pangarap e maging astronaut. Pangarap nila 'yon, pangarap ng daddy mo. Hindi mo pangarap. It was your decision to leave."
"I know." Pabuntong-hiningang sagot niya. "Alam mo naman siguro kung anong nangyari noon–"
"Oh, I am well aware, alright. Kami pa nga yung nagtanggol sa babaeng sinasabi mong minahal mo e."
Logan felt guilty. Totoo naman kase yong sinasabi ni Jaime. He left her. Bago niya tuluyang napagdesisyonan na umalis, may nangyari noon na naging dahilan para magalit siya ng husto kay Alea. That made him leave her. It was too late when he found out na hindi totoo ang mga nalaman niya tungkol sa dalaga.
"Jai–"
"I'm not yet done." Bumuntong-hininga si Jaime at saka ilang ulit na nagbukas-sara ang bibig nito na tila may gustong sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula. "Wala ako sa posisyon para sabihin ito sayo pero–"
"JAIME PATRIZE BORROMEO, ARE YOU CHEATING ON MY DAD?!" Sabay pa silang napatingin sa dalagang sumisigaw sa pintuan. Narinig ni Logan ang pabuntong-hiningang ni Jaime na tila nabunutan ito ng tinik sa lalamunan. She’s happy someone disturbed them.
"Huwag ka ngang OA, Angela. I am not cheating on your dad. I don't need to cheat on him. He's sharing me with your Uncle Stev–"
"Ew! Stop that!" Nagtakip pa ng tainga ang dalaga na ikinatawa naman ni Jaime.
"You know, you're asking for it." Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jaime. She's fond of her.
"If he's not your boytoy, then who is he? At bakit ang lapit-lapit nyong dalawa sa isa't-isa?" She said accusingly. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa and her stares stopped at his pants.
"His name is Logan Araullo. Logan, si Angela. Anak ni Matt." Pagpapakilala nito sa kanya.
"Matt?" Bakit parang pamilyar ang pangalan na 'yon?"
"My boyfriend." Dagdag pa ni Jaime. "And yes, he's the owner of that red brick building." Kinindatan siya ni Jaime sabay lapat ng isang daliri nito sa bibig niya. As if telling him to keep quiet.
"That's why his name sounds familiar." Jamie's boyfriend owns Club Adonis. That infamous b**m club in town.
"Hello, I'm here. You can't talk about my father na para bang wala ako dito." Mataray pa rin sabi ng bata. But her stare stays below his waist.
"Young lady, staring is rude. And my eyes are up here." Natatawa na lang na sabi ni Logan sa namumulang dalaga.
"I'm not staring!" She said, defensively. Hindi naman niya masisisi ang bata. Maganda ang katawan niya at malaki rin ang ano niyang bumabakat sa pantalon na suot niya. He is well-endowed and he knows that.
"Huwag mo na ngang asarin si Angela." Nakangising sabi ni Jaime. Bumaling ito sa batang namumula pa rin. "By the way, what are you doing here?"
"Late yung school bus e. Kaya dito na lang muna ako. I don’t want to wait outside because it's too hot."
"You're abusing me." Seryosong sagot ni Jaime but her face says it all. She adores this kid.
"Nope. You're the guidance counsellor, guide me." Ngumisi ito, dumila sabay higa sa may sofa na animoy nasa totoong psychiatrist ito at nasa therapy.
"You're a lost case. I can't help you." Jaime chuckled pero sa huli, naglakad ito papunta sa mini ref sa loob ng opisina at kumuha ng dalawang yakult iniabot iyon sa dalaga. They totally forgot all about him.
Jaime changed. Simula noong naging vocal ito sa kung ano siya, mas naging masayahin ang kaibigan. Her lifestyle is something that he doesn't approve of but as long as she doesn't interfere with his life, he's fine with it. Isa pa, being friends with the owner of that red brick building has its perks.
—-
Lumabas na si Logan at naglakad-lakad sa loob ng Xavier University. May preschool at elementary building na rin pala doon. During his time, elementary pa lang ang mayroon.
The buildings are old, but well maintained. The big bosses takes pride in making sure na preserved ang mga dating building ng St. Celestine na ngayon ay Xavier University na. Malaki ang papel ng eskwelahang ito sa pagmamahal ng mga magulang niya. Wala na ang batang nakaagaw sa atensyon niya kanina pero hindi iyon maalis sa isipan niya.
Nagpunta na siya sa may parking lot at sumakay sa sasakyan niya. Wala naman siyang pupuntahan ngayon. Nauubos nga lang ang oras niya sa pagtambay kung saan-saan at pangungulit sa mga pinsan niyang may kanya-kanya ring buhay. His life is not that boring but he sure wanted something or someone to bring spice back into his life.
'Alea.'
'Bakit ba napakailap mo? Why are you making it hard for me?' Tanong niya sa sarili. 'We could be dating, skinny dipping, making out and f*****g. We could be doing anything to make up to our lost times. Bakit naman mas ginusto mo pang makipaglaro ng hide and seek sa akin?' Napabuntong-hininga na lang siya.
Alam ni Logan na walang asawa o boyfriend si Alea. If it was him, hindi niya hahayaang manatili sa ganoong trabaho ang dalaga.
He's too jealous for that.
Isang malalim na buntong-hininga pa ang pinakawalan niya bago niya pinaandar ang sasakyan niya. Hindi naman ganoon kalayo ang pagitan ng Xavier University sa subdivision nila but he took the long way. Gusto niya munang mag isip.
Kailangan niya munang mag isip.
Napadaan siya sa isang maliit na supermarket noong makita at mapansin niya na may batang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada. Nakasuot ito ng uniporme ng Xavier University and she's on the verge of crying. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at lumapit sa bata.
"Hey, kiddo." Tawag niya rito. Hindi siya pinansin ng bata, bagkus ay yumuko na lamang ito. "Uhmmm.. anong ginagawa mo dito? Where are your parents?"
Sa pagbigkas niya sa salitang parents ay bigla itong umiyak ng malakas.
"Fuvk!" Natatarantang naupo si Logan sa tabi ng bata at sinubukang pakalmahin ito. "Huwag ka nang umiyak! Nawawala ka ba? Gusto mo bang hanapin natin ang parents mo?!" Hindi alam ni Logan ang gagawin niya. Lalo na't pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid. "Ah.. eh, hehe.. A-anak ko. Gusto lang ng ice cream!" Wala sa sariling sabi niya.
Nag angat ng tingin ang bata matapos nitong marinig ang salitang ice cream.
"Ice cream?" Nagniningning ang mga matang tanong nito.
"Yes! Ice cream! A-anong flavor ang gusto mo?"
Nagulat si Logan nang bigla nitong hinila ang t-shirt niya para gamiting pampunas sa luha nito at tila walang nangyaring tumayo at hinila siya papasok sa supermarket. Natatawa na lang siya at kakamot-kamot ulong sumunod sa bata. It felt like he fell into a trap.
"I want strawberries." Nakangiting sabi nito sabay turo sa strawberry flavored ice cream na nasa maliit na tub. Napapailing na lang si Logan habang kinukuha yong ice cream. Kumuha rin siya ng double dutch na para naman sa kanya. Magkahawak-kamay pa silang naglakad papunta sa counter para magbayad at saka sila lumabas ulit at doon kumain ng ice cream.
"What's your name? Are you lost? Do you need help?" Sunod-sunod niyang tanong dito pagkatapos nilang makaupo. Itinaas lang nung bata ang isang daliri nito na tila pinapatigil siya sa pagsasalita sabay kuha ng ice cream nito.
"My mom said not to talk to strangers." Nakayukong sabi ng bata. Muntik niya na itong kutusan kung hindi lang niya napigilan ang sarili niya.
'Strangers? Pagkatapos mo akong iskamin ng ice cream, strangers pa rin ako?'
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Logan bago siya ulit nagsalita. "Okay, my name is Logan Araullo. What is your name?"
"Cassie. I'm seven." Tipid na sagot nito. Hindi na siya pinansin ng bata at nagfocus na lang ito sa pagkain niya. Logan chuckled at hindi na rin siya nagsalita. Pinanood niya na lang ang bata habang kumakain. "I am sleepy."
"You can tell me where you live para maihatid kita."
Hindi sumagot ang bata. Bumaba ito sa kinauupuan at naglakad papunta sa kanya. She lifted her arms na tila nagpapabuhat ito sa kanya.
"I don't know where I live." Anito sabay hikab. Ihinilig ni Cassie ang ulo niya sa balikat ni Logan kasabay ng pagpulupot nito ng kamay sa leeg niya.
Logan sighs. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Hindi naman siguro siya attracted sa batang halos kasing edad na ng anak niya. But with this kids tiny arms wrapped around him, he felt at peace.
Binuhat niya ito at dinala sa sasakyan niya. Binuksan niya at passenger seat at saka maingat na inilagay doon ang natutulog na si Cassie.
"Saan kita dadalhin?" Tanong niya sa sarili pagsakay niya sa sasakyan. He cannot bring him to the police station. Masyadong magiging malaking abala pa yon. Hindi naman niya alam kung anong nangyari sa bata at kung bakit ito mag isa doon.
Kinuha niya ang telepono niya at idinial ang number ni Jaime.
"Kakaalis mo pa lang miss mo na kaagad ako?" Pabirong tanong nito sa kanya. But he heard worry in her voice.
"Hello to you too. Hey, I need something–"
"Can I call you later? May problema lang dito sa school. A kid is missing, naiwan daw ng school service–"
"I have her." So that's what happened.
"You what?!"
"Nakita ko siya dito sa tapat ng supermarket. I have her. She fell asleep after eating an ice cream." Nakangiting sabi niya pa. "Anyway, can you send me her details para maihatid ko siya? I asked her. But she doesn't know her address,"
"No, you don't have to-"
"It's okay. Kailangan din naman siguro na may representative ng school na pagpapaliwanag kung anong nangyari. Baka isipin nila wala tayong pakialam sa welfare ng mga estudyante natin. Her name is Cassie."
—-