-18- Flashback

2259 Words
-18- “Alea Montecito, ano ‘yun?!” Kulang na lang ay sampal-sampalin ni Alea ang sarili niya. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. She kissed him– no, he kissed her. At pumayag siya. And she kissed him back. And that’s what made it worst! “Argh!” Kanina pa siya paikot-ikot sa kama. Kung pwede nga lang siyang sumigaw ay kanina niya pa ginawa. Kung hindi lang siya natatakot na baka marinig siya ng daddy niya at matanong kung anong problema. Dumapa siya sa ka at saka niya tinakpan ang ulo niya. “Tanga-tanga mo, Ali! Kakasabi pa lang niya na hindi ka easy to get, tapos isang halik lang bumigay ka na agad!” Humiga siya ng maayos sabay titig sa kisame. Wala sa sariling napahawak din siya sa labi niyang ilang minuto ring tila kendi na nilantakan ni Logan. And she let him. Oh! God, she let him. Hinayaan niya ang lalaki na kainin ang mga labi niya hanggang sa pakiramdam niya ay namamaga na iyon. Kanina pa siya nakabalik sa bahay matapos ang private swimming lessons nilang dalawa ni Logan pero hanggang ngayon ay tila nararamdaman niya pa rin ang mga labi nito. His kisses were soft and gentle. Na tila pinapakiramdaman pa nito kung anong magiging reaksyon niya. Until she gave in. Until his kisses became hungry. Until his mouth found its way to her throat. At saka siya tila binuhusan ng malamig na tubig noong naramdaman niyang sinisipsip nito ang leeg niya. Naalala niyang itinulak niya papalayo si Logan. Napahawak pa siya sa leeg niya at saka dali-daling kinuha sa bag ang compact mirror niya. “A-ano ‘to?!” Hindi makapaniwala na tanong niya habang nakatitig sa namumuong dugo sa may leeg niya. “Chikinini.” He said as a matter of fact. “You’ve never seen one before?” “Alam ko chikinini ‘to, bakit mo ako nilagyan?! Isa pa, akala ko ba virgin ka?” "I said I'm a virgin, not ignorant. Kapag ba virgin hindi na dapat marunong humalik at maglagay ng chikinini? Ang judgemental mo naman bebeloves.” “Tigilan mo nga ako, Logan!” “I can’t. Sorry.” He said sheepishly. Hindi naman talaga siya nagagalit sa ginawa nito kanina. Nagulat, siguro. Isa pa, ang alam ni Alea, hindi ganoon kabilis matanggal ang chikinini. Paano na lang kapag may nakapansin nun sa school? And worst, paano na lang kapag napansin ng daddy niya ‘yon? “ANG TANGA-TANGA MO TALAGA, ALEA!” Uminit ang mukha niya matapos iyong sabihin ni Logan. May point naman ang lalaki, siya ngang walang kaalam-alam sa mga ganoong bagay e, kusa na lang din gumalaw ang mga labi niya para sabayan ito. "Pano ko tatakpan 'to?!" Logan shrugs. "If it's up to me, I will not allow you to cover that." "W-why?" Natatakot siya sa isasagot ng lalaki. Baka sabihin nito na proof 'yon na nakuha na siya nito. "So people will know you're already mine." — "Alea, anak?" Narinig niya ang mahinang pagkatok sa pintuan niya bago nagsalita ang ama. Alea's father respects her privacy na kahit hindi naman nakalock ang pintuan niya ay hinintay nitong si Alea mismo ang magbukas ng pintuan para sa kanya. "Daddy," Mahinahong tugon niya. Pasimpleng inayos ni Alea ang buhok niya para takpan ang namumula at galit na galit niyang chikinini sa leeg. Naka-uniform siya ngayon at hindi nagawang takpan ng school uniform niya ang marka sa leeg niya kaya naman hindi niya na ipinusod ang buhok niya. Ipinapanalangin niya na lang na hindi nito hawiin ang buhok niya gaya ng madalas nitong gawin. "Bakit po?" Tanong niya pa. Nakatayo lang siya sa tapat ng pintuan niya. Ayaw niyang umalis doon at papasukin ang ama. "Wala lang, masama bang bisitahin ang paborito kong anak?" Nakangiting tanong nito. His smiles did not reach his eyes. Ang ama ni Alea ang isa sa pinakamasayahing tao na nakilala niya, until her mom died last year. Pregnancy complications. May sakit kase sa puso ang mommy niya nung nalaman nilang buntis ito. Pinayuhan ng mga doctor ang mga magulang niya na huwag na lang ituloy ang pagbubuntis nito dahil may tendency na ikapahamak lang ng Mommy niya ang pagbubuntis na 'yon. Her mom insisted. Matagal na rin naman kase nilang hinihintay yon. Sinabi nitong hindi ibibigay sa kanila ang baby na 'yon kung hindi para sa kanila. They believed in miracles. Sa huli, pareho silang nawala. She had a heart attack seven months into her pregnancy. They both die. Doon din nagsimulang magbago ang ama niya. Kung noon ay masayahin ito at abala sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila, tila nawalan na rin ito ng ganang mabuhay. Madalas na itong inuumaga sa mga casino hanggang sa unti-unti na ring nawawala ang mga negosyo nila. Kung hindi dahil sa pagkalugi ay dahil naipatalo iyon ng ama sa sugal. "Daddy, ako lang naman ang anak mo. Malamang ako ang favorite mo." She said, trying to lighten up the mood. Pero mali yata ang ginawa niya dahil lalong lumungkot ang mga mata nito. Ngumiti ito at yumuko. "Huwag mo na akong hintayin mamaya, may business meeting kaming pupuntahan ng tito mo." "Business meeting, sure." Pairap niyang sabi. Alam niya na naman kung anong ibig sabihin ng mga business meetings na 'yon. Sugal. "Hindi kami magpupunta sa casino, Leah. Nagbago na ako. May gustong bumili nung maisan natin kaya ime-meet namin." Tinitigan niyang maigi ang ama. Maayos nga ang itsura nito kumpara noong mga nakaraang araw. He doesn't reek of alcohol at mukha ngang bagong plantsa ang damit na suot nito. Hindi niya nga lang alam kung sinong nagplantsa ng damit nito. Wala na rin kase silang kasama sa bahay dahil nagtitipid sila. Ayaw lang ng daddy niya na lumipat siya ng school kaya naman pinupirsige niyang makakuha ng scholarship sa Xavier University para makabawas sa mga alalahanin nito. Senior Highschool na siya next year at plano niyang makakuha ng scholarship hanggang college. 'That’s why you need to pass your P.E!' Kastigo niya sa sarili. Wala na kase siyang balak na magpakitang muli kay Logan pagkatapos ng mga nangyari, ngunit tama ang sinabi nito noon. She needed his help more than he needed her. "Okay, fine. Naniniwala na ako.'' Her dad chuckled at saka siya nito hinila para yakapin. Nagpadala naman si Alea. Ngayon niya lang ulit ito nakita ngumiti. Maybe he's really pulling himself together. "I am changing, for you. You don't deserve a useless father. You deserve someone better." Muntik nang maiyak si Alea sa sinabing iyon ng ama ngunit pinigilan niya. She's not the dramatic type. At mas lalong hindi makakatulong sa ama kung ipapakita niyang malaki talaga ang naging epekto sa kanya ng pagbabago nito. Bago pa man siya makaganti ng yakap ay bahagya na siyang itinulak nito palayo. Her father is not the affectionate one. He's always happy, but not showy. Kaya nga mas malapit siya sa Mommy niya kaysa sa daddy niya. He's rarely home. Before and after that incident. "Lock the doors at night okay? I have my keys. And no boys allowed here." "Yes, daddy." Pabirong irap niya sa ama. "As if may boys ako." "Why not? You should have. Ang ganda-ganda ng anak ko, walang nagkakagusto sa 'yo?" "Daddy naman. No boys allowed daw tapos nagtataka kung bakit walang nagkakagusto sa akin." Napasimangot siya na ikinatawa naman ng ama. "Nagtatanong lang naman ako. What if bigla na lang akong mawala? Gusto ko lang naman na atleast alam kong kahit bigla akong mawala e may mag aalaga sa ‘yo.” May mnapansing lungkot si Alea sa mga mata ng ama ngunit mabilis din naman iyong nawala. Pinilit ulit nitong ngumiti sabay haplos sa balikat niya. Biglang kinabahan si Alea sa sinabing iyon ng ama pero hindi na lang siya nagtanong tungkol doon. Her father is going through a lot, ayaw niya nang makadagdag pa sa mga isipin nito. “Oh siya, baka hinihintay na ako ng tito mo." Tila ngayon lang nito napansin na naka uniporme siya. "Papasok ka na ba? Sumabay ka na sa amin." "Hindi na Daddy, maglalakad na lang ako–" wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa ama lalo na noong binuhat na nito ang bag niya at nagsimulang maglakad papalabas. Hindi siya kumportable sa tiyuhin niyang iyon. Tila siya palaging kakainin nito ng buhay kung makatingin. Naglakad na lang siya kasunod ang ama. Sa labas ng bahay nila ay nakaparada ang itim na sasakyan ng tiyuhin. Tahimik lang siyang sumakay sa backseat habang nag uusap ang ama at tiyuhin niya sa harap. Inilagay na lang ni Alea ang headset sa tainga niya at nagkunwaring tulog habang nasa byahe. Her uncle looks creepy. He is creepy. Tila punong-puno ito ng pagnanasa habang nakatingin sa kanya. She even caught him looking at her neck. 'Nakita niya kaya itong chikinini sa leeg ko?!' Hindi mapigilang tanong niya sa sarili. “Ilang taon na nga si Alea, Kuya?” Narinig niyang tanong ng tiyuhin sa Daddy niya. Nanatili lang siyang nakapikit habang nakikinig sa dalawa. Their travel time looks longer than usual. Hindi niya alam kung sinasadya iyon ng tiyuhin. “Turning sixteen in two months time.” Sagot naman ng daddy niya. “Nagiging kamukha siya ni Andrea, noh?” Her uncle continued. Tila biglang nanikip ang dibdib niya noong marinig ang pangalan ng ina. She knew they have a history, hindi lang alam ni Alea kung ano ‘yon. Her dad paused. Hinihintay niya rin ang magiging sagot ng daddy niya. “She is.” “Hindi ka ba nalulungkot?” Hindi niya na narinig na sumagot ulit ang ama pero ramdam niya ang tingin ng mga ito sa kanya. She’s hyperventilating. Nacoconscious siya na hindi niya maintindihan. — “Ali! Dito!” Sigaw ni Nina sa kanya paglabas niya ng sasakyan. Nakahinga siya ng maluwag matapos mawala sa paningin niya ang tiyuhin at ang ama. Hindi niya alam kung anong pinag uusapan ng mga ito. She just know it’s making her uncomfortable. “Nina, anong meron?” Nakatingin siya sa stage kung saan may host na nagsasalita at ipinapakilala ang mga member ng swimming team ng Xavier University. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito sa sobrang ingay at tilian ng mga babae sa paligid ng stage. But she saw Logan. And when he saw her, kumaway ito sa pwesto niya. “God, he’s so hot.” Napabuntong-hininga pa si Nina sa tabi niya. Hindi niya pinapansin ang kaibigan. Gusto niya na lang umalis sa lugar na ‘yon, or kainin ng lupa para lang hindi siya makita ni Logan. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanila noong nakaraan, hindi niya alam kung paano pa haharapin ang binata. “I–uhh.. Uhh.. Kailangan kong pumunta sa room, may gagawin pa nga pala ako!” Natatarantang sabi niya matapos niyang makita si Logan na bumaba sa stage at ngayon ay naglalakad papunta sa kanya. May estudyanteng naglakad sa harapan nito para iabot ang isang bouquet ng bulaklak. Logan accepted it and he smiled at the girl. ‘Sus, hindi daw babaero. Ano kayang tawag d’yan?’ Naiiritang sabi ni Alea sa sarili. She rolled her eyes at saka niya tinignan ng masama si Logan na ngayon ay nakikipag usap pa rin sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Bakit nga naman niya iisipin na siya ang pupuntahan ng lalaki kaya ito bumaba ng stage? Bakit niya nga naman iisipin na siya ang kinawayan nito kanina when he’s so popular that he can get any girls to fall on their knees? She’s just an ordinary girl compared to Nina. “Aleaa!” Hinampas-hampas pa siya ni Nina sa braso na naging dahilan para mapatingin ulit siya sa kaibigan. She cannot take her eyes off of Logan. “Naglalakad siya palapit sa akin!” Kinikilig pang dagdag nito. Oo nga naman, baka si Nina talaga ang gusto ni Logan. She’s beautiful and sexier than her. Maybe he’s just using her para mapalapit sa kaibigan. May kirot sa dibdib ni Alea sa thought na ‘yon. Pero hindi ba dapat, maging masaya siya at makahinga ng maluwag dahil hindi naman pala siya ang pinagtitripan ng lalaki? So why is she feeling that sudden pain in her chest because of that thought? “I really need to go, Nina. May kailangan pa akong ayusin sa room.” Pasimple niyang tinanggal ang kamay ng kaibigan na nakasukbit sa braso niya. Ayaw niyang makita at mapanood ang mga susunod na mangyayari. Hahakbang pa lang papalayo si Alea, naramdaman niya nang may humawak sa braso niya. Whoever it is, pulled her, making her off balance. Natapilok siya sa sarili niyang mga paa and inaasahan niya nang makikipaghalikan siya sa semento but a strong hands prevented that fall. Whoever it is spinned her and now she’s staring face to face with the man she’s trying to avoid. “Careful. Ano bang sabi ko sa’yo? Kung mahuhulog ka rin lang naman, I’ll guarantee that it’s with me.” Logan said. His face an inch away from her. Nakatitig ito sa mga labi niya hanggang sa mapansin niyang bumaba ang tingin nito sa may leeg nito. He smirk at saka dahan-dahan siya nitong inalalayan para makatayo. “Wha.. what…” Hindi alam ni Alea kung anong sasabihin niya. She can’t find the right words to say. Tila siya naubusan ng hininga na hindi niya maintindihan. All of a sudden, tila nawala ang mga tao sa paligid nila. She ignored everyone’s accusing gaze and gocused her attention to Logan. Who’s hands are still wrapped around her waist. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD