Chapter 4

1990 Words
4 "Alea may nagpapabigay sa 'yo." kunot-noong napatingin si Alea sa kaklase niyang may dala-dalang isang bouquet ng bulaklak sa harapan niya. "Huh? Sino?" Maang na tanong niya. Pangalawang beses na ito na may nagpadala sa kanya ng bulaklak. Wala namang iniwan na note man lang para malaman niya kung sino 'yon. "Hindi ko alam. Basta may nagpapabigay lang. Oh." Anito sabay abot sa kanya nung bouquet. At kagaya noong una, may kasama rin itong isang bar ng chocolate. Iyong brand pa na madalas niyang kainin kapag nagre-review siya. 'Ibig sabihin ba nito, may stalker ako?' Hindi niya napigilang itanong sa sarili. Kung sino man iyon, he is watching her. Alam nito kung ano ang paborito niyang bulaklak. He even knows her favorite chocolate brand. Hindi na siya magtataka kung isang beses ay paboritong pagkain naman niya ang ipadala nito. "Pangalawang beses na 'yan ah." Ani Nina na umalis pa sa pwesto nito kasama ang ibang mga kaibigan nito para lang intrigahin siya. Ganoon naman si Nina, kinakausap lang siya nito tuwing may kailangan sa kanya kaya naman sanay na siya sa ugali nito. "Yup. And I still don't know kung sino siya." Sagot niya sabay tayo para ilagay yung bulaklak sa locker niya. Hindi naman big deal 'yon sa school. Ayaw niya lang na may mga kalat sa table niya na maaaring makaistorbo sa pag aaral niya. Bumalik si Alea sa upuan niya at nandoon pa rin si Nina. She's looking at her as if she's hiding something from her. "What?" "Baka pangit 'yan kaya ayaw magpakilala. Ang arte niya e, bagay naman kayong dalawa." May halong pangungutya na sabi nito sa kanya. Hindi na lang iyon pinansin ni Alea. Sa halip ay kumuha na lang siya ng libro ay nagpatuloy sa pagbabasa. “Hmmm… Oh baka naman imaginary suitor mo lang ‘yan, Alea. Baka ikaw lang din ang nagpapadala sa sarili mo ng mga bulaklak na ‘yan?” “Why would I do that?” "I'm not sure... Para magpapansin? Para mapag usapan? Para kunware may interesado sa 'yo?" Doon medyo na-offend si Alea. Hindi naman siya ganoon ka-desperada sa atensyon para gawin niya 'yon. Hindi naman siya famewhore. Isinarado niya ang librong binabasa niya at saka siya humarap sa kaibigan. "I'm not like you, you know." Seryosong sagot niya. "W-what was that supposed to--" "Okay class, get back to your seats, now." Hindi na natuloy ni Nina ang sasabihin nito noong biglang pumasok sa classroom ang teacher nila. Nina stood up at saka siya bumalik sa kinauupuan niya kanina kasama ang mga kaibigan nito. Inirapan pa niya si Alea na ipinagkibit-balikat na lang ng dalaga. Sanay naman siya sa ugali nito. Ang napapansin niya lang ay simula noong nabangga siya nung lalaki sa tapat ng bulletin board, tila mas naging open at vocal ito sa panlalait sa kanya. "Before we continue, Miss Alea Montecito?" tawag ng professor nila. 'Sir," nag aalangang sagot niya. Anong problema? Napansin ba nito na halos magkapareho ang book report nilang dalawa ni Nina? Na hindi malabong mangyari dahil siya ang gumawa nun pareho at dahil inaantok na rin siya, baka naghalo-halo na ang mga ideas niya? "One of my students insisted that I ask you if you like the flowers and chocolates he gave you." 'Sana pala napansin niya na lang na paho ang report naming dalawa ni Nina!' Not this. Ayaw niya at hindi niya kailangan ang ganitong klase ng atensyon lalo na at hindi niya naman alam kung sino ang nagbibigay. "Sir, curious." Nina raised her hand. "Pangit ba 'yong estudyante n'yo?" Narinig ni Alea ang malakas na sigawan at tawanan ng mga kaklase niya. Hindi naman siya nahihiya, she just feels sorry sa kung sino man ang nagbibigay nung mga bulaklak na 'yon sa kanya. "Why did you ask, Miss Benitez?" Their teacher replied. Hindi nito sinagot ang tanong ni Nina at tila nakahinga ng maluwag si Alea dahil doon. "Well, kase kung gwapo siya, bakit kailangan niyang magpa-mysterious ng husto? Why ask someone to give them to Alea when he can give it to her himself? Pwera na lang siguro talaga kung napaka pangit nun kaya ayaw magpakita." Napalingon si Alea sa kaibigan at nakita niya pang nakipag apir ito sa isa pa nilang kaklase. That is where she really belongs. With their famous and beautiful classmates. Hindi sa kanya na talino lang ang kayang i-ambag. "Hmmm… I don't think his physical appearance had nothing to do with us. Tutal naman hindi tayo ang nililigawan ng estudyante ko. In the end, si Miss Montecito pa rin naman ang magdedesisyon kung attitude or physical appearance ang mas importante sa kanya, hindi ba?" Tumingin sa kanya ang professor nila at naramdaman ni Alea na nakatingin din sa kanya ang buong klase. It's as if they're waiting for her answer. "Uhh… A-ano, I'm not after looks naman sir, as long as mabait naman siya at hindi masama ang ugali, okay lang sa akin." Sagot niya na lang. Why, wala naman talaga sa plano niya ang mga ganyang bagay. She's here to study, to help her Dad sa family business nila. That's why she's taking up Business management course sa pinaka prestigious na school sa Metro. And with her grades, hindi rin siya nahirapang kumuha ng scholarship. "See? Kung walang problema kay Miss Montecito kung anong itsura ng manliligaw niya, then wala rin dapat tayong problema sa kanya." "Sana rin may guts siyang magpakita. Akala namin nung una, ilusyon lang ni Alea na may suitor siya at siya lang din ang nagpapadala ng mga 'yan sa sarili niya." Nagtawanan ang mga kaklase ni Alea at napayuko naman siya. Hindi naman siguro intensyon ni Nina na ipahiya siya, hindi ba? "Let's just be happy for them. For the meantime, get your workbooks–" "Urgh!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase niya. "-don't ugh me, I told you last meeting na magreview kayo sa bahay ng lahat ng tinuro ko dahil may surprised quiz ako ngayon. Move. We already spend fifteen minutes grilling Miss Montecito about her lovelife kaya hindi ko na kayo bibigyan ng pagkakataon na makapag review." "Pero Sir naman.." "Walang pero-pero, my job is to teach you. Your job is to study and go over what you learn. Kung may time kayong maglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha at unahin ang paglalaro ng games sa telepono niyo, sana binibigyan n'yo rin ng oras ang pag aaral sa mga nakasulat sa notes n'yo." Wala na silang nagawa kung hindi ang ilabas ang workbook at magtinginan para sa sagot. But not Alea. She's dedicated to studying hard. Madalas namang wala sa bahay ang Daddy niya at wala naman siyang kaibigan kung kaya mas marami siyang oras para mag review at magbasa ng libro. —- Natapos ang maghapon na naging tuksuhan pa rin si Alea. Hindi na nga siya kumain sa cafeteria at bumili na lang siya ng sandwich sabay punta sa library para magbasa. Naupo siya sa sahig matapos niyang kuhanin sa shelf iyong librong binabasa niya. Sabado naman bukas kaya mas mahaba ang panahon niya para magbasa. "Everytime I see you here, iyan ang hawak mo." Napatingala si Alea sabay adjust ng salamin para maaninag kung sino 'yong nagsasalita. At muntik niya nang makagat ang dila niya upon seeing who he is. "Ummm…" she's speechless. Hindi dahil nagwapuhan siya ng husto sa lalaking nasa harapan niya ngayon kung hindi dahil sa hindi niya maalala kung anong pangalan nito. Ang alam niya lang ay anak ito ng isa sa may ari ng Xavier University. "You don't know my name, don't yah?" He said. He chuckled noong tumango si Alea. Naupo ito sa sahig katabi niya kaya walang nagawa si Alea kung hindi umusog ng bahagya. Hindi siya sanay na may lumalapit sa kanya na ibang lalaki kung hindi rin lang naman sila magpapatulong o magpapaturo sa kanya. Tapos napakagwapo pa ng lalaking ito nakapatong sa hita niya ang isang kamay habang nakapangalumbaba at nakatitig pa rin sa kanya. "C-can you please stop staring at me like that?" Hindi niya napigilang itanong sa lalaki. Naaakwardan siya rito. Wala naman atang kailangan sa kanya 'yon dahil, ano nga naman ang kakailanganin nito sa kanya? "You're cute." "W-what?" Naibulalas niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang marinig mula sa lalaki. Pero ano nga bang inaasahan niyang marinig mula rito? "I said you're cute. Lose the glasses and you look stunning." "I'm practically blind without my glasses. Hindi ko ipagpapalit ang comfort para lang magmukhang quote-unquote stunning." She said. "And feisty too." He laugh. Hindi alam ni Alea pero kakaiba ang dating sa kanya ng tawa nito. Parang may mga nagwawalang gamo-gamo sa loob ng tiyan niya. "I bet you don't remember me too." Dagdag pa ng lalaki. Isinara ni Alea yong librong binabasa niya para harapin ito. "I know your face, but not your name. Required ba na maalala kita?" She asked. Wala namang note sa student handbook na kailangang makilala nila ang mga anak ng may ari ng Xavier University. "Wow. I feel amused and hurt at the same time." Nakangiting sabi nito sa kanya. Mukha naman hindi ito nasaktan sa sinabi niya kung nagagawa pa nitong ngumiti ngayon. "Seriously, what do you want from me? Imposible naman kaseng naaawa ka lang sa akin dahil mag isa akong nakaupo dito sa sulok at nagbabasa?" "You intrigued me." Tipid na sagot nito. 'Intrigued him?' Sa dami naman ng adjectives na pwede nito gamitin tungkol sa kanya, intriguing pa talaga? "Nagpapatawa ka ba?" Alea said. "Ako, intriguing? I'm merely a wallflower." Humalakhak siya ng malakas kung kaya naman sinilip siya ng librarian. Nag peace sign si Alea rito at saka bumaling muli sa lalaki. "Kuya–" "Logan." "Whatever. Pa-check mo yang mga mata mo mukhang may problema." "Mata mo ata ang may problema, Alea. I can see how beautiful you are pero hindi mo nakikita at naa-appreciate ang kagwapuhan ko." Anito sabay kindat. Sino bang may sabi na hindi niya na appreciate ang kagwapuhan nito? Ayaw niya lang talagang magmukhang tanga na kinikilig kay Logan kagaya ng mga kaklase niya–ng mga babae sa Xavier. "Yes, may problema ang mga mata ko. That's why I am wearing my glasses. And yes gwapo ka so what do you want me to do? Sambahin at luhuran ka?" Napasinghap si Alea noong biglang hinawakan at bahagyang pisilin ni Logan ang braso niya. He also looks like he is constipated. Gusto sana niyang itanong kung anong problema nito at kung kailangan niya ng banyo pero tumunog na ang bell hudyat ng susunod niyang klase. She took a deep breath bago siya tumayo para ayusin yung mga libro at itinago sa pinakadulo 'yong binabasa niya. "Why are you hiding that?" Narinig niyang tanong ng lalaki. Umusog siya ngunit tumama ang likod niya sa matigas na dibdib nito. Nandoon na naman tuloy iyong tila mga gamo-gamong nagwawala sa tiyan niya. "I… uhh… ummmm, p-para alam ko kung saan ko siya kukunin ulit." Naiilang na sabi niya. Pasimpleng humakbang si Alea papalayo ngunit sumunod lang ito sa kanya. "That's cheating. Paano kung may ibang gustong magbasa n'yan?" "Nah. Walang ibang may interest sa librong 'to. Ako lang." She replied. "Eh, kung bilhin mo na lang kaya para hindi mo na kailangang itago 'yan?" Suhestyon ulit nito. Napalingon si Alea sa lalaki ngunit humakbang din siya paatras dahil muntik nang maglapat ang mga labi nila sa sobrang lapit ng lalaki sa kanya to the point na hindi na humihinga si Alea. "Mukha namang afford mo 'yan bilhin." Dagdag pa nito. "There are more important things I can spend my money on. Isa pa, hindi naman ito mawawala rito e." Sagot niya pa. "Tumunog na 'yong bell. I need to go back. Terror teacher pa naman si Ma'am Lilian." Hindi niya na hinintay na sumagot ang lalaki. Nagmamadali na siyang naglakad papalayo rito. Nakapatong lamang ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niyang kanina pa sobrang bilis ng t***k. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD