Flashback, St. Celestine/Xavier University
"Alea!" Nagpalinga-linga si Alea ng tingin sa likod, hoping to see kung sino ang tumatawag sa kanya. She cannot clearly see without her glasses na nakalimutan niyang bitbitin sa pagmamadali niyang pumasok kanina that's why she needed to squint just to see the person running towards her.
"Nina!" Nakangiting sabi niya noong naaninag niya ang kaibigan.
"Buti naabutan kita!" Anitong hinihingal pa. Yumuko si Nina, trying to catch her breath.
"Relax, inhale-exhale. Bakit ka naman kase nananakbo e wala namang humahabol sa 'yo? Isa pa, magkikita naman tayong dalawa sa classroom." Sagot ni Alea. Nag umpisa na silang maglakad na dalawa. Sa unang tingin ay hindi mo iisipin na matalik na magkaibigan sina Nina at Alea. Magkaibang-magkaiba kase ang itsura at paraan ng pananamit nilang dalawa. And while Nina is your typical campus crush ng bayan, si Alea naman ang kabaliktaran nito. Habang popular si Nina sa mga kalalakihan sa loob at labas ng Xavier University both high school and college department, kuntento naman na si Alea na palagi lang siyang nasa likuran ng kaibigan. She became Nina's personal alalay.
Wala naman sa kanya iyon, she can also be Nina's slave as long as alam niyang may kaibigan siya. Kahit nga nagmumukha na ngang sinasamantala ni Nina ang kabaitan niya, hindi ganoon ang tingin niya.
"Well, I wanted to be the first one to congratulate you."
"Congratulate me? Para saan?" Naguguluhang tanong niya. Tumigil pa silang dalawa sa paglalakad na naging dahilan para makaabala sila sa ibang naglalakad.
"Sabi ko na nga ba, hindi ka na naman tumingin sa page ng St. Celestine." Nakaingos na sabi nito. Hindi niya lang masabing paano pa siya magkakaroon ng oras para humawak sa phone niya at tumingin sa page ng St. Celestine e, dalawang magkaibang topic ang nireresearch niya para sa book report nilang dalawa. Pakiramdam niya nga e mas mataas pa ang magiging grado ni Nina kaysa sa kanya dahil mas interesting any topic na isinulat niya para sa kaibigan kaysa sa kanya.
"Sorry naman, busy ako sa book report m-- ko. Napuyat nga ako matapos lang 'yon e." Sagot niya. Kinusot ni Alea ang mga mata niya para hindi tignan si Nina. Mas naguilty pa nga siya na sabihin 'yon sa kaibigan kaysa sa ginagawa nitong pang aalila sa kanya.
"Never mind. Anyway," tinanggal nito ang mga kamay niyang nakapatong sa mga mata niya bago inilagay ni Nina ang dalawang kamay nito sa balikat niya para bahagya siyang iharap sa likod. "Tadaaa."
Ilang beses napakurap si Alea habang nakatitig sa bulletin board sa likuran niya. She had to blink more dahil baka namamalikmata lang siya.
"W-woooaaahhh.."
"Woah talaga. Congratulations bestfriend!" Bakas na bakas ang inggit sa boses ni Nina pero hindi niya na 'yon pinansin.
"T-top one ako?" Ilang beses pa siyang napalunok.
"Yup. At hindi lang sa section natin, sa buong fourth year pa!" Anito sabay yugyog sa balikat niya. "Naku! Siguradong pagkakaguluhan ka na ng mga boys niyan," Tila may halong inggit sa boses nito na hindi nagawang pansinin ni Alea. She's too busy staring at the bulletin board with her name on top.
"Kailan naman ako nagkaroon ng interest sa mga lalaki?" Sagot niya pa. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay mag aral ng mabuti para makakuha ng scholarship. Her dad's business is struggling at ayaw naman niyang makadagdag pa sa mga iniisip nito.
"Naku, sabi mo lang 'yan. Kapag palay na ang lumapit sa manok, hindi mo pa ba tutukain?" Hinila niya na si Nina para maglakad na ulit.
"Well, first of all, hindi ako manok. Second, mas masustansya ang feeds kaysa sa palay so kung papipiliin sa dalawa, sa feeds na lang--"
"Miss tabi!" The warning came too late. Pagharap ni Alea ay nasa harapan niya na rin ang isang lalaking humila sa kanya para hindi siya matamaan ng bola. Causing both of them to stumble. She landed on his chest. "Miss, okay ka lang?"
Narinig niyang tanong. No, she's not okay. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya alam kung anong gagawin. Tila siya na-stuck at hindi na makagalaw.
Malabo ang mata ni Alea ngunit sigurado siyang napaka gwapo ng lalaking nasa harapan niya ngayon. And he smells good too.
"Uhh... Miss?" He said. And then he smiled. Iyong tipo ng ngiti na kayang tumunaw ng pantyliner? That kind of smile. “Miss?”
Kumurap ng ilang beses si Alea at saka siya alanganing tumayo. Nina pulled her away from the guy.
“Ayan kase Ali, bakit hindi mo dinala ‘yong salamin mo.” Tila naasar na saway sa kanya ng kaibigan.
‘Ay bakit parang kasalanan ko pa?’ Muntik niya nang itanong. Pinagpagan ni Alea ang unipormeng suot niya. Bahagya siyang itinulak ni Nina para tulungang makatayo yung lalaking nakabangga sa kanya pero hindi niya maintindihan kung bakit ito pa yung napahiga.
‘Maybe he doesn’t want me to get hurt?’ Nah. Sa panahon ngayon, hinsi na uso ang mga gentleman. Sa mga libro na lang sila nabubuhay.
“Oh my God, Logan, okay ka lang?” Pa-sweet na tanong ni Nina. Biglang nagbago ang boses nito na ikinakunot ng noo ni Alea. “Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha, medyo clumsy talaga siya e.” Dagdag niya pa. And Alea was just standing there at hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan. Siya, clumsy? Ni hindi nga siya ang nakabangga sa lalaking ‘yon e. Ito ang nakabangga sa kanya.
“I’m fine. Don’t worry about me.” Narinig niyang sagot nito. Hindi niya na pinansin ang kaibigan na obviously ay nakikipagflirt na sa lalaking ‘yon. Hindi mo kailangang maging scientist para hindi mapansin ‘yon. Sa isip-isip pa ni Alea, bukas-makalawa lamang ay ang lalaki na ang bukambibig ng kaibigan. “Miss, are you okay?”
Narinig niya pang tanong nito. Bakit kaya si Nina ang tinatanong nito samantalang siya ang nasaktan at hindi ang kaibigan?
“Uy, Alea. Tinatanong ka ni Logan kung okay ka lang.” Nina said. Bahagya pa nitong pinisila ang tagiliran niya.
“Huh?! Uhmmm… I’m okay.” balewalang sagot niya, Hindi na niya pinansin pa ang lalaki sabay hila sa kaibigan. “Tara na Nina, may kailangan pa akong ayusin sa report ko.”
“Bakit kase hindi mo tinapos sa bahay n’yo ‘yun, natataranta ka tuloy ngayon.” Paninisi pa nito sa kanya.
“Inuna ko kase ‘yong sa ‘yo.” napipikon na rin na sagot niya. Nina is trying to make her a fool para lang magpapansin sa lalaking nakabunggo sa kanya. “You can stay here if you want to. Mauna na ako sa taas. Dadaan pa ako sa library e.” Alea said. Hindi na siya lumingon kahit ilang beses pa siyang tinawag ng kaibigan. Wala naman sa kanya ganoon ang ugali ni Nina kase sanay naman na siya na pinagmumukha siyang katawa-tawa nito, maging bida lang siya.
But not this one. Pakiramdam ni Alea, ayaw niyang magmukhang katawa-tawa sa harap nung lalaking ‘yon.
—--
“God, she’s really weird.” Narinig niya pang napapalatak ang babaeng kaharap niya matapos umalis ang kaibigan nito. He’s not interested in her. Mas interesado pa siya sa babaeng ‘yon kanina. Na hindi man lang niya nakuha ang pangalan.
And what piqued his interest is that hindi ito kagaya ng ibang babaeng nagkakandarapa sa kanya. Sa kanilang dalawa ng kakambal niya. Actually, sa kanilang lahat. Being the son’s and daughter’s of the people behind Xavier empire amd St. Celestine Academy have its benefits.
Buti na lang, hindi siya babaero. His twin brother Lucas can have that title. Logan only pursues the girls who catch his attention. Isa na nga doon ‘yong babaeng naglalakad papalayo.
“Who is she?” Wala sa sariling tanong niya.
“Who? Alea?”
“Yup.”
“Alea Montecito. My nerd friend.” Sagot ng babae sabay halakhak. Napangiwi si Logan ng wala sa oras. How can she call herself Alea’s friend kung ganoon ito mag isip? Kase kung si Logan ang tatanungin, hindi niya tatawagin ng ganoon ang babae, kahit na hindi pa naman sila magkaibigan. “So, anong oras ang tapos ng klase mo?” She boldly ask. Isa sa mga ayaw ni Logan ay ang mga babaeng lantarang ibinubugaw ang sarili sa kanya. Kagaya nga ng sinabi niya kanina, hindi siya babae and he doesn’t like taking advantage of their weakness.
“Past nine.” Wala sa loob na sagot niya. Nina is beautiful, he can’t deny that fact. But he’s not interested in her kaya naman kahit na anong gawin nitong pagpapa-cute ay hindi niya ito magawang patulan.
“That late? It’s okay, I can wait.” She still said enthusiastically.
"No, It's not okay." Logan replied.Ngumiti pa siya para naman hindi masyadong maoffend 'yong babae. "Anyway, I need to go. You should go too. Highschool ka pa lang 'di ba?" He asked, according to her ID lace na kulay green, Highschool pa lang ito.
"Yup."
"Then you need to hurry, kung si Mrs. Maravilla ang prof mo, alam mo naman na siguro na bawal sa klase niya ang late." Tumingin si Nina sa mamahalin nitong relo and he herad her gasp. "Hala oo nga, naku! Kailangan ko nang umalis! See you soon!" Nagflying kiss pa ito bago tuluyang nanakbo paakyat sa building nila.
"Now, who is she?" Tanong ni Lucas na bigla na lang nag appear sa tabi niya pag alis na pag alis ni Nina.
"Alea." Wala sa sariling sagot ni Logan.
"No, not that one. The girl who just left. Who is she?" Tumingin si Logan sa kakambal.
"I am not interesred in her kaya hindi ko tinanong kung anong pangalan niya." Lucas took a deep breath na tila ba nagpipigil ng galit sa kakambal.
"Dude, hindi mo man lang ako tinulungan?"
"Do you need my help though?" He said. Hindi na kailangan ni Lucas ang tulong niya. Pupusta pa nga siya na hindi matatapos ang linggong 'yon ng hindi man lang siya nakakapag first base kay Nina. Napangisi siya. Of course, alam niya ang pangalan ng babae. Narinig niyang binanggit iyon ni Alea kanina using her soft voice. Pero hindi niya gagawing madali para sa kakambal a ng lahat.