-17-
Flashback
“Pagsabayin mo kase ng galaw ang mga kamay at paa mo! Consistency is the key!” Nakangiting sabi ni Logan habang tinutulungan niyang makalayo si Alea sa paglangoy. Nakikita niya ang dahilan kung bakit inaasar si Alea ng mga kaklase niya noong isang araw and he can’t blame them.
Mukha naman kase talagang palaka si Alea habang lumalangoy.
Nasa clubhouse sila ngayon. May swimming pool sa garden na pinatayo a few years ago kasabay ng pagpaparenovate sa dating apartment ng mga magulang nila para mayroon silang tambayan na malapit sa Xavier University. Kumpleto ang mga amenities doon simula sa kitchen hanggang sa mga bunk beds sa mga kwarto. May gym din at mini art studio sa basement kung saan itinatago ni Rylie Araullo ang mga paintings nito noon. Mga paintings na nagpapakita kung gaano nito kamahal si Amaia ngunit mas nananaig ang kayabangan nito at mas piniling pakawalan ang dalaga dahil sa galit siya rito.
“Oh, I’m sorry. Wala akong hand and body coordination! Tse!” Nakaingos sa sabi nito sabay saboy ng tubig sa kanya. Natawa na lang ng malakas si Logan. That, or he’ll pull Alea to him and give her a hug. And something else.
Na hindi naman niya gagawin dahil baka lalo lang ma-badtrip sa kanya ang dalaga.
Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. He already saw her naked noong pinasok niya ang dalaga sa shower room sa may pool area pero walang nagsabi sa kanya na mas tatayo ang bandera ng Pilipinas kapag nakita niyang naka swimsuit ang dalaga.
Na hindi pa nga ganoon ka-revealing dahil naka shorts naman ito pero gustong-gusto niya nang hilahin si Alea papunta sa gilid. He wanted to do dirty things to her.
That’s how much he wanted her. Naaattract siya sa mga bagay na ginagawa nito. Her pouts and tantrums looks so adorable for him.
“Madali lang naman kase ‘yan. Lea. Just don’t panic.”
“Easy for you to say. Hindi naman ikaw iyong nagmumukhang palaka habang lumalangoy!”
Napangisi si Logan at saka nagswimming papalayo kay Alea. He showed her his skills at talaga namang effortless lang para rito ang mag backstroke papalayo sabay freestyle pabalik sa dalaga.
“Show off.” Nakasimangot na sabi ni Alea. "Yayabangan mo lang ba ako kaya mo sinabing tuturuan mo akong lumangoy?"
"Of course not! Tuturuan talaga kita. Isa pa, hindi kita niyayabangan. I was just showing you how to do it properly.” Binigyan niya ng matamis na ngiti si Alea pero sinimangutan lang siya nito.
“It’s the same, you’re just showing off.”
“Paano ka matututo kung hindi ko ipapakita sa’yo kung anong dapat mong gawin? At paano mo ko pag aaralang mahalin kung hindi ko ‘to gagawin?” Lalong kumunot ang noo nin Alea sa sinabi niyang ‘yon.
“Why me?”
“Why you what?”
“Sa dinami-dami ng babae sa Xavier University bakit ako pa ang napili mong pagtripan?”
“Paano mo naman nasabing pinagtitripan kita?” Siya naman ang kumunot ang noo.
“I know you. Bababero ka. I mean, babaero ang kakambal mo so babaero ka rin.”
“Grabe naman ang pagiging judgemental ng baby girl na yan. Porke babaero si Lucas, ganoon din ako? FYI, kung papayag kang maging tayo, ikaw ang magiging first girlfriend ko.”
“Mukha mo–”
“Gwapo.”
“Impossibleng magkaiba kayo ng ugali ni Lucas.”
Napakamot na lang ng ulo si Logan. Hindi niya alam kung paano pa ipapaliwanag sa dalaga ang sitwasyon.
“That’s his way of coping with the fact na kahit kailan hindi mapupunta sa kanya ‘yong taong gusto niya. He’s inlove with an elementary student. Samantalang ako, halos kaedad ko lang naman din ‘yong gusto ko.”
“Excuse me, seven years kaya ang tanda mo sa ‘kin!--” Natigilan si Alea sa pagsasalita. Inilagay niya pa ang kamay niya sa ibabaw ng bibig niya habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“You’re right. Seven years is not a big deal. And you’re not that young either. And I can wait for you. So hindi ko kailangang maghanap ng ibang babae para magpalipas ng oras habang hinihintay kita. I can take you anywhere I want… with your permission, of course.” Napakagat-labi si Alea sa sinabi niyang yon. Logan reached out to pull her lower lip away from her teeth. “Don’t nibble your lips like that. I should be the only one devouring your mouth… soon. When you take my virginity too.”
“Si-siraulo ka! Layuan mo nga ako!”
Bumunghalit ng tawa si Logan kasabay ng pagkataranta ni Alea na makalayo sa kanya.
“Why are you so scared of me? I don’t bite.” Nakangiti si Logan habang lumalangoy papalapit sa dalaga. “Seriously speaking though. I like you. You’re the first girl who caught my attention and I’m glad its you and not anybody else. Kung ibang babae ang nagustuhan ko, baka hindi na ako nahihirapan ng ganito.”
“So, you’re just seeing me as a challenge, ganern?”
“No. Well, yes, maybe. I like you and you’re not that easy to get. Ni hindi ka man lang nga kinikilig kahit nakita mo na akong nakahubad e.”
“Dapat ba himatayin ako?” Exaggerated nitong sagot. Akma pang hihimatayin si Alea kung hindi lang siya maagap na nasalo ni Logan.
“Kakasabi ko pa lang na hindi ka easy to get, tapos gumaganyan ka na. Is this your way of getting my attention?” Logan smiles playfully. Bigla tuloy siyang lumayo sa lalaki.
“Uy. Ang kapal ha, excuse me. Hindi ko kailangang magpapansin sa’yo.”
“I am just teasing you.” Natatawang sabi ni Logan. “At hindi mo na kailangang magpapansin.You already caught my attention the moment I laid my eyes on you.” Seryosong sabi nito sa kanya.
“Hindi ka talaga nagbibiro?”
“Nope.”
“Hindi na magbabago ang isip mo?”
“Never.”
“Hindi mo ‘ko pinaglalaruan?”
“The only thing I wanted to play with is your peepee. At kahit ‘yon, baka matagal pang mangyari.”
“Gago ka talaga!” Nakasimangot si Alea at akma nitong hahampasin si Logan sa balikat pero nahawakan niya ang kamay nito at napigilan siya ng binata.
“You’re cute when you’re mad but I dont want you to stay mad at me. Gusto ko kung may mararamdaman ka para sa akin, pagmamahal na ‘yon.”
“Ewan ko nga sa’yo. Ang kulit mo.” Nakasimangot na sabi niya. Maya-maya ay napansin ni Logan ang pagngiti nito.
“Uy, nakita ko ‘yon!” Excited na sabi niya. She’s slowly getting comfortable with him.
“What?”
“You smiled!” Lumawak ang ngiti ni Logan noong biglang kumunot ang noo ng dalaga. “Hey’ walang bawian ng ngiti!”
“Ngumingiti naman talaga ako, anong akala mo ba sa akin, robot na walang pakiramdam?”
“You’re not. But you know how to act like one.” Pang aasar niya pa rin sa dalaga. “Do that again,”
“Do what again?” Kunot-noong tanong nito.
“Smile for me. I like to see you smile.” Bakit nga ba ang lakas-lakas ng dating ni Alea sa kanya? Never niya pang naramdaman ang ganitong klaseng affection para sa ibang tao lalo na sa opposite s*x.
Is he inlove with her? Hindi niya sigurado. Ang alam niya lang ang gusto niyang palaging makita ang mga ngiting iyon ni Alea. He wanted to be the only person she’ll give her smile to.
“May bayad.” Nagulat si Logan sa sagot na yon ng dalaga. He’s expecting her to be cold but she’s not. Tila nakikipagbiruan pa nga ito sa kanya ngayon.
“Hindi pa ba sapat na bayad ang pagmamahal ko?” He winks and smiles at her. Hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin– or maybe that’s what he really wanted to say.
Hinihintay niya ngang singhalan at barahin siya ni Alea. Na hindi naman din nangyari.
“Hindi naman nakakabusog ‘yang pagmamahal mo. Tse.”
“Hindi nga nakakabusog, nakakabuntis naman.”
Nagkatitigan lang silang dalawa ni Alea ng matagal. Ineexpect talaga niya na magkaroon ng violent reaction si Alea sa mga salitang binitiwan niya pero hindi naman iyon nangyari.
“Masyado ka nang nagiging kompotable sa akin, Mr. Arraullo.”
“At hindi mo na rin ako inaaway, Miss Montecito.” Nakangising sagot niya. “Gusto mo na bang maging baby ko?”
“Baliw!” Natatawang sabi nito sa kanya. Tumatawa na rin ang dalaga.
“But isn’t that the goal? To make you comfortable with me? Kase paano nalang kapag naging tayo tapos hindi ka naman pala kumportable sa akin? Paano na lang tayo gagawa ng baby? I want you to trust me. To know that I really like you.” She’s just staring at him. And he stares back. Hangang sa unti-unti ay tila lumalapit sa kanya ang dalaga. Logan took that chance. Hinaplos niya ang pisngi ni Alea. “You are so beautiful.”
Hindi pa rin ito nagrereklamo kaya naman Logan push his luck. Unti-unti niyang tinawid ang pagitan ng mga labi nilang dalawa. He kisses her. Tinititigan niya ang dalaga na ngayon ay nakapikit na. He wanted to smile and he wanted to move. She’s not pushing him and that is a good thing. He wanted her to know how good of a kisser he is. Pero ayaw niya rin namang biglain ang dalaga but he needs more. More of Alea. She looks like she’s savoring the moment.
Logan cupped her cheeks and he started using his tounge to tease her mouth. She gasped, he found an opening. Bahagya niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ng dalaga. Alea opened her eyes pero hindi pa rin siya nito itinulak. Logan wrapped her legs around his waist and Alea wrapped her arms around his shoulder. Their mouth still entwined, dahan-dahang umahon si Logan sa pool kasama si Alea. Inihiga niya si Alea sa may lounge chair. Tinigilan niya na ang paghalik dito pero hindi niya inalis ang tingin niya sa dalaga. She opened her eyes, intently looking at him. Alea nibbled her lower lip again kaya naman yumuko ulit si Logan para angkinin ang mga labi ng dalaga.
“I told you, ako lang dapat ang kakain sa mga labi mo. Not even you can do that.”
—-