-16-

1710 Words
-16- "I don’t want to go to the mall. It's so boring." Malayo pa ay rinig na rinig na ni Alea ang boses ng anak niyang si Cassie sa sala. Lumabas siya saglit para mag-grocery kaya hindi niya alam kung gaano na katagal si Dylan sa bahay. Galit pa rin siya sa kaibigan. But they're friends. And she can’t break up with him. Masyado na itong maraming alam tungkol sa kanya at marami na rin siyang alam tungkol dito. "At kailan pa naging boring ang pagpunta sa mall, ha, Casimira?" Napangisi na lang si Alea habang nakikinig sa kanilang dalawa. Cassandra kase 'yon. Hindi niya lang alam kung saan nakuha ni Dylan ang Casimira at kung bakit tila tuwang-tuwa ito sa pangalang 'yon. Not that Cassie cared. Akala nito, pet name sa kanya ni Dylan 'yon. "Since the other day." She can hear the pout in her daughter’s voice. "Kids are annoying, just like in my school." "Babe, nakalimutan mo na ba? You're a kid too." Narinig niyang sagot ni Dylan. Alam ni Alea na nagpipigil lang din ito ng tawa dahil mas lalong maiirita si Cassie kapag nakikita nitong hindi siya siniseryoso. "But daddy, I am different. I'm on another level." Sagot pa nito. Ang unfair lang. Kapag siya ang tumatawag na daddy kay Dylan, sinasamaan siya nito ng tingin. Samantalang si Cassie, okay lang. "I know. You're more advanced, more behaved and you don't act like the toddlers I know. But still, you're a kid. You're supposed to enjoy being a kid. And kids like going to the mall–" “May kilala kang ibang toddler? Someone my age?” Lalong lumapad ang ngisi ni Alea matapos sabihin ni Cassie ‘yon. Selosa nga pala ang anak niya pagdating kay Dylan. Noon nga lang na nagising itong nasa bahay si Xiera, muntik na siyang magwala dahil akala nito may inuwing babae si Dylan. “No… It’s not like that… What I’m saying is, you’re still a kid and you should act like I kid.” “But I don’t want to!” "Huwag mo na kaseng pilitin kung ayaw." Sagot niyang hindi na nakatiis. Alea walk towards them at saka niya inilapag sa counter yung paper bag na dala niya. Naipasok na ng mga kasama niya sa bahay ang mga groceries sa likod kaya siguro hindi alam nina Dylan na dumating na siya. "Here, babe. You asked for japanese curry, right?" Naglakad siya papunta sa may kitchen at saka siya kumuha ng tatlong plato. Out of a habbit. She handed the plate to Cassie and place the other one in front of Dylan at saka niya binuksan 'yong wrapper ng pagkain na dala niya. "Thank you Mommy!" Bumaba si Cassie sa high chair nito para kumuha ng kutsara at tinidor. Naiwan silang dalawa ni Dylan sa lamesa. Tahimik lang silang dalawa habang nakatitig sa isa’t-isa. There’s no tension. No spark, no nothing. Wala naman talagang nararamdaman si Alea kay Dylan maliban sa gratitute and respect and friendship. At saka occasional na libog at alam niyang ganoon rin ang nararamdaman nito sa kanya. Pero sa kabila nun, handa itong pakasalan siya para lang bigyan ang anak niya ng masaya at buong pamilya. Isang bagay na pareho nilang hindi natikman and they’re both craving for it. Ayaw rin nilang iparanas kay Cassie ‘yon. “Why are you here? I thought I said and made it clear na bawal kang pumunta rito?” Si Alea na ang unang nagsalita. Dylan can keep his mouth shut for a longer period than her. “Ang alam ko lang, ayaw mo akong makita. Huwag mong isama sa galit mo si Cassie. She’ll ask for me and you know that. We both know that. Ano na lang ang idadahilan mo sa kanya kapag hinanap niya ako sa ‘yo?” Nakangising tanong nito sa kanya. Napamura na lang ng mahina si Alea. Alam niya kung anong ginagawa ni Dylan. He’s using her daughter to his advantage. “Although hindi ko talaga alam kung anong ikinagagalit mo.” “Why did you bring Logan Araullo sa club?” Matagal niya nang gustong itanong kay Dylan ‘yon. Bakiit niya dinala ang lalaking ‘yon doon? Alea knew he’s planning something. Natatakot siya sa kung ano mang pinaplano nito na involve siya but she still wanted to confirm it. Tinitigan lang siya ni Dylan ng matagal habang binabasa nito kung ano ang nasa utak niya. She kept a straight face para hindi mabasa ni Dylan kung ano man ang hinahanap nito sa mukha niya. “Correction, hindi ko siya dinala doon. He was there when I came. He’s asking for you. He looks so invested in you and I thought I could use it as leverage. Some sort of distraction.” Saglit siyang natahimik sa kinauupuan niya. Tinitigan niya lang si Dylan while she’s chewing on her bottom lip. “Totoo?” Pagkukumpirma niya kahit naman alam niya na ang totoo. Dylan is a lot of things but not a liar. Mas kaya pa ngang magsinungaling ni Logan kaysa rito. “When did I even lie? Hindi ko nga itinatago sa ‘yo kung ilan na ‘yoong napapatay ko, hindi ba?” She does. And that’s what she hate the most. Yung tipong kapag tinatanong niya si Dylan kung nasaan ‘yong bago nitong tauhan, sasabihin nitong six feet below the ground at saka nito ituturo sa kanya kung saan nila iyon inilibing. “Okay, fine! Naniniwala na ako sa’yo. But why did you allow him backstage?” “Like I said, he likes you. It's one less asshole to worry about if you keep him distracted.” ‘I knew it!’ Tuluyan nang natahimik si Alea sa sinabing ‘yon ni Dylan. So hindi pa nito alam ang nakaraan nilang dalawa. And she doubt na hahayaan nitong magkalapit silang dalawa ni Logan kung alamnito ang totoo. “Now, answer my question. Why are you so mad na dinala ko siya doon?” Yep. Wala pa ngang alam si Dylan tungkol sa kanilang dalawa ni Logan at wala siyang planong ipaalam iyon sa lalaki. Wala naman siyang pakialam kay Logan pero ayaw rin naman niya na bigla na lang itong maglaho at mailibing sa garden ni Dylan. “He’s invading my privacy.” Kibit-balikat niyang sagot, She tried to be nonchalant about it. “That’s not the right answer. But okay, I won’t push you.” Muntik niya nang irapan si Dylan kung hindi lang siya natatakot na baka lalo itong magduda at kulitin siya. Wala namang problema kung kukulitin lang siya ni Dylan. But what if gumamit ito ng ibang paraan para malaman ang mga gusto niyang malaman? What if he discovers things she doesn’t want him to know? “He… he studied in Xavier University.” Mahinang sagot niya. “They all do. So anong problema?” Tanong pa nito ulit. “Isa pa, hindi naman kayo magkaedad. You’re two years younger than him and he didn’t finish college sa Xavier so impossibleng magkakilala kayo.” ‘Oh, but we’re more than that.’ Sa isip-isip ni Alea. ‘We passed the point of being just magkakilala.’ Nag aalala si Alea at ayaw niya nang pahabain pa ang isyu tungkol kay Logan. Dylan is clearly running a background check on him, on everyone kaya naman mas mabuti na rin siguro na i-drop niya na yung issue na yon. “Wala. Nagulat lang ako na makita siya. It’s not everyday that you see one of the Xavier boys sa club.” Nagkibit-balikat na lang siya sabay tayo. “Where’s Cassie? Akala ko kukuha lang siya ng utensil, ‘bat hindi na yon bumalik?” Napatayo rin si Dylan sa kinauupuan niya noong mapansin na hindi na nga bumalik si Cassie sa lamesa. “Cassie?” He followed her papunta sa kusina. “Casimira?” Tawag rin nito sa anak. “Ate si Cassie?” Tanong niya sa nakasalubong niyang kasama sa bahay. “Ah, nasa labas, Ma’am. Kalaro ni Lito.” sagot nito sa kanya. Nakahinga ng maluwag si Alea. Bukod sa hindi naman pala nawawala si Cassie, nakatakas pa siya sa topic nilang dalawa ni Dylan kanina. Lumabas sila sa may garden at nakita niyang nakaupo si Cassie sa swing katabi ang anak ng kasama nila sa bahay. “Buti ka nga may Papa, ako wala e.” Natigilan siya noong marinig na nagsalita si Cassie. Napatingin siya kay Dylan na nakatingin lang din sa kanya. “Hindi rin naman palaging umuuwi si Papa e, parang wala rin akong daddy.” Nagtatrabaho kay Dylan ang papa nito pero hindi alam ng asawa at anak nito kung anong trabaho ng tatay niya. “That’s not the same kaya. At least ikaw kilala mo kung sino ang papa mo. You can show him in class kapag family day. Eh ako? I don’t have anyone with me. Wala akong dadalhing Papa kapag may show and tell sa school. Wala rin akong kasama kapag family day…” Bakas na bakas ang lungkot sa boses ni Cassie at pinasikip nun ng husto ang dibdib ni Alea. She wanted to cry. For her daughter. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya umabot sa ganoon kung hindi siya napatatag ng panahon. Sino nga ba naman ina ang gugustuhing lumaki ang anak niyang walang kinikilalang ama? Baka nga kapag sinabi niya kay Logan na anak nito si Cassie, pagtawanan lang siya nito. Worst, baka isipin pa nitong nagsisisnungaling na naman siya at ipinapaako lang kay Logan ang anak niya. Ayaw niyang maranasan ni Cassie ang naranasan niya noon ng itakwil at pandirihan siya ni Logan. “Alea?” Naramdaman niya ang kamay ni Dylan na nakapatong sa balikat niya at saka siya nito hinila papalapit sa kanya. “Help me. Help me with my revenge. And I promise, kahit ayaw mong magpakasal sa akin because you thought naaawa lang ako sa inyong dalawa ni Cassie, gagawin ko. Huwag lang magaya sa atin si Cassie. You’re the only family I have left. Kaya niyang gawin lahat ng hilingin ni Dylan, but not this one. At sigurado siyang kapag nalaman nitong si Logan ang ama ni Cassie, baka hindi na ito pumayag na makalapit man lang sa kanilang mag ina. —-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD