-21-

1646 Words
21 "f**k!" Ilang beses pang napamura si Logan habang nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa batang mahimbing na natutulog sa likuran ng sasakyan niya at sa I.D picture na sinend sa kanya ni Jaime sa cellphone. CASSANDRA MAYE MONTECITO Is it possible? No. Impossible. Maraming may ganoong apelyido sa Metro. Baka nagkataon lang. Although he cannot deny the fact na tila mas nag alala si Jaime nang malamang si Cassie ang kasama niya ngayon. Binalewala niya na lang iyon at tahimik na nagdrive papunta sa nakasulat na address sa ID nito. Malayo pa lamang ang kitang-kita niya na ang school bus ng Xavier University sa tapat ng bahay na pupuntahan niya. He saw the driver bowing his head na tila humihingi ito ng paumanhin sa nangyari. Nagpark siya sa gilid ng kalsada bago niya sinibukang gisingin si Cassie pero tila napakasarap ng tulog nito kaya naman hinayaan na lang niya. Lumabas si Logan sa sasakyan at umikot siya sa kabilang side para buhatin na lang ang bata. She cling onto him so tight na tila wala na itong balak bitiwan siya. He started walking papunta sa tapat ng bahay at tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil hindi niya nakita doon si Alea. Hindi niya ipagkakailang inaasahan niyang makikita niya doon ang dalaga. "Cassie!" Sigaw nung isang babae matapos mapansin na naglalakad sila papalapit. Agad nitong binitiwan ang bag ni Cassie na hawak nito kanina. Sumunod ring lumapit sa kanila ang ilang mga bodyguards na may dala pang baril. OA. Napaka OA. Pero siguro nga, kung sa anak niya man mangyari iyon ay baka kung ano na rin ang nagawa niya. "Sir Logan," the bus driver acknowledged him. "Anong nangyari, Kuya?" He asked pagkatapos kunin ng isang babae sa kamay niya si Cassie and he already felt empty. Dali-daling pumasok sa loob ng bahay ang mga ito kasama si Cassie. The kid woke up and wave to him and he waved back. "Na-nasiraan po kase kami kanina tapos nagyaya yung isang estudyante na bibili sila ng ice cream sa tapat na convenient store kaya hinayaan ko nalang sila habang inaayos ko yung sasakyan. Tapos hindi ko na ho napansin na naiwan si Cassie. Nalaman ko na lang nung hinatid ko siya dito at bag lang niya ang nasa loob at wala siya." Nakayukong sabi nito. He is old. Too old to be working actually. Humarap si Logan sa babaeng tila tumatayong mayor doma sa bahay na 'yon at siya na ang humingi ng paumanhin rito. "I am so sorry this happened. Pwede ko bang makausap ang mga magulang ni Cassie para personal na humingi ng paumanhin sa kanila? I know this caused too much stress for them." "Ay, nasa out of town sila Ma'am at Sir kaya hindi mo rin sila makakausap. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanila kung anong nangyari. Mabuti na lang talaga walang masamang nangyari kay Cassie." Sagot nito sa kanya. Tumango na lang si Logan. Hindi niya alam kung nanghihinayang ba siya na hindi niya nakita at nakilala ang mga magulang ni Cassie or kung nakahinga ba siya ng maluwag dahil hindi niya pa alam kung ano ang totoo. And she said sir. Impossibleng may asawa na si Alea kung siya man ang magulang ni Cassie. "If you need anything else, or kung gusto akong makausap ng mga magulang niya para ipaliwanag ang mga nangyari, just tell them to call the school." "Oh, do you work there?" "No. But I will be." —- "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" His daddy Stephen ssked him for the third time. "Ang dami-daming kompanya na pwede mong i-manage but you decided to work as a school service driver?" "Mahal?" Pukaw ng mommy niya sa atensyon ng daddy niya. Ngiting-ngiti itong humarap sa asawa. "Yes mahal ko?" He said sweetly. "Leave your son alone. Let him do whatever he wants to do with his life." Nakangiti rin ito pero bakas na bakas sa tono ng babae ang pagbabanta. "He's old enough to know what he's doing. Isa pa, akala ko ba ang sabi mo nung nakaraan e they should do something they like ng hindi na iniisip kung ikatutuwa mo ba yon o hindi?" "Oo naman. Kaya lang mahal–" "Mahal?" "Yes, mahal?" "Isang salita pa, makikipaghiwalay na talaga ako sa'yo. Sakin yang mga bata." "Ay wow huh, kung kailan tumanda tayo ng ganito at saka ka pa makikipaghiwalay sa akin?" Nagpapalipat-lipat ang tingin ni Logan sa mga magulang na tila nakalimutan nang nandoon siya. "Seryoso ako, Stephen." Pagbabanta ni Elena. "Seryoso din naman ako. Kung makikipaghiwalay ka sakin at sinasabi mong sayo ang mga bata, okay fine. Do it. Basta sa akin 'yong nanay." Sagot nito sabay kindat na naging dahilan ng pamumula ng Mommy niya. "I'm out of here." Sagot ni Logan matapos niyang mapansin na naglalakad na papalapit ang ama sa mommy niya. Alam niya na kung anong susunod na mangyayari. Major public display of affection na naman ang gagawin ng mga ito na walang pakialam kahit makikita na sila ng mga kasama nila sa bahay. Ewan ba ni Logan, tila nasanay na ang mga ito sa ganoong sistema. He once saw Lucas roaming the corridors wearing his briefs, only his brief at parang wala lang, hindi naman naeeskandalo ang mga kasama nila sa bahay na tuloy-tuloy lang din sa pagtatrabaho. Almost thirty years and they can't still get enough of each other. Pero okay na rin 'yon. Kaysa naman magising na lang sila isang araw na may bigla na lang susulpot at magpapakilalang naanakan ng Daddy niya. Yung tipong fifteen years nanahimik at lumabas para lang sabihing they exist. Char! "Logan," tawag sa kanya ng ina. She sounds breathless. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ito hinarap. Who knows what state of undress they're at? "Do whatever you wanted to do, I will support you." ***** "Ano nga uling nangyari?" Tila nabibinging tanong ni Alea. Pangatlong beses nang ipinaliwanag ni Manang kung anong nangyari kay Cassie noong isang araw pero hindi niya pa rin maintindihan ang sinasabi nito. "Naiwan nga si Cassie ng school bus. Mabuti na lang may nakakita sa kanya at hinatid siya rito." "It was my fault Mommy. Sabi ko sa mga busmates ko hindi ako aalis doon hangga't hindi nila ako linilibre ng ice cream." Singit ni Cassie na abala sa Ipad nito. "Anak naman, I told you not to talk to strangers! Isa pa, alam mong bawal ka mag ice cream dahil kagagaling mo lang sa sakit." Napahawak na lang si Alea sa ulo niya. "My god, you're giving me a migraine. Manang-mana ka talaga sa tatay m-" Nanlalaki ang mga matang napatingin ulit siya kay Cassie. Mabuti na lang at hindi nito narinig ang mga sinabi niya. But Manang heard her, and she's now looking at her with curiosity. Alam naman nitong hindi si Dylan ang daddy ni Cassie pero alam rin ni Alea na curious ang mga ito kung sino 'yon. Bakit ba naman kase ngayon niya pa naalala si Logan? "Anong sabi nung naghatid kay Cassie dito?" Pabuntong-hiningang baling niya ulit sa matanda. Sinusubukan niyang iwasan ang mga tingin nito kaya naman dinampot niya na lang ang phone niya. "Did he left his phone number or even his name para malaman ko kung saan siya kokontakin?" "Tinatawagan ko kase kayong dalawa ni Dylan e, pareho namang naka off yung phone n'yo." Eh sorry naman, busy silang dalawa ni Dylan. Dumating kase yung shipment ng mga imported na sasakyan noong araw na yon at hindi niya naman pwedeng iwanan si Dylan para iclose ang deal na 'yon. Masyadong mainit ang mga ulo nila at mga walang tiwala sa isa't-isa. She's their broker. It's dangerous, pero kaya niya namang protektahan ang sarili niya. Hindi siya pwedeng tumagal ng ganoon kay Dylan without knowing a thing or two about self-defense. "Sorry na po. Trabaho e." Kibit-balikat niya na lang na sabi. Base sa sinabi ni Manang sa kanya, tulog si Cassie nung inihatid ito ng estranghero sa bahay nila. She should run a background check on him. Baka kung anong ginawa nito sa anak niya habang tulog. "Hindi ko nakuha yung pangalan niya pero ang sabi niya, kung gusto mo raw siyang makausap at kung gusto mong magpaliwanag siya kung anong nangyari kay Cassie, tawagan mo na lang daw ang school." "Nagtatrabaho siya sa Xavier?" Oh thank god. Maswerte pa rin si Cassie at hindi kidnapper ang nakadampot sa kanya. "Magtatrabaho pa lang ata. Tumawag rin yung admin ng school kahapon. Ininform nila yung ibang mga magulang na magkakaroon ng bagong driver sila Cassie." "He's cute, I like him." Singit pa ni Cassie. Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Alea. Bakit ba naman kase sa dinami-rami ng eskwelahan sa Metro, sa Xavier University pa pinilit ni Dylan na makapag aral ang anak niya. She doesn't hate that school, or the people managing it. But they are connected to Logan. Wala siyang problema noon. Si Jaime lang naman kase ang nagtatrabaho sa Xavier at alam niya namang hindi magtatagpo ang landas nilang dalawa unless makipag away ay anak niya at mapunta ito sa guidance office. And now that Logan is back, lumiit ng todo ang mundong ginagalawan nilang mag ina. She can face him. What she cannot do is face him with Cassie. Siya nga inabandona at pinandirihan nito at inakalang pinagtataksilan niya, ano na lang ang sasabihin nito sa anak niya? "In fairness, ang gwapo nung naghatid kay Cassie." Bulong sa kanya ng matanda na tila kinikilig sabay untog ng bewang nito sa bewang niya. "Manang! Isumbong kaya kita sa asawa mo?!" Natawa na lang din Alea dito. Binalingan niya si Cassie. "Next time Cassandra. Don't talk to strangers, okay? Baka sa susunod gawin ka nang palaman sa siopao nyan." Ibinaba ni Cassie ang ipad nito at tinignan ang ina. "Mom, he's not a stranger. He's my future husband." –

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD