Pakiramdam ni Farrah, mula pa sa conference room hanggang sa makalabas sila ay hindi na s'ya humihinga. Simula nang magsalita si Ervin tungkol sa pinag-uusapang project ay hindi n'ya na naramdaman na huminga ang sarili. Kaya napasandal s'ya sa pintuan ng opisina ng binata nang makabalik na sila. Napapikit ang dalaga na tila nabunutan nang napakalaking tinik sa dibdib. "What's wrong?" Takang tanong ng binata sa dalaga kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. "What's wrong, my ass." Tumaas ang kilay ng binata nang iyon ang naging sagot n'ya. Inirapan n'ya ang binata at narinig n'ya pa ang mahinang pagtawa nito. "Are you digging my own grave?" Mas lalong lumalim ang gitla sa pagitan ng mga kilay nito dahil sa pagsalubong nito sa sinabi n'ya. "What do you mean?" Inabot nito ang kamay n'