Prologue
Habang bitbit ang isang report card na naglalaman ng magandang balita, malawak ang ngiti ng isang 13 years old na si Farrah at tumatakbo papunta sa study room ng kaniyang mga magulang. Malaki ang bahay nila na ang ilan ay tinatawag itong mansion. Habang tumatakbo ay naghahalo ang emosyon sa dibdib ng dalagita dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin ng kaniyang mga magulang. Palagi s'yang top 1 sa klase nila kaya palagi s'yang excited sa kabila ng kaba na nararamdaman sa tuwing inaabot n'ya sa mga magulang ang report card n'ya na hindi n'ya alam kung minsan ba ay tiningnan ng mga ito ang laman noon.
"Farrah will be soon an engineer, she needs to learn everything about the business and being a Bressett, she should be on top of everything."
Napatigil si Farrah sa akmang pagbukas ng pinto ng study room ng mga magulang n'ya nang marinig ang boses ng kaniyang ina at lalo na ng kaniyang pangalan. Pasimple s'yang nakikinig sa usapan ng kaniyang mga magulang habang pinag-uusapan ang magiging kinabukasan n'ya.
"Farrah wants to be like us, she wants to be an engineer when she grown up but hadn't had the chance to be one and that is why she should be an engineer soon."
Kumunot ang noo ng dalagita habang pinapakinggan ang lahat ng pinag-uusapan ng kaniyang mga magulang. Hindi n'ya maintindihan kung ano ang mga bagay-bagay na naririnig. They seems to be talking about two Farrahs and kind off bothered her that even made her more confused about things. Mas idinikit n'ya ang tainga sa naka-awang na pinto at halos maguho ang mundo n'ya nang marinig n'ya ang dagdag na saad ng kaniyang ina.
"She became Farrah Bressett to replace our daughter. She should be the Farrah Bresset. My poor daughter, she was 3 and was dreaming to be an engineer for she wants to be like us, Victor. And this why I want you to make Farrah our Farrah, she was destined to be an engineer for she was my daughter's proxy in this lifetime, in this family."
Napa-atras at napatakip sa bibig ang dalagita upang pigilan ang paghikbi dahil sa narinig na iyon mula mismo sa ina at lalo na nang sang-ayunan iyon ng kaniyang ama. Wala sa sarili s'yang naglakad palayo sa study room ng kaniyang mag magulang at humigpit ang pagkakahawak sa report card na dapat ay ibigay at ipakita sa mga magulang. Pabalik-balik sa pandinig n'ya ang mga katagang binitawan ng kaniyang ina.
Kaya pala, kaya pala anong gawin n'ya hindi proud sa kaniya ang mga magulang n'ya. Kaya pala, kaya pala para lamang s'yang hangin para sa lolo at lola n'ya. Kaya pala, kaya pala ayaw sa kaniya ng mga pinsan n'ya at higit sa lahat, kaya pala hindi s'ya mahal ng kaniyang sariling magulang dahil hindi naman pala s'ya tunay na Bressett. Hindi s'ya kapamilya, hindi s'ya tunay na Bressett at isa lamang s'yang pamalit sa pumanaw na totoong Farrah Bressett.
Parnag napupunit sa sakit ang dibdib ni Farrah habang iniisip ang pinagmulan at dahilan ng kaniyang pagkatao. Hindi n'ya alam kungs sino s'yang talaga, kung ano ang tunay at dapat n'yang pangalan bago s'ya ng mga ito ginawang si Farrah. She's now 13 years old and will be 14 in 3 months. She no longer a kid that a word could ease the pain of the truth. She now can understand everything. Lahat ng luha at iyak n'ya sa bawat gabi, lahat ng tanong n'ya kung bakit pakiramdam n'ya noon hindi s'ya kabilang sa pamilya ay nasagot na.
How cruel the world for her. Her mom must be right, she maybe was born to be Farrah Bressett, to be her replacement and that is why she was living in this huge mansion, with lots of money and everything in her own despite of being young. Marami ang naiinggit sa kaniya dahil sa pagiging Bressett n'ya pero sa Kabila ng iyon, s'ya pala dapat ang maiinggit sa kanila dahil ang mga kaklase n'ya, alam nila kung sino sila.
Hindi halos maramdaman ni Farrah ang mga para n'yang nakatapak sa sahig habang umiiyak sa pagkadurog hanggang sa makarating s'ya sa loob ng kaniyang silid. Hindi n'ya kailanman naisip na may katotohanan pala ang iniisip n'ya noong dahilan kung bakit pakiramdam n'ya outsider s'ya.
"I am Farrah Bressett now, sino kaya ang mga magulang ko? saan kaya ako galing?" Tanong n'ya sa sarili habang naglalandas ang masasagana n'yang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata habang diretso s'yang nakatingin sa ceiling ng kaniyang kuwarto. "Saan nila ako dadalhin kapag hindi na ako si Farrah? I should be their daughter for me to still have this life, right? Iyon ang sabi ni mommy. I should be the Farrah Bressett they want me to be."
Basag ang kaniyang boses habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Time of death, 1:13 pm."
Isang linggo na ang lummipas nang marinig iyon ni Ervin at ngayon ay walang buhay n'yang pianapnood ang dahan-dahang pagbaba ng kahon kung saan nasa loob nito nahimlay ang mahal n'ya. He couldn't believe it, after 5 years of planning their lives together, now he was left alone with such a painful goodbye. Hindi n'ya alam kung paano sisimulan ang buhay n'ya pagkatapos noong araw na narinig n'ya ang katagang iyon. Napaplunok s'ya nang makita ang unti-unting pagkalaglag ng lupa upang tabunan na ng tuluyan ang buhay n'ya.
Wala s'yang ibang nararamdaman sa paligid, wala s'yang narinig na iyak mula sa kahit kanino. Hindi s'ya gumagalaw mula sa kinatatayuan hanggang sa natapos ang pagtabon sa kahon at hindi na ito makita ng mga mata n'ya. Napa-upo na lamang s'ya sa damuhan nang walang tigil ang paglandas ng kaniyang mga luha. Masakit na para bang mamamatay na rin s'ya, masakit na para bang pinupunit at dinudurog ang puso n'ya. Ang lahat ng magagandang nangyari sa buong buhay n'ya ay biglaang naglaho dahil sa nangyaring ito.
Ang lahat ng magandang plano at pangarap ay parang naglahong bigla na parang bula. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ni Ervin hanggang sa maramdaman n'ya ang pagpatak ng ulan at doon n'ya na palang naramdaman na mag-isa na lamang pala s'ya sa lugar. Inihiga n'ya ang katawan sa damo, sa tabi ng kung saan nakahimlay ang babaeng kahit anong mangyari ay hindi n'ya kakalimutan at hindi n'ya makakalimutan.
She was his life, she made him alive but now that she was buried 6 ft under the ground, he no longer know the value of life.