Unang apak pa lang ni Farrah sa loob ng conference room ay agad na nahanap ng kaniyang paningin ang kaniyang mommy at daddy. Parehong busy ang dalawa at nag-uusap ito habang nakaharap sa laptop ng kaniyang mommy. Ni wala sa dalawang nagtaas ng tingin upang tingnan ang mga pumapasok sa loob ng conference room. "Farrah...." Napakurap si Farrah nang marinig ang pangalan n'ya mula sa kung kaninong boses. Nakita n'ya si Lore na kumaway sa kaniya saka itinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi nito. "Come here," Lore mouthed. She nodded and took a step forward to Lore when someone held her arm that made her stopped. Tiningnan n'ya ang kamay na nakahawak sa kaniya bago nya binalingan ng tingin ang may-ari nito. Nakita n'ya ang nakangiting si Joanna. Binigyan n'ya ito nang may pagtatakang tingi