"Kayo po ba si Ms. Farrah?" Tiningnan ni Farrah ang lalake na biglang nagtanong sa kaniya. Narito s'ya sa site kung saan tinatayo ang project na kailangan n'yang pagtuunan ng pansin. Tumango s'ya saka tinanggap ang inaabot nitong construction cap. "Good morning, how is everything going?" Iginala n'ya ang paningin sa buong paligid at nagsisimula pa lang ang construction ng building. "Nagsisimula na pong magdatingan ang mga materyales na kakailanganin po, ma'am. Sa ngayon po ay pinagtutuunan namin ng pansin ang maayos na pundasyon ng building," sagot ng lalake kaya tiningnan niya ito. "You are the contractor?" Tumango ito, "yes, ma'am." "Do everything that is asked to do. If it meant to be 100%, do it 100%. Not 90%, not 99%, 100%. Everyone knows the problem of construction right?