Habang nakatalikod si Farrah ay narinig n'ya ang pagbukas ng pinto. Binitawan n'ya ng maayos ang plate na hawak at hinarap ang pumasok na si Ervin. Ngunit nang makaharap s'ya rito ng tuluyan ay tila isa s'yang parang papel na ganoon kagaan nang bigla na lamang s'ya nitong hapitin bewang kaya nanlaki ang kaniyang mga mata. Seryosong-seryoso ang mukha at mga mata ng binata habang nakatingin ng diretso sa nagtatakang mukha ni Farrah. "What's wrong?" Hindi maiwasang itanong ng dalaga rito. "How were you and that Engr. Marquiz close?" Pagtatanong nito kaya naningkit ang mga mata ng dalaga. "I guess I have already told you that," kunot-noong sambit ng dalaga habang sinusubukang ilayo ang kaniyang mukha mula sa mukha ng binata. Nasa likuran n'ya pa rin ang kamay ng binata at mahigpit ni