"Hala sh*t! Paano mo gagawin ang isang 'yan?" Sh*t talaga dahil malay ko ba kung paano. Ano ba naman kasi iyan! Sa dinami-dami nang pwede kong mabunot bakit ba kasi ito pa. Sa dami ba naman naming bumunot ay bakit ako pa ang nakakuha ng isang 'to? "Tinatanong mo talaga ako? Sa tingin mo alam ko kung paano ko 'to gagawin?" "Oy! Wala akong kasalanan bakit sa akin ka nagagalit? Sinabi ko ba na iyan ang kunin mo? Malditang 'to!" Tiningnan ko ng masama ang kaibigan ko na hindi naman nakakatulong. Nakaka-inis! Alam n'yang naaasar na ako rio ay inaasar pa talaga ako lalo at ang baliw ay parang natuwa pa sa tingin ko sa kaniya sira-ulo talaga! Inirapan ko nga. "Para kang baliw kasi eh! Kailangan kong maka-usap si Prof Molina about this. I can't believe this is one of the options." Ginulo