"Tuloy sa paglangoy si Farrah nang makita n'yang katapat n'ya lang din ang binata. Mabuti na lang din talaga ay minsan n'yang naging stress reliever ang paglangoy noong bata pa s'ya. Hinihingal n'yang naabot ang hagdan ng cottage at nang umahon s'ya ay nakita n'ya ang kakaahon lang din na si Ervin. Sino ang nanalo? Iyon ang naging tanong n'ya sa sarili habang naghihilamos ng kaniyang mukha. "You are so fast," sambit ni Farrah nang magtama ang paningin nilang dalawa ng binata. "Ikaw rin." Hindi makapaniwalang saad naman ng binata. "Ang bilis mo, so, I am not wrong when I think you are pro." "I told you, I am not a pro. Way too far from being a pro." Irap n'ya sa binata, "who won, by the way?" Tanong n'ya rito. "I don't know." Nagkibit-balikat ito at bigla na lang napatigil nang pagli