"I mean, dahil sa amoy ng pagkain mo," nakangising bawi ni Ervin pero ang sama na ng tingin ni Farrah sa kaniya. Mahinang tumawa ang binata sabay kinindatan ang dalaga. "What are you thinking? Bakit ganyan mo 'ko, tingnan?" "Nothing." Hinila ni Farah ang pagkain n'ya at sinimulan itong kainin. Napatigil s'ya kanina. Hindi n'ya alam, pero may ibang pumasok sa isip n'ya nang banggitin iyon ng binata. Hindj n'ya rin naman naintindihan kung ano ang biglang nasa isip n'ya pero parang iba. "Kumain ka na rin." Nakita n'yang nakatingin lang sa kaniya ang binata nang magsimula na s'yang kumain. Tahimik ito at walang kahit na anong ngiti sa mukha. Bumagal ang kaniyang bawat pagnguya dahil sa sobrang seryosong mukha ni Ervin. May kung anong ibig sabihin ang tingin nito pero hindi n'ya alam kung a