Kabanata 1
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
***A CONTINUATION OF THE LAST EPISODE OF DARK OBSESSION (Ang kasunod ng huling kabanata sa Book 1)***
SM SAN LORENZO
MARTHA
"ROSY, ang anak ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya."
Nawala sa paningin ko ang anak ko sa gitna ng kaguluhan sa mall.
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mayroong masamang mangyayari sa anak ko. Hinding hindi ko makakaya ang mabuhay kung mawawala siya sa akin.
Siya lang ang naiwan sa akin noong mga panahong nag-iisa ako. Although mayroon akong mga kaibigan at si Sir Arthur ngunit mula sa aking pamilya ay ni isa, wala akong naging karamay.
Noong panahong nanganak ako, wala akong naging sandigan kundi si Rosy. Late niya ring nalaman na nanganak na pala ako. Noong mga panahong ding iyon ay mayroon akong sakit habang nagle-labor na ako.
Si Sir Arthur ay nasa ibang bansa nang buwang iyon at sobra sobra ang pag-aalala niya nang kinailangan kong masalinan ng dugo dahil sa dengue.
Kung kaya't hindi ko alam kung kanino ako hahanap ng kaagapay sa mga panahong iyon ng aking buhay.
Ngunit mabuti pa rin ang Dios dahil hindi niya kami pinabayaan ng anak ko.
At ngayon, kung mawawala siya sa akin ay hinding hindi ko kakayanin.
"Keep calm sis, mahahanap natin siya," hawak hawak ni Rosy ang kamay ko.
Nauna nang umuwi ang asawa at anak niya nang mga oras na naging maayos na ang lahat sa mall. Nagpaiwan siya sapagkat tutulungan niya akong mahanap ang anak ko.
"Umiiyak na siguro ang anak ko ngayon Rosy. Saan ko ba siya hahanapin?" Alalang alala na ako ngayon.
Hinding hindi talaga ako mabubuhay kapag wala ang anak ko sa piling ko.
"Sir, naka-pula siya. Five years old at mayroong kaputian ang bata. Mga ganito ang height niya," si Rosy na ang nakikipag-usap sa lalaking nasa information desk ngayon dahil hindi talaga ako makakausap ng maayos.
"Ma'am, pwede ba kayong mag-iwan ng contact number ninyo at kung sakaling hindi namin mahanap ngayon ay tatawagan na lamang namin kayo," sabi pa ng lalaki na ikinainit ng ulo ko.
"Hindi pwedeng hindi mahanap ang anak ko. Kapabayaan ninyo ito dahil sa pagkakamaling ginawa ninyo. Hindi sana magkakagulo. Hanapin ninyo ang anak ko," nasigawan ko na ang lalaki at halatang nabigla siya.
"Sis, relax," hinimas ni Rosy ang likod ko.
"We are doing what we can to find your child ma'am. Sorry," yumuko ang lalaki.
Inirapan ko siya at saka nag-focus sa kapaligiran.
They should make everything that they can to find my child, my poor Hercules.
"Sis, doon tayo," itinuro ni Rosy ang upuan sa lobby at doon kami naghintay.
Ipinapacheck na nila ang lahat ng CCTVs sa mall at hinihintay pa rin namin ang makikita nila mula doon.
Ngunit napakatagal na. Ayon sa nakausap namin ay nagkaroon talaga ng technical problem sa mall at hindi madaling makita ang lahat sa ngayon.
Apat na oras na ang nakalilipas at wala pa rin ang anak ko. Bawat paglipas ng oras ay mas lalo akong nanghihina dahil tila ba mas lumalayo sa akin ang anak ko.
"Rosy, ang tagal tagal na. Nasaan na ang anak ko?" Umiiyak na ako habang sapu-sapo ko ang aking ulo.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa sis," panay ang himas niya sa akin.
Nasa ganoong pwesto kami nang mayroong lumapit sa amin na guard.
"Ma'am, tinatawag po kayo sa monitoring room," wika nito.
Napatingala ako at tiningnan ang guard.
Hindi ko na nagawa pang sumagot. Sumunod na kami kaagad sa guard at dinala niya kami sa monitoring room.
"Sis, huwag kang mag-isip ng negative," payo sa akin ni Rosy.
Tiningnan ko lang siya.
Mula sa loob ay nakita ko ang mga monitor ng CCTV na kung saan ay ipinapakita ang lahat ng parts ng mall.
"Ma'am, heto po si Sir Martin, siya po ang makakasama ninyo dito," wika ng guard.
"Salamat," sabi ni Rosy.
Wala na akong panahon pa para sumagot.
"Ma'am, kayo po ba ang nangangailangan?" Tanong ng lalaki.
"Yes po," sagot ko.
"Ma'am, maupo po kayo dito at tingnan niyo po ang ipapanood ko sa inyo," sabi pa niya.
Umupo ako at saka siya nag-click ng kung ano.
Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki sa comfort room sa tabi ng hagdanan ng mall.
Mula doon ay binuksan niya isa isa ang cubicle at nakita kong pumasok siya sa pinakadulo.
Medyo natagalan siya doon at nagulat ako nang hilahin siya ng anak ko palabas. Saka niya ito kinarga.
Nagtungo sila palabas at nag-pause muna ang video.
"Kilala niyo pa ba iyang lalaki?" Tanong ng technician.
Tumango lang ako.
"Okay ma'am, ito po ang susunod," aniya sabay click ulit.
Lumabas na sila sa SM habang buhat buhat niya pa rin ang anak ko. Ang sumunod na pinakita ay ang matagal nilang pagtayo sa tapat ng mall na tila ba naghihintay.
Nag-uusap din sila ng anak ko at ngayon ay tila ba magkakilala na sila.
Hanggang sa maglakad sila paalis ng mall at mayroong itinuturo ang anak ko na kung saan.
Napaluha na lamang ako nang mga sandaling iyon dahil sa mga nakikita ko.
Agad kong nadama ang haplos ng kamay ni Rosy sa aking likuran nang mga sandaling iyon.
"Nasa mabuting kamay naman pala ang inaanak ko sis," aniya.
Napayuko ako at saka ko sinapo ang mukha ko ng aking mga kamay.
Hindi ko na mapigilang umiyak ng umiyak nang masigurong magkasama sila ngayong dalawa.
Kasama ni Hercules ang ama niya, si Hector.
"Tahan na. Tatawagan ko na lamang si Sir Hector para magkita kayo at para makita mo na rin si Hercules," sabi pa ng matalik kong kaibigan.
"Hinding hindi ko talaga kakayanin sis kung mayroong masamang mangyayari sa anak ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na mangyari iyon," sabad ko.
"Nasiguro naman na nating walang masamang nangyari kay Hercules. Kasama naman niya ang tat...," Hindi niya naituloy ang sinabi niya.
Tiningnan ko siya.
"Paano natin masasabi na wala ngang masamang mangyayari sa anak ko kapag si Hector ang kasama niya?"
"Mabuting tao naman iyon at kilala naman natin siya," depensa niya.
"Hindi pa rin ako makakampante hangga't wala ang anak ko sa mga kamay ko," pilit ko.
Maya-maya ay pumasok ang guard mula sa pintuan.
"Miss Martha, mayroon daw pong tawag sa information desk mula sa PNP San Lorenzo," wika nito.
Agad kaming bumaba mula doon. Panay pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari.
"Miss Martha, magtungo daw po kayo sa PNP San Lorenzo, doon daw po isinurender ang anak ninyo ng taong nakapulot," wika ng lalaki.
Hindi na ako nakasagot pa.
"Maraming salamat po," sabi ni Rosy saka patakbong sumunod sa akin.
Marami nang tawag si Sir Arthur sa akin at hindi ko pa rin siya sinasagot. Marami na rin siyang messages ngunit ayaw kong magreply.
Ayaw kong malaman niyang nawala ko si Hercules dahil pagagalitan niya ako.
Hindi ko siya masisisi dahil mahal niya ang anak ko at mahal siya ng anak ko.
Agad na kaming sumakay na tricycle patungo sa police station at habang papalapit ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Pagdating namin doon ay si Rosy na rin ang nagbayad at patakbo kong tinungo ang station.
"Yes, ma'am ano po ang kailangan nila?" Bungad sa akin ng babaeng pulis.
"Ako ang nanay ng nawawalang bata," sabi ko pa.
"Martha po? Identification card na lang po natin ma'am," aniya.
Agad akong naglabas ng ID at nang nakumpirma ng babae ang pangalan ko ay dinala kami sa isang lugar sa loob ng station.
Mula sa pasilyo ay nakita ko ang dalawang lalaking mahal ko.
Si Hector na nakaupo sa mahabang upuan at si Hercules na natutulog sa kanyang mga bisig at nakaunan sa kanyang dibdib.
Halos mahulog ang puso ko sa nakita kong hitsura nilang dalawa. Magkamukha sila.
Palapit na ako at nang maramdaman niyang mayroong tao sa paligid ay nagmulat siya ng mga mata niya.
"Hey," aniya.
Hindi ako kumibo.
"Big man, here's your nanay," ginising niya ang anak ko.
Papikit pikit na tumingin ang anak ko sa akin at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Nanay," wika ng anak ko.
Agad akong umupo at saka kumandong sa akin ang bata.
Si Rosy naman ay hindi na dumeretso pa at tila ba binibigyan kami ng moment.
"I saw him crying inside the comfort room," malamig ang boses ni Hector.
Hindi ako kumibo.
"Next time, you should take care of your son," wika niya.
Anong karapatan niyang sabihin iyon sa akin? Anong akala niya, pabaya akong ina?
"Nanay, kumain kami ni stranger ng fried chicken," kwento ng anak ko.
"Kumain ka ba ng marami baby?" Naiiyak akong nagtanong sa anak ko.
Tumango siya.
"Nanay, bakit ka umiiyak?"
Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at saka ako tumayo.
"Thank you sa pag-iingat sa anak ko," sabi ko saka naglakad.
Ayaw kong magtagal sa tabi ni Hector dahil wala akong alam na maaring sabihin sa kanya.
"Wait," aniya.
Tumakbo siya at hinarap niya ako.
"I want to bring you home," agad niyang wika.
"No, Arthur will be here in a while, I will just call him," pag-iwas ko.
"Martha, pwede bang ako muna ang masunod ngayon? Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid ko kayo ng anak mo. So, come one, bago ako magalit," seryoso ang mukha niyang nagsabi nito.
"Please, huwag na. Thank you na lang," hinawakan ko ng mabuti ang anak ko.
"Martha," tumaas ang tono ng boses niya.
Napapitlag ako.
Gusto ko siyang iwasan, pero paano?
Agad bumilis ang t***k ng puso ko.
Pagtatapos ng Unang Kabanata.