Posible nga bang muling tumibok ang puso sa taong minsan nang umiwas at lumamig sa'yo?
Pagkatapos malugmok sa pag-iisa at pagbabayad sa kanyang mga nagawang pagkakasala ay babangon si Martha, bilang isang matatag at palabang babae.
Pinilit niyang lumaban sa kalupitan ng mga taong nakakakilala sa kanya at sa kanyang nakaraan, alang-alang sa kanyang anak na si Hercules. Apat na taong gulang na ito at nagsisimula nang magtanong tungkol sa kanyang ama.
Bilang isang single mom ay isa ito sa mga bagay na hindi kayang sagutin kaagad ni Martha. Mabuti na lamang at hindi nagkukulang ang boss niyang siyang nagpresenta na tumayong ama-amahan ni Hercules kahit pa wala naman silang relasyon. Si Arthur Peñalba, ang CEO ng isang publishing company sa San Gabriel, byudo at walang anak.
Ngayon, paano haharapin ni Martha ang mundo kung sa isang iglap ay mawawala si Hercules at si Hector ang makakahanap sa pinakamamahal niyang anak.
Paglalapitin ba silang muli ng tadhana?
Hard Obsession (Book 2 of Obsession Series)