Kabanata 2
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
MARTHA
"I WANT TO BRING YOU HOME."
Nagpaulit-ulit iyon sa aking isipan at hindi ko alam ang iisipin at isasagot ko sa kanya.
"Hello sir," bati ni Rosy na ngayon ay papalapit na.
Lumingon ako.
"Sis, una na ako ha. Maraming salamat sa'yo and pasensya na sa nangyari," paalam niya.
"Wala ka namang kasalanan sis," sabi ko pa.
"Basta. Sige kita na lang tayo. Sige sir, mauuna na ako," paalam niya.
Nang makalayo na siya ay agad kong inilabas ang cellphone ko.
"Nak, baba ka muna ha? Tatawagan ko si Sir Arthur," sabi ko pa.
Nais ko na rin talagang magpasundo at magpahinga. Dahil nagpresenta naman si Sir na sunduin kami ay siya na lang ang pagpapasunduan ko pauwi sa San Gabriel.
Pagkahawak ko ng cellphone ko ay inagaw agad iyon ni Hector.
"I said ihahatid ko kayo," punong puno ng autoridad ang boses niya nang sabihin niya iyon sa akin.
"Susunduin kami ni Sir Arthur," sabi ko na balak agawin ang cellphone ko sa kanya.
Ibinulsa niya iyon at saka kinarga si Hercules.
"Ako ang masusunod Martha," aniya saka naglakad paalis.
Naiwan akong nakatayo habang tanaw silang naglalakad paalis.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.
Pinaupo niya si Hercules sa harapan ng sasakyan at saka siya umikot upang sumakay din.
Hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan kaya't sumakay na lang ako.
"Tell me your address," sabi nya pagkalagay niya ng seatbelt sa anak ko.
"We will go home now, stranger?" Tanong ng anak ko sa kanya.
"Call me Superman," saka niya ginulo ang buhok ng anak ko.
"Wow. Are you Superman?" Manghang tanong ng anak ko sa kanya.
"Yes, and it is our secret," bulong pa niya na naririnig ko.
"Can you fly?"
"Yes I can. But I can only fly when I am with you. So, let's meet again soon," sabi pa ni Hector.
"Really?" Natutuwa ang anak ko.
"Yes big man," ginulo niya ulit ang buhok ng anak ko.
"Nanay, magkikita po ulit kami ni Superman," lumingon si Hercules sa akin.
"He is not superman baby," sagot ko.
"But he said he is superman," wika niya.
"He is not baby. And Tatay Arthur wants to be with you all the time," sinadya kong sabihin iyon.
"But nanay,"
Hindi ko na sinagot ang anak ko.
"Barangay Manggahan, Fayrwood Street,Block 14, San Gabriel," sabi ko habang nakatitig sa akin si Hector mula sa salamin.
Inirapan ko siya.
Nagstart na siya ng sasakyan at saka nagdrive.
Tahimik lang ako habang pinakikinggan ko silang nag-uusap.
"Do you have a name, Superman?"
"Yes, meron,"
"What's your real name?"
"I am Hector,"
"Hector? Sounds like my name,"
Hindi sumagot si Hector at saka muling tumitig sa akin mula sa salamin. Umiwas ako ng tingin.
Tumingin ako sa labas at tiningnan kung nasaan na kami. Papunta itong dulo ng San Lorenzo.
"Bakit iba ang daan natin?" Tanong ko.
"Nagugutom na si Hercules and I know a place for us to eat," sabi pa niya.
"Kumain na kaya diba?"
"Yes, but it's been more than 5 hours,"
"Nanay, I am hungry," sabi ng anak ko.
"I can cook for you at home baby," wika ko.
"No, mahirap nalilipasan ng gutom ang bata," sabad ni Hector.
Wala na naman akong nagawa.
I know his plan. He wants to be with my son, his son, and with me. I can feel it.
Huminto kami sa isang restaurant at mukhang mamahalin ang mga pagkain doon.
Pumasok kami habang buhat pa rin niya ang anak ko. Wala akong magawa dahil tila ba sunud-sunuran ako sa kanya.
Pinaupo niya ang anak ko sa tabi niya habang ako ay naupo naman sa tapat nilang dalawa. Hindi ko mapigilang titigan silang dalawa habang sila ay nag uusap. Pinag-kumpara ko ang kanilang mga mata, ang kanilang mga ilong, mga labi pati na rin ang kanilang mga kilay at isa lamang ang imahe n nakikita ko, iyon ay ang mukha ni Hector na namana ng anak ko.
Napaiwas ako nang biglang tumingin ang dalawa at magtanong ang aking anak saka nabaling sa akin ang kanilang atensyon.
"Nanay, I want to stay in Superman's house," sabi ng anak ko.
Nagulat na lang ako sa sinabi ng aking anak dahil tila ba napakarami na nilang napag-uusapan at pumunta na ito sa punto ng pagpunta niya sa bahay ng lalaking hindi ko inaasahang nakahanap sa kanya.
"No baby. He is a stranger," sagot ko.
"But I know him nanay. Pumunta kami kanina sa house niya and he let me play his toys," pagpupumilit ng anak ko.
"Tatay will buy you more toys,"
"He has a lot of car toys nanay. I want them,"
"I can buy you more car toys anak,"
"Let him stay with me for a while, Martha," sabad ni Hector na ikinagulat ko.
Tumingin ako sa kanya and he looked at me in the eye.
Para bang mayroon siyang alam at para bang ginagamit niya ang bagay na ito laban sa akin.
"Anak, tatay is waiting for us. I will just cook for you," kinausap ko ang anak ko.
"But nanay, I am hungry na po," sumimangot ang anak ko.
Natahimik ako.
"Come here big man. Look at this," ipinakita ni Hector ang kung ano sa cellphone niya.
Hindi ko iyon nakikita.
"That's nanay. Where is that?" Tanong ng anak ko habang nakakandong siya kay Hector at palingon-lingon sa tatay niya.
Pasimpleng tumitingin sa akin si Hector.
"Hector, stop that," mahina kong wika.
"Nanay, look, ikaw ito nanay?" Ipinakita sa akin ng anak ko ang litrato naming dalawa ni Hector sa Baguio City.
Umiwas ako ng tingin dahil sa bagay na iyon. Hindi pa niya nabubura ang mga litrato naming dalawa.
Dumating na ang order niyang pagkain naming lahat.
Habang kumakain sila ay paunti-unti lang akong kumakain. Kalkulado ang bawat galaw ko dahil hindi ako makakilos ng maayos sa mga tingin ni Hector sa akin.
Wala akong problema sa anak ko dahil kayang kaya niyang kumain mag-isa.
"How are you?" Tanong ni Hector.
"Huwag mo akong tanungin na parang magkakilala tayo," sagot ko.
"Hindi nga ba?"
"We talked about this Hector, nakalimutan mo na ba?"
"Nope. But it doesn't mean nag-agree na ako doon,"
"Hector, stop this. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sitwasyon,"
"I want to win you back Martha,"
"Hector it's been five years,"
"Yeah, it's been five damn years and still, ikaw pa rin ang laman ng puso ko," mahina ang boses niya ngunit madiin iyon.
Hindi na ako kumibo pa at itinuon ko ang sarili ko sa anak ko.
"Anak, finish your food and let's go home," sabi ko pa sa anak ko.
Uminom na ang anak ko at saka tumayo.
"Ihahatid ko na kayo," sabi ni Hector saka uminom ng tubig.
"No, we can go home na kami lang,"
"No, I said I will bring you home," hinawakan niya ako sa kamay at saka hinagip ng isang kamay si Hercules.
Habang buhat niya ang anak ko ay hila hila niya ako.
Sa ikatlong pagkakataon ay wala akong nagawa.
Sa buong 15-minuto na andar ng sasakyan ay wala kaming kibo. Nakatulog na ang anak ko.
Pagdating namin ay siya na naman ang bumuhat sa anak ko at hindi nagising si Hercules.
"Ako na ang mag-aakyat sa kanya sa taas," sabi ko pa.
"No, I want to see your home,"sabi niya.
"Hector, this is too much," gusto ko nang magalit.
"This isn't," aniya.
"Stay away," sabi ko pa.
"Where is your house? Saan ako papasok?"
"Hayaan mo na kami Hector," sumigaw na ako na dahilan para magising ang anak ko.
"Huwag mong ipagkait sa akin na makasama kang muli Martha. No matter what you do, paglalapitin tayo ng tadhana and your damn pride, pakilunok mo na dahil hinding hindi na ako mawawala sa paningin mo. And Hercules? I will take care of him. Tatanggapin ko siya," wika niya.
"Bakit mo sinisigawan si nanay?" Naiiyak na wika ng anak ko.
Natahimik kami.
"Baby, halika na. Let's go upstairs," balak ko nang kunin ang anak ko.
"No. Come on big man, where is your house? I'll bring you there," tanong niya sa anak ko.
"Akyat tayo doon Superman."
Itinuro ng anak ko ang hagdan at saka siya agad naglakad patungo doon
Ganito na lamang ba palagi simula ngayon?
Nanghihimasok na si Hector sa buhay naming mag-ina.
Paano na ang sikreto ko?
Wala na akong nagawa nang umakyat na sila at napailing na lang ako sapagkat wala na akong magagawa. Natunton niya na kami at kinakabahan ako dahil tila ba magsisimula na naman ang bagay na kinatatakutan ko.
At ito ay ang mahulog sa kanya, hindi lamang ang anak ko, kundi maging ako.
Dahil sa totoo lang, kailanman, hindi siya nawala sa puso ko.
Paano na ito?
Pagtatapos ng Ikalawang Kabanata.