DAHIL halos hating-gabi na, at tulog na ang lahat ng kasambahay sa mansyon ay si Zia na mismo ang nagpunta sa kusina upang magtimpla ng kape, para kay Lucian. Habang nagtitimpla ng kape ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang katatapos lamang na pagtatalo sa pagitan nila ni Kier. Malalim siyang humugot ng paghinga. Kakausapin niya na lamang ito kinabukasan. Natigilan siya sa paghahalo ng kape at itinulos sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman ang matitigas na bisig na pumaikot sa baywang niya, mula sa likuran. Kasunod ang mukha nito na bumaon sa pagitan ng leeg at balikat niya. "What's wrong, Baby, hmm?" Ramdam niya pa ang pag-vibrate ng pag-hum nito sa leeg niya na naghatid sa kanya ng milyon-milyong kilabot sa buong katawan. Nang makabawi ay ipiniksi niya ang balikat niya. "Luci