Chapter 44

1200 Words

MASUYO at buong ingat na hinawi ni Lucian ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ni Zia. Iniingatan niyang magising ang dalaga mula sa pagkakahimbing nito. Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan itong bahagya pang nakanganga sa pagtulog. Marahil ay sobra itong napagod maghapon, o dahil na rin medyo marami-rami rin ang nainom nito. Nang hindi makatiis ay yumuko ang binata at maingat na kinintalan ito ng mabining halik sa mga labi. Kahit anong pilit nito kanina na pauwiin siya ay hindi siya nito napahinuhod. Hindi niya tinigilan ang paglalambing dito hanggang sa mapapayag niya itong magpahinga muna sa kanyang silid. Sa dalawang kondisyon; Una, ay aalis na siya bago pa man sumikat ang araw kinabukasan, upang hindi na siya magisnan pa ng mga m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD