Chapter 40

2403 Words

SAGLIT siyang natigilan pagkarinig sa tinig na iyon. Napigil ang balak niya sanang paghakbang patungo sa naroong hotel staff sa may 'di kalayuan. Ngunit maya-maya ay mahina siyang natawa at napa-iling-iling. Mahinang tinapik-tapik niya pa ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga iyon. Dahil marahil sa nainom niya. Naparami na yata ang nainom niya. Akmang hahakbang na siyang muli patungo sa staff ng hotel nang muli niyang marinig ang tinig na iyon. "Yana, can we talk?" Seriously? Mabilis siyang lumingon at sinalubong siya ng pares ng itim na itim na mga matang iyon na matamang nakatingin sa kanya. Nakasilid sa magkabilang bulsa ng itim na tux nito mga kamay. Katulad ni Lucero ay naka-tuxedo rin ang lalaki. Ang kaibahan lang ay ang vest na panloob nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD