"Ohhh..." ramdam na ramdam ni Zia ang init ng mga labi na iyon, na naglalakbay mula sa kanyang punung-tainga pababa sa kanyang leeg, panandaliang gumapang sa kanyang balikat at saka muling humagod pabalik.
Pakiramdam niya, gising ang diwa niya ngunit nananatiling tulog ang kanyang katawan. Naroon lamang siya at nakapikit, walang lakas upang tutulan ang ginagawa ng nilalang na ito sa kanyang katawan.
Sa kabilang banda... kung magpapakatotoo siya sa kanyang sarili, ay ayaw niya rin naman itong huminto sa ginagawa. Anupa't tila nagugustuhan niya ang masarap na kilabot na dulot ng mainit na dila na iyon na walang pakundangang humahagod sa kanyang balat. Ang paminsan-minsan banayad na hapdi kapag marahan nitong kinakagat ang balat niya, kapag sa wari, ay hindi na nito mapigilan ang panggigigil. Na agad din namang mapapalitan ng kiliti at kilabot kapag buong suyo nitong sinisipsip ang bahaging iyon at papasadahan ng basa at mainit na dila nito, na tila ba isang napakasarap na sorbetes ang nilalantakan nito.
Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong klaseng sarap at kiliti sa buong buhay niya. Ayaw niya pang matapos ang panaginip niyang ito.
"Ahhh..." isa pa muling ungol ang hindi niya napigilang maglandas sa kanyang lalamunan nang magpatuloy ang animo paglalakbay ng mga labi nito pababa sa pagitan ng kanyang mga dibdib. Bahagya pa itong lumayo sa kanya at saka inilabas ang mahaba nitong dila, pinaglandas iyon sa uka, sa pagitan ng kanyang dibdib, mula sa ibaba, pataas, at saka pinaikot iyon sa kanang bahagi ng kaumbukan niyon.
Kusang umangat ang kanyang katawan na tila ba buong puso niyang iniaalay dito ang lahat. Muli itong umangat at lumipat sa kabilang bahagi ng kanyang dibdib upang pagkalooban din iyon ng kaparehong atensyon. Nagtagis ang mga ngipin niya nang maramdaman ang pagkabasa ng tuktok ng kanyang dibdib dulot ng pag-angkin nito doon. Tila may sariling buhay ang kanyang mga kamay, nang mariin iyong humaplos sa ulo nito, hanggang sa mauwi sa masuyong sabunot, nang ikuyom niya ang kanyang kamay, nang sumobra na ang sarap na kanyang nadarama. Hindi niya mapag-desisyunan kung itutulak niya iyong palayo, kapag waring hindi niya na kinakaya pa ang sarap na dulot ng magkahalong suyo at diin ng pagsipsip nito doon, o kakabigin pang lalo palapit, upang udyukan itong pag-ibayuhin pa ang paghahatid sa kanya ng masarap na pakiramdam na iyon.
"Shit." Halos ay paungol niya nang sambit, habang mas lalo pang ipinag-didiinan ang ulo nito sa dibdib niya. "W-what are you doing, to me..." aniya, habang patuloy na dinadama ay luwalhating dulot ng mga labi at dila nito sa kanyang katawan.
"You want this, yeah?" Lalong sumidhi ang nararamdaman niyang kilabot nang marinig ang senswal na tinig na iyon ng kanyang kaniig. "Tell me you want this, Babygirl." Anito pa, na may kasama pang mga paghingal. "Tell me..."
Somehow, she knew, she already heard that voice. That deep, cold, baritone voice.
Ah, that voice sounds familiar.
"I-i want yo-you..."
"Oh, I want you, too, Babygirl... so much." Bulong nito sa punong-tainga niya, bago iyon sipsipin at saka tila walang kapagurang patakan ng maliliit na mga halik, na muli na namang nagdulot ng libo-libong kilabot sa kanyang katawan. "You... have no idea how much I want you... how much I want... this."
"W-who are you?"
NAPABALIKWAS ng bangon si Zia nang magising sa tila mababaw na pagkakahimbing na iyon. Hawak ang kumot sa kanyang humihingal pang dibdib, na mataman niyang pinakiramdam ang kanyang paligid.
Mabilis siyang lumingon sa gawi ng kanyang bintana nang mahagip niya ng peripheral vision niya ang paggalaw ng kurtina doon.
Nangunot ang kanyang noo.
Nakalimutan niya bang isara ang kanyang bintana bago siya natulog kagabi? Tch. Napailing pa siya sapagkat hindi niya matandaan.
Pabuntung-hiningang tumayo siya at iiling-iling na nagtungo sa bintana upang isara iyon.
Tch. What a dream.
Akmang isasara niya na ang bintana nang mapamulagat siya. Hinawi pa niya nang tuluyan ang kurtina upang mas malinaw niyang makita ang tila anino na lamang ng isang lalaki sa labas, sa ilalim ng malaking puno ng acacia, sa mismong tapat ng kanyang silid.
Nakahawak ang isa nitong kamay sa malaking katawan ng puno, habang nakapaloob naman sa bulsa ng pantalong suot nito ang kabila.
At kahit malayo ang kanilang distansya, alam niya, sa direksyon ng silid niya ito nakatingin. Tila nararamdaman niya pa ang init ng mga mata nitong nakatuon direkta sa mga mata niya.
Sa layo ng distansya nito sa kanya, hindi niya alam kung papaanong nagagawa nitong pagtagpuin ang kanilang mga paningin.
Natutop niya ang kanyang bibig at mabilis na hinawi pasara ang kurtina, pati na rin ang bintana nang kindatan siya nito at bigyan ng isang maliit na ngiti.
PAGDILAT ng kanyang mga mata ay nasa kama na naman siyang muli at deretsong nakatingin sa madilim na kisame. Nilingon niya ang kanyang luminous clock, upang malaman ang oras.
Alas tres ng madaling araw!
No wonder, madilim pa sa labas.
Tanging ang liwanag lamang ng buwan na naglalagos sa kanyang bintana ang nagbibigay ng liwanang sa kanyang silid.
Nang mapatingin siya doon ay mariin siyang napalunok nang maalala ang kanyang panaginip. Tila totoong-totoo ang mga panaginip niya. Natatakot na tuloy siyang tumayo upang isara ang nakabukas nga niyang bintana. Gaya ng sa panaginip niya, bahagyang inililipad ng hangin ang kulay rosas na kurtinang nakasabit doon.
Gayon pa man, ay nilakasan niya ang kanyang loob. Marahan siyang bumangon at saka tinungo ang kinaroroonan ng bintana at isinara iyon. Lakas-loob na sumilip pa siya roon at tinanaw ang kinaroroonan ng lalaki sa kanyang panaginip.
Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao doon. Panaginip lamang talaga ang mga iyon.
Naiiling na muli siyang bumalik sa higaan at binalot ng kumot ang kanyang katawan.
Nang mapadako ang kanyang kamay sa kanyang dibdib ay natigilan siya.
Bakit tila nararamdaman pa niya ang paglalandas ng mga labi at dila roon ng kanyang kaniig, sa kanyang panaginip? Parang totoong-totoo ang mga haplos at halik nito sa kanyang katawan.
Naipagkiskis niya ang mga hita nang maramdamang nanulay patungo sa pagitan ng mga iyon ang masarap na kilabot na dulot ng pananariwa ng kanyang panaginip.
Nahaplos niya ang tila nanunuyo niyang lalamunan at mariing napalunok nang lukubin ng init ang buo niyang pagkatao dahil sa panaginip na iyon.
"Really, Asiana? Wet dreams?" Sa isip-isip niya na mahina pang tinapik ang noo at mariing inihilamos ang mga palad sa pakiramdam niya ay nag-iinit niyang mukha. "Urgh!"
Naiiling na tumagilid siya ng higa at inayos ang kumot na nakabalot sa kanyang buong katawan. Maaga pa. Mayroon pa siyang more or less, apat na oras na itutulog.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at payapang bumalik sa pagtulog.
Hindi niya na nakita ang aninong iyon na nakatayo sa mismong paanan ng kanyang kama, habang matamang nakatitig sa kanya.
Fuck! Muntik nang mapatid ang pagtitimpi niya. He missed her so much, that he almost lose his control.
Damn, her soft and strawberry scented skin aroused the hell out of him! He almost got her.
Mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili.
Lumigid siya sa gilid ng higaan nito at yumuko upang kintalan ito ng masuyong halik sa noo, pagkatapos ay sa labi.
"I'm back, Babygirl..." malambing na bulong pa niya, bago tila napipilitan na namang lumayo rito.
"Hmm..." animo naramdaman naman siya nito kaya't bahagya itong gumalaw at umungol.
SHOCKS, ten o'clock na!
Iyon ang nasa isipan ni Zia habang lakad-takbong tinutungo ang opisina ng kanyang ama. Dahil nga tanghali na siyang nagising ay nakaalis na ito nang bumaba siya, kaninang umaga.
It was her father's birthday, today. At nais sana niya itong batiin, first thing in the morning.
But unfortunately, because of that dream, last night, tinanghali tuloy siya ng gising.
Palihim na lamang siyang napailing nang maalala na naman ang kakatwang mga panaginip niya nang nagdaang gabi at pilit iyong inalis sa kanyang isipan.
"Hi, Ate Ella..." bati niya sa sekretarya ng kanyang ama nang madaanan niya ito at tuloy-tuloy nang tinungo ang nakasaradong pintuan.
Nang mag-angat ito nang tingin ay mabilis itong tumayo nang makitang pipihitin niya na amg seradura. "Sandali lang po, Miss Zia--" ngunit huli na ito, sapagkat nabuksan niya na ang pintuan at pumasok na sa loob, kasunod ang nagmamadali pa ring sekretarya.
"Good morning, Daddy!" Masiglang bati niya rito pagkabukas pa lamang ng pintuan. "Happy Birthday!"
"S-sir, sorry po hindi ko na napigilan agad si Miss Zia--"
Saglit lamang na bumakas ang gulat sa mga mata ng kanyang ama bago napalitan naman agad iyon ng tuwa pagkakita sa kanya.
"Good morning, Princess..." Malapad ang pagkaka-ngiting ganting-bati nito sa kanya saka bumaling sa sekretarya. "It's okay, Ella. Maaari mo na kaming iwan." Nakangiti pa rin sabi nito.
Tumango lamang ang sekretarya at matipid na ngumiti. Sandali munang itinuon ang nangingislap na mga mata sa lalaking nakaupo sa kaibayo ng malapad na mahogany table ng amo nito, bago paatras na naglakad palabas at walang ingay na kinabig pasara ang pintuan.
"Happy Birthday, Daddy!" Muling bati ni Zia sa kanyang ama nang makalapit, mariin at may tunog pang hinalikan ito sa pisngi at saka mahigpit na niyakap. "Tinanghali ako ng gising, hindi na tuloy kita inabutan kaninang umaga." She said pouting.
Hindi naman maalis ang malapad na ngiti ng don.
"It's okay, Princess..." anito at gumanti ng mahigpit ding yakap. "And thank you, so much." Wika pa nito, bago pinatakan ang dalaga ng masuyong halik sa noo.
"Anyways, dad, dumaan lang ako para batiin ka, personally..." aniya pagkakalas sa yakap nito. "May klase pa po ako ng ten-thirty, so, aalis din po ako agad. Magkita na lang po tayo sa bahay, later. Sabi ni mom umuwi ka daw ng maaga dahil maghahanda siya ng special na dinner, for your birthday."
"Yeah, yeah... talaga 'yang mommy mo," may kasama pang iling na sabi nito. "Sinabi niya na sa akin 'yan kanina."
Napangisi naman ang dalaga. "She just wants to make sure..."
"Of course, baby..." anitong nagniningning ang mga mata sa pagkakatingin sa anak. "Oh, sorry, I almost forgot..." anito nang tila may maalala.
Bumaling ito sa naroong tao na halos ay nakalimutan na nga nito na naroon, dahil sa presensya ng anak.
"Mr. Der Teufel..." baling nito sa lalaking nakaupo sa harap ng mesa nito. "This is my daughter, Asiana..."
"Dad... Zia," aniya at ipinaikot pa ang mga mata.
Mahinang natawa ang kanyang ama. "Oh, well... Zia, dahil dalaga na raw siya," nakangiti pa ring anito, at bumaling sa kanya. "And baby, this is Mr. Der Teufel, one of our bussiness partners..." pagpapakilala nito sa kanila.
Sanay naman na siyang ipinakikilala ng ama sa mga bussiness assosiates nito kaya't hindi na rin naman bago sa kanya iyon.
Malapad ang ngiti na bumaling siya sa ipinakilala ng ama. Ngiting agad na napalis nang tuluyan niyang makita ang nakangiting mukha nito.
"Just, Lucian." Anito sa tinig na pamilyar na pamilyar sa kanya. "Hi, Babygirl..." tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya.
Fuck!