Chapter 6

1898 Words
s**t. Kanina pa nakatutok ang paningin ni Zia sa white board at pilit na iniintindi ang mga sinasabi ng professor na nagle-lecture sa kanyang harapan, ngunit wala namang pumapasok sa utak niya. Okupado iyon ng ipinakilalang bussiness partner ng kanyang ama. It's was him. Ang lalaki sa panaginip niya! Hindi niya alam kung papaano, pero sigurado siya doon. Ang Lucian, na bussiness partner ng daddy niya ang kaniig niya sa panaginip niya kagabi. Ito rin ang lalaki sa labas ng bintana niya, sa isa pa niyang panaginip. Kahit na halos anino lamang nito ang nakita niya na nakatayo sa ilalim ng puno ay alam niya, sigurado siya... siya 'yon. Shit. Is that even possible? Na mapanaginipan mo ang isang tao na hindi mo pa naman nakikita sa buong buhay mo? Gayon na lamang ang pagkamangha niya kanina nang ipakilala ito sa kanya ng kanyang ama. Sandali siyang hindi nakahuma at nanatili lamang na nakatitig dito, kung hindi pa ito nagpakawala ng isang tikhim, upang sa wari, ay kuhanin ang atensyon niya. At ang mga titig nito... tila ba nais niyong tumagos hanggang sa kanyang kaluluwa. Lalo na nang magdaop ang kanilang mga kamay nang mag-shake hands sila kanina... nang maramdaman niya ang init ng palad nito. Muling nanariwa sa kanya ang mga kaganapan sa panaginip niya. Ang kamay na iyon na malayang humagod sa kanyang katawan, sa kanyang panaginip. At ang mga labi nito... ang mga labing nagpalasap sa kanya ng kakaibang kilabot at kiliti. Ah, shet lang talaga! Napakurap pa siya nang mapansing nagkakagulo na ang mga kaklase niya. Ang iba ay nagkanya-kanya na ng labas. Tapos na pala ang klase at wala na ang professor nila sa kanyang harapan. Natapos ang klase nang wala man lamang siyang naitindihan. Naiiling na inayos niya na lamang ang mga gamit niya na nasa kanyang harapan at isinilid sa bag at saka tumayo na upang tunguhin ang susunod niyang klase. Dalawang subject pa ang mayroon siya para sa araw na iyon. Ang susunod ay limang minuto na lamang bago magsimula, kaya't kailangan niya nang magpunta sa kabilang building upang pasukan iyon. At ang panghuli naman ay mamaya pang alas tres ng hapon. Wala na kasi siyang nakuhang schedule na mas maaga para sa subject na iyon kaya't wala siyang choice kung hindi kunin na lamang ang slot na iyon. Ang haba tuloy ng vacant period niya. Pagdating niya sa classroom ay naroon na at nakaupo sa harapan ang professor nila para sa subject na iyon, ngunit hindi pa naman nagtuturo. Nang tingnan niya ang kanyang relong pambisig ay maaga pa nga siya ng humigit-kumulang, sampung minuto. Binati niya muna ito pagpasok niya bago siya dumeretso sa nakatalaga sa kanyang upuan. Maya-maya pa ay tumayo na ito upang umpisahan ang kanilang klase. Ngunit katulad kanina sa nauna niyang subject, ay wala rin siyang naintindihan sa mga pinag-sasabi ng professor niya. Para bang pumapasok lamang iyon sa kabila niyang tainga at saka lalabas din sa kabila. Hays! Lutang na lutang talaga ang isip niya. Mabuti na lang at puro lecture lang, hindi sila binigyan ng quiz pagkatapos. Kung nagkataon, paniguradong wala rin siyang maisasagot. Goodluck na lang talaga sa kanya! MAG-ISANG nakaupo si Zia sa pandalawahang lamesa na iyon, sa may bandang sulok ng paborito niyang coffee shop, sa tapat ng kanilang University. Kadalasan ay doon nila pinalilipas ang oras ng vacant nila, tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado. Kapag Lunes, Miyerkules at Biyernes kasi ay dere-deretso ang klaae nila hanggang alas singko ng hapon. Lagi na ay kasama niyang tumatambay doon, sa mga oras na iyon, ang kaklase at kaibigan niyang si Mildred. Ngunit sa pagkakataong iyon ay absent ito dahil masama raw ang pakiramdam, ayon sa yaya nito, nang tawagan niya kaninang umaga. Boring na boring na siya at dalawang oras pa ang kailangan niyang hintayin, bago ang umpisa ng huli niyang subject. Kung maaari nga lamang na mag-cutting na lang siya at huwag na ring pumasok, ay kanina pa sana niya ginawa. Kaya lang paniguradong mapapagalitan siya ng kanyang ama. Ibinibigay ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang magustuhan. Kung minsan nga, kahit hindi niya hingiin, o hindi naman masyadong kailangan, ibinibigay pa rin ng mga ito. Kahit pa nga ba hindi naman siya tunay na anak ng mga ito. Ngunit partikular ang mga ito sa kanyang pag-aaral. Mahigpit na bilin ng kanyang ama na pagbutihin at pahalagahan niya ang kanyang pag-aaral. Iyon lamang daw ang tanging maiiwan nang mga ito sa kanya na hindi maaaring manakaw, o makuha ng kahit na sino. Maaaring nasa itaas daw sila sa mga oras na iyon dahil maganda naman ang takbo ng mga negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi raw nila masasabi ang bukas. Maigi na raw na mayroon siyang kalasag, sakali man at subukin sila ng pagkakataon. Hindi niya masyadong naiiintindihan ang mga sinasabi nito ngunit katulad ng gusto nito, pinag-bubuti niya ang kanyang pag-aaral. Nais niya, na patunayan sa mga ito na hindi sila nagkamali ng pag-ampon sa kanya. Ganoon yata talaga kapag ampon ka... kailangan lagi mong pagbutihan. Dapat ay lagi kang magaling. Iyon man lamang ay maibalik niya, bilang konsuwelo sa mga ito, sa pagbibigay sa kanya ng isang buo at masayang pamilya. Iyong pakiramdam na may nakatingin sa kanya ang nagpanumbalik ng isipan ni Zia sa kasalukyan. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam ng mga titig na iyon. Iyong pakiramdam na tumatagos hanggang sa kanyang kaluluwa. Nang igala niya ang kanyang paningin ay ganon na lamang ang pagtahip ng kanyang dibdib, nang masalubong ng kanyang paningin ang itim na itim na pares ng mga matang iyon na matiim na nakatitig, deretso sa kanyang mga mata. Tila ba pilit nitong binabasa ang nasa kanyang isipan. Ganoon na ganoon ang naramdaman niya kagabi, or technically, kaninang madaling araw, nang makita niya itong nakatayo sa ilalim ng puno ng acacia. Napapitlag siya, at kulang na lamang ay mapatalon sa kinauupuan nang aksidenteng matabig ng service crew ang tray na pinaglalagyan ng mga iniligpit nitong kasangkapan, at bumagsak iyon sa tiled floor ng coffee shop, dahilan upang lumikha iyon ng ingay. Awtomatikong nilingon niya iyon. Nakita niyang nagkukumahog ang lalaki sa muling pagliligpit ng mga iyon. Mabuti na lamang ay puro mga plastic at styro cups lamang ang laman ng tray. Kung nagkataon, ay kawawa naman ito kung ibabawas pa sa sasahurin nito, sakali at may mga nabasag. Napansin yata nito na nakatingin siya kaya't bumaling ito sa kanya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. "Sorry po, mam..." hinging paumanhin nito habang naglilipit pa rin sa kabilang mesa. Hindi naman siya kumibo ngunit sinuklian ito ng isang tipid na ngiti. Nang ibaling niyang muli ang paningin sa kinaroroonan kanina ni Lucian ay wala na roon ang binata. Nagpalinga-linga pa siya at baka lumipat lamang ito ng ibang upuan ngunit talagang wala na ito sa loob ng coffee shop. Paano itong nakalabas ng ganoon na lamang, gayong may door chime ang coffee shop, na tumutunog kapag may pumapasok at lumalabas dito? At sigurado siyang hindi iyon tumunog ngayon-ngayon lamang! Gaano ba katagal na nakuha ng service crew ang atensyon niya at nawala na lamang ito sa kinauupuan nito, sa isang iglap? Sa palagay niya ay wala pang limang minuto siyang nakatingin sa service crew. Naroon ba talaga ito, o namalik-mata lamang siya? Imposible namang nananaginip siya sa ganoong oras... at lugar! Napahilot si Zia sa kanyang sentido nang maramdaman ang bahagyang pangingirot niyon. "Am I thinking him so much, na nakikita ko na siya kahit wala naman talaga siya rito?" Sa isip-isip niya habang pilit na binabalikan sa isip ang mga pangyayari. Nang walang makuhang konkretong sagot ay bumuntong-hininga na lamang siya at sumimsim sa frappe na nasa kanyang harapan. Upang abalahin ang kanyang sarili habang nagpapalipas ng oras, ay inilabas na lamang niya ang kanyang cellphone at naghanap ng maaaring mapanood sa Interflix. Mayroon pa siyang kulang dalawang oras na ipaghihintay, makaka-isang pelikula pa siya. NANGUNOT ang noo at nagsalubong ang mga kilay ni Zia nang makitang naroon si Lucian, nakahalukipkip at prenteng nakasandal sa sasakyan nito na animo mayroong hinihintay. Shit. Enough of Lucian, for her, today. Masyado na nitong inookupa ang isipan niya, mula pa kaninang umaga. Actually, kagabi pa, sapagkat ito nga ang laman ng mga panaginip niya. And it is not healthy for her, anymore. Naiiling na lamang na iniiwas niya ang paningin dito. Kahit pa nga nararamdaman niya ang init ng titig nito sa kanya, habang papalapit siya. Wala naman siyang choice... sa parteng iyon ng parking lot niya iniwan ang driver at sasakyan niya kaninang umaga. Ginawa na lamang niya ang lahat ng makakaya niya upang hindi ituon dito ang kanyang paningin at magkunwaring hindi ito nakikita. Ngunit sa pagka-inis niya... naka-ilang ikot na siya ng tingin ay hindi niya talaga makita ang sasakyan niya. Tandang-tanda niya na doon lamang sa mismong kinatatayuan niya iniwan kanina si Mang Baloy, at ibinilin na doon na rin siya nito hintayin sa uwian. Ilang minuto pa siyang tumayo roon at sinikap na kontrolin ang inis. Sa lahat naman ng pagkakataon, bakit ngayon pa napili ni Mang Baloy na paghintayin siya? Sigurado rin naman siyang alam nito na alas singko ang tapos ng huling klase niya. Sa inis ay ipinadyak na lamang niya ang isa niyang paa at padaskol na hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "Come on, Babygirl, enough with your tantrums," dinig niyang sabi ng binata, na nasa likuran niya, na pilit niyang iniignora. "Alam ko, na alam mo, na kaya ako nandito ay dahil sinusundo kita," Naroon pa rin ang inis na bumaling siya rito at sinibat ito ng matalim na tingin. "And what makes you think, na magpapasundo ako sa'yo?" Sa pinaghalo-halong inis kay Mang Baloy, sa sitwasyon, at kay Lucian, na hindi niya talaga maintindihan kung bakit bigla na lamang sumusulpot kung saan-saan, ay hindi niya napigilan na singhalan ito. Hindi niya na inisip na bussiness partner ito ng kanyang ama at tiyak na sermon ang aabutin niya kapag nalaman nito ang ginawa niya. Nang maalala ang ama ay tumalikod siya rito at inilagay ang dalawang kamay sa beywang. Grrr! Breath in... Breath out. Pilit niya munang kinalma ang sarili saka muli itong hinarap. "Seriously, Mr Der Teufel... why are you here?" Bakas sa mga mata nito ang pagka-aliw, habang nakatunghay sa kanya. "Sinusundo nga kita." "And why?" Angat ang isang kilay na tanong niya. Nagkibit ito ng balikat. "Kailangan bang may dahilan?" Nanlaki ang mga mata ni Zia sa sagot nito. May topak ba ang lalaking ito? "Of course!" Aniyang nanlalaki pa rin ang mga mata rito. "Hindi naman pwedeng basta ka na lang susulpot dito at susunduin ako, dahil trip mo lang, 'di ba?" He c****d his head and raised one of his eyebrow, still looking at her with amusement. Ilang sandali pa siyang naghintay ng sagot mula rito ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa kanya na tila aliw na aliw. Naiiling na tinalikuran niya na lamang ito at nagpasyang mag-taxi na lang pauwi. Mamaya niya na lang kakausapin si Mang Baloy kung bakit wala ito sa oras ng uwian niya. Ang importante ay makalayo muna siya sa lalaking ito. Ngunit hindi pa man yata siya nakaka-limang hakbang ay naramdaman niya ang pag-angat niya sa lupa at namalayan na lamang niya na pasan na pala siya ni Lucian sa balikat nito. "Ahhh... damn you, Lucian, what do you think, you are doing?!" Sigaw niya habang nagpupumiglas dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD