Chapter 8

1771 Words

PABIGLANG idinilat ni Zia ang kanyang mga mata. Ilang sandali na hindi muna siya kumilos at tanging ang mga mata lamang niya ang pinagala paikot sa paligid ng kanyang silid. Waring pinakikiramdaman ang katahimikan ng paligid. Wala naman siyang ibang naririnig kundi mga huni ng mga panggabing ibon. Kapagkuwan ay nilinga niya ang luminous alarm clock niya, na nakapatong sa nightstand, sa tabi ng kama niya. Alas tres ng madaling araw! Urgh! Inis na inihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at saka mariin iyong inihagod sa kanyang buhok. Iyon na ang ika-apat na gabi na nagigising siya, sa tuwing sasapit ang alas-tres ng madaling araw. Sa tuwina, iyong pakiramdam na may nakatunghay sa kanya habang natutulog ay damang-dama niya. Kaya't nakakaramdam siya ng pagkabalisa at magmumulat ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD