NANGUNOT ang noo ni Lucian nang mula sa loob ng kanyang sasakyan ay matanaw niya si Yana na may kasabay na lalaki, palabas ng unibersidad na pinapasukan nito. At kahit nasa malayo siya ay kita niya ang matamis na ngiti na ipinagkaloob ni Yana sa lalaking iyon. Damn it! Kumuyom ang kanyang kamao na nakahawak sa manibela, dahilan upang humigpit ang pagkakapit niya roon. Halos mamuti na iyon sa higpit ng kanyang kapit. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na lusawin na lamang ang lalaking kasama ng dalaga, sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Kinakain ng paninibugho ang buong sistema niya. Ilang araw na niyang sinisikil ang kanyang sarili na huwag magpakita rito. Kahit pa nga ba sa loob ng ilang araw na iyon ay lagi lamang siyang naroon, at nakatingin dito mula sa malayo. Maging sa pagtulo