"HOW are you?" Basag ni Lucian sa katahimikang namamayani sa loob ng pagkabango-bango nitong sasakyan.
Pagbukas pa lamang nito kanina ng pintuan, bago siya sapilitang ipasok sa loob, ay iyon na kaagad ang napansin ni Zia. Pigil niya ang sarili na mapapikit nang manuot sa ilong niya ang amoy niyon.
Bagay na bagay dito ang amoy ng loob ng sasakyan niya.
Iyon bang amoy na nakaka-gwapo.
It smells so... him.
Masculine. So... ahm... manly.
Divine.
And---
"Urmp..." Pinutol ng tikhim na iyon ang tila sandaling pagkalimot niya.
Naiinis nga pala siya rito.
"Pissed!" Sikmat niya rito bago pinag-krus ang mga braso sa dibdib. Ni hindi niya ito pinag-kaabalahang tapunan ng kahit na sulyap. Deretso lang sa kalsada ang tingin niya.
To the highest level talaga ang nararamdaman niyang inis dito dahil sa ginawa nitong sapilitang pagsasakay sa kanya sa sasakyan nito.
Sino ba ito sa palagay nito?
Nakuuuu! Kung hindi lang talaga siya malalagot sa daddy niya ay kanina niya pa sinaktan itong lalaki na 'to! Hmp!
The nerve!
Humugot ito ng malalim na paghinga bago naiiling na sumulyap sa kanya habang nagmamaneho, saka agad din namang ibinalik ang mga mata sa daan. "Look, Yana... i'm sorry---"
"What!?" Putol niya sa sinasabi nito at mabilis na napabaling dito. Bahagya pang umangat ang likod niya mula sa pagkakasandal.
Tila naman nagulat ito sa tanong niya.
"What did you say?"
"I said, i'm sorry---" kunot ang noo na sagot nito, anyong naguguluhan.
"No. No." Putol muli niya rito habang ikinukumpas pa ang isang kamay. "What did you just call me?"
Doon nawala ang pangungunot ng noo ng binata. "Oh, that? Yana. Why?" Sagot nito na muli siyang sinulyapan.
Sa pagkakataong iyon ay mayroong maliit na ngiti na pilit nitong ikinukubli sa gilid ng mga labi nito.
Ibinuka niya ang bibig ngunit wala namang lumabas na salita mula sa mga labi niya.
Tahimik pa ring muli niyang isinandal ang likod sa kinauupuan.
Yana.
She had long forgotten that name.
Pakiramdam niya ay tinatangay siya ng pangalang iyon patungo sa nakalipas.
Mula nang ampunin siya ng mga kinikilala niyang mga magulang ay hindi niya na ginamit pa ang pangalang iyon.
Not that she did not want to.
But her adoptive parents gave her a new name.
Hindi man ng mga ito pinalitan ang tunay na pangalan niya, na Asiana, ay tinawag siya ng mga ito na Zia.
Matagal nang walang tumatawag sa kanya ng Yana.
She didn't mind, anyways. Wala na rin naman siya halos matandaan sa kabataan niya.
Basta ang alam lamang niya, namatay ang nanay niya noong limang taong gulang pa lamang siya, dahil sa cancer sa baga. Kinuha siya ng mga taga-DSWD at doon naman siya nakita ng mga kinikilala niya ngayong mga magulang, at inampon.
End of story.
Iyon lang ang madalas na ikwento sa kanya ng mommy niya. Napakabata pa rin naman kasi niya nang mga panahong iyon para matandaan ang bawat detalye.
Gayon pa man, regular na dinadalaw nila ang abo ng kanyang tunay na ina, na nakalagak sa isang Columbarium.
Ayon sa mommy niya, bago raw sila umalis ng bayan ng Sta. Monica, ay hiniling niya sa mga ito na isama ang nanay niya. Na agad namang pinagbigyan ng mga ito.
Ayaw niya pa nga raw umalis noon, sapagkat ayon daw sa kanya, ay mayroon siyang hinihintay na kaibigan na dadalaw sa kanya. Pero sa bandang huli ay wala na siyang nagawa, sapagkat kailangan na ng kanyang ama na lumuwas ng Maynila upang balikan naman ang naiwan nitong negosyo roon.
Hindi na rin naman daw nagpakita pa ang sinasabi niyang kaibigan niya.
Iyon na ang huli niyang tapak sa Sta. Monica. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na siya muli pang bumalik doon.
Wala naman na rin siyang babalikan.
"Why? Hmm..." Ulit nito, na hindi niya napasin na nakaharap na pala sa kanya.
Nang tumingin siya sa unahan ay nakita niyang pula ang kulay ng traffic lights.
Marahan siyang umiling.
"Nothing." Sagot niya saka sinundan ng buntong-hininga. "It's just that... wala na kasing tumatawag sa akin sa pangalan na 'yan."
Nag-angat ito ng isang kilay sa sagot niya. "Well... I wanna call you, by that name. Yana." Nakangiting binigkas pa nito ang pangalan niya na tila ba napakatamis niyon sa dila nito. "It suits you."
Nang magpalit ng green ang traffic lights ay umabante na ito at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.
Wala naman nang masabi na bumuntong-hininga na lamang siya at hindi na nakipag-talo rito.
May palagay naman siya na hindi siya mananalo.
PAGPASOK pa lamang ng sasakyan ni Lucian sa gate ng kanilang mansion ay natanaw niya na kaagad si Mang Baloy na naroon at tila walang anumang pinupunasan ang sasakyan niya.
Para bang wala lang dito na hindi siya nito sinundo kanina sa paaralan.
Tila naman nabasa ng katabi niya ang iniisip niya nang malingunan siya nitong nakakunot ang noong nakatingin sa driver niya.
"I am the one who asked him to go home, a while ago."
Ito naman ang binalingan niya ng naniningkit na mga mata. "And he obeyed you, just like that?" Aniya na may pagdududa sa sinabi nito.
Kaswal na nagkibit ito ng balikat habang nagma-maniobra upang i-park ang sasakyan nito sa bakanteng espasyo. "Of course not."
Hindi niya inalis ang mga mata dito, at sa pagkakataong iyon ay naroon ang pang-uusig. Tila sinasabi dito na magsabi ito ng totoo, habang magka-krus ang mga braso sa kanyang dibdib.
"Cute." He smirked at her. "I let him talked to your dad."
"Seriously?" Hindi siya makapaniwala na alam ng daddy niya na si Lucian ang susundo sa kanya.
"Believe it, or not." Muli ay tila nabasa nito ang iniisip niya. "Let's go. Kanina pa nila tayo hinihintay." Sabi nito pagkapatay ng makina. Inalis nito ang seatbelt nito at nagpauna nang bumaba ng sasakyan.
Tila naman pinagtiyap ng pagkakataon, pagtingin niya sa frontdoor nila ay naroon at papalabas ang daddy niya na naka-akbay sa mommy niya.
Nang maramdaman ni Lucian na hindi pa siya sumunod dito ay naka-angat ang isang kilay na lumingon ito sa parte ng sasakyan, kung saan alam nito na naka-pwesto siya. Alam niya naman na hindi siya nakikita nito sapagkat heavily tinted ang sasakyan nito. Marahil, ay dahil alam naman nito kung saang pwesto siya nito iniwan.
Naiiling na inalis niya ang seatbelt niya at lumabas na rin ng sasakyan nito. Pakiramdam niya ay kumapit pa sa kanya ang mabangong amoy mula roon.
Hinintay pa siya nitong makalapit at saka sabay silang humakbang palapit sa kanyang mga magulang.
Hindi niya na sinita pa si Mang Baloy, tutal hindi naman pala nito kasalanan at sumusunod lang sa utos ng lalaking ito at kanyang ama.
"Lucian." Nakangiting bati ng kanyang ama rito nang ilang hakbang na lamang ang pagitan nila sa mga ito.
"Hey." Sagot naman ng katabi niya.
"I would like you to meet my wife," ani ng daddy niya na nilingon ang mommy niya, na abot hanggang tainga ang ngiti na nakatingin kay Lucian. "...Imelda. Hon, this is Lucian Der Teufel, our bussiness partner, from LDT Corporations. One of the heirs of Lucifer Der Teufel."
Lalong tila nangislap ang mga mata ng mommy niya nang marinig ang pangalan nito.
Agad na gumana ang isip niya.
Ang pagkaka-alam niya, base sa minsang naririnig niyang pag-uusap ng mga magulang niya, ay malaking kompanya ang LDT Corporations. At alam niyang matagal na itong sinusuyo ng kanyang ama upang makipag-partner sa kompanya nila.
As per her father's words, kapag umano napapayag nila ang LDT Corp. na maging partner nila ay para na silang nakasandal sa pader. Secured na raw ang future ng kompanya nila, kahit na ilang bagyo pa ang kaharapin nito.
Kaya naman pala walang pagdadalawang-isip na pumayag ang daddy niya na si Lucian ang sumundo sa kanya.
She secretly rolled her eyes.
"Oh, hi, Mr. Der Teufel," bati agad ng kanyang ina habang naroon pa rin ang hindi mapuknat na ngiti. "It's my pleasure to meet you. And welcome to our house."
Na ginantihan naman ni Lucian ng matamis ding ngiti. "Oh, the pleasure is mine, ma'am." He answered, in his most adorable way. She almost roll her eyes, again. "Just call me Lucian." Dagdag pa nito nang tanggapin ang kamay ng kanyang ina.
At sa panlalaki ng kanyang mga mata... pinihit nito ang kamay ng mommy niya at dinala sa mga labi nito upang bigyan ng masuyong halik ang likod ng palad nito.
"Oh." Iyon lamang ang tanging naging reaksyon nito, na sa wari, ay gusto pang kiligin.
Nanlalaki pa rin ang mga mata at nakabuka ang bibig na umangat ang tingin niya, mula sa kamay ng mommy niya, na hinagkan ni Lucian, patungo sa kanyang ina, bago dumako iyon sa kanyang ama.
Tila naman balewala lamang dito ang nasaksihan, sapagkat nakangiti pa rin itong nakatunghay sa dalawa.
"Uhrmp..." tikhim niya upang makuha ang atensyon ng mga ito.
Para bang nakalimutan na ng mga ito na naroon din siya. At well... siya ang anak ng mga ito.
"Oh, hi, baby." Tila wala namang anuman na nakangiti pa rin na bumaling sa kanya ng kanyang ina. Bahagya pa itong lumapit at hinalikan siya sa pisngi. "How was your day?"
Nagkibit na lamang siya ng balikat at saka lumapit sa daddy niya upang humalik din sa pisngi nito.
"Oh, sorry. Halika at pumasok na tayo." Sabi ng mommy niya at inakay na siyang papasok. "Come on, Lucian, naghanda ako ng pagkain para sa kaarawan ng asawa ko. Join us."
"Sure."
Ang kapal talaga! Hindi man lang tumanggi.
It was supposed to be a family dinner.
Nilingon niya ito at inirapan.
Na tila naman balewala lang dito ang ginawa niya. He just winked at her and smile.
Lalo lang siyang nainis. Grrr...
Sa hapag ay halos hindi rin naman siya kumikibo. More on bussiness kasi ang pinag-uusapan ng daddy niya at ni Lucian.
And that pissed her more.
It was supposed to be a dinner for her father's birthday. Dapat ay hindi ng mga ito hinahaluan ng negosyo ang usapan.
"Hey." Kuha ng katabi niya sa atensyon niya.
Isa pa iyon sa ikinaiinis niya.
Bakit ba doon pa nito napili na maupo sa tabi niya? Tapos panay pa ang alok ng pagkain sa kanya.
Hindi man lang ba nito nararamdaman na naiinis siya sa presensya nito?
Ang mga magulang niya naman, benta din. Parang nagugustuhan pa ng mga ito na nagpapakita ng interes sa kanya si Lucian.
Hays!
Walang buhay na binalingan niya ito ng tingin.
"You okay?" Tanong nito na matiim na nakatingin sa kanya.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago wala ring buhay na sumagot. "Yeah."
"So, Lucian..." tila napipilitan lang na inalis ni Lucian ang paningin sa kanya at ibinaling sa kanyang ina. "Are you courting our daughter?"
Tila awtomatiko ang panlalaki ang mga mata niya sa tanong ng nito. "Mom!"