His Little Yana

1089 Words
LUCIAN heaved a deep sigh. Sa ilang pagkakataon na umaakyat siya sa mundo ng mga tao, ay hindi maaaring hindi siya magtungo sa lugar na ito. Pakiramdam niya ay may hatid na kapayapaan sa kanyang kalooban ang tunog ng mga alon sa dagat, gayundin, ang maalat na lasa ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Ito ang pinaka-paborito niyang lugar, sa lahat ng pag-aari ng kanyang ama, sa mundong ibabaw. Lingid sa kaalaman ng mga tao, na sa tuwina ay sinasabing itinatakwil ang demonyo, ang karamihan sa mga establisyementong kinaluluguran at kinaaaliwan ng mga ito ay pag-aari ng kanyang ama. Mga pasugalan, bahay-aliwan, ilang kina-aadikang laro, maging ang ilang matatayog na kompanyang pinamamahalaan ng ilang matataas na tao sa lipunan. Mga kompanyang itinatag ng kanyang ama noong mga panahong naninirahan pa ito sa mundo ng mga tao. Sa lahat ng naipundar ng kanyang ama, ang lugar lamang na ito ang sa palagay niya ay panatag ang kalooban niya. Ngayon ay alam niya na. Sa lugar na ito lumaki at nagka-isip ang kanyang ina. Somehow, he belong here. Without him knowing, this place reminds him of his mother. This place makes him feel, that he's with the one, who's very dear to his heart. Mariana. Again, a deep sigh heaved from his chest. Isinuksok ni Lucian ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na maong at ipinasyang maglakad-lakad sa tabi ng dalampasigan. Hinayaan niyang isayaw ng panghapong hangin ang medyo may kahabaan niyang buhok, gayundin, ang suot niyang t-shirt na humahakab sa maskulado niyang dibdib. Alam niyang ilang araw lamang ang maaari niyang ilagi sa mundong ito, bago muling bumalik ang kanyang ama, at sunduin siya. Nais niyang samantalahin ang panahong namnamin ang kapayapaang hatid ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan at pagaspas ng sariwang hangin sa kanyang tainga. Nangunot ang kanyang noo nang matanawan ang isang batang babae na naka-yukyok sa dalampasigan, ilang hakbang na lamang, malapit sa kanya. Inililipad din ng hangin ang mahaba nitong buhok. Ngunit dahil may kaliitan ito at nakayukyok nga sa kanyang maliliit na mga braso, na nakapatong sa kanyang mga tuhod, ay halos takpan na ng buhok nito ang buong bulto nito. Kanina pa ba ang batang iyon doon? Bakit tila ngayon niya lamang ito napansin? Habang papalapit ay unti-unti niyang naririnig ang mahihina nitong paghikbi. Out of curiosity, nilapitan niya ang bata upang tanungin kung ano ang ginagawa nito sa dalampasigan nang nag-iisa at bakit ito umiiyak. Huminto siya kulang dalawang hakbang na lamang mula rito at iniluhod ang isang tuhod sa buhangin. "Hey, baby girl..." Unti-unti ay nag-angat ito ng ulo at hinawi ng munting kamay nito ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Noon niya nasilayan ang maamo nitong mukha. Bahagya pang namumula ang mga mata nito pati na rin ang tuktok ng ilong, dahil marahil sa pag-iyak. Hinahawi pa rin nito ang buhok nito habang sumisinghot-singhot pa, kasabay ng paminsang pagsigok, na tumingin sa kanya. "Are you lost?" Masuyo pa rin niyang tanong. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya nang magtama ang kanilang mga paningin. Tila ba may kung anong tumadyak sa kanyang dibdib sa lakas ng kabog niyon. At hindi siya makapaniwala sa epekto ng inosenteng paninitig ng mga mata nito sa kanya. Hindi niya kilala ang estrangherong emosyon na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Tila ba nais niyang pahintuin ang takbo ng orasan at makuntento na lamang sa ilalim ng paninitig ng paslit na ito. Well... he can actually, do that. He was not called the Prince of Hell, for nothing. But, what the hell? Marahang umiling ang bata bago bumaling ang mga mata sa karagatan. "My slipper was drifted by the waves." Naroon pa rin ang hindi mapigil na pagsigok nito. "Wala na ka-partner 'tong tsinelas ko." Ani pa nitong malungkot na bumaba ang tingin sa iisang paang tsinelas na suot pa rin nito. Wala sa loob na bumaba rin ang tingin niya sa suot nitong iisang tsinelas, bago nilingon ang karagatan. "Oh. Why are you here, anyway? Nasaan ang mga magulang mo?" Muli ay luminga ang bata. Sa kabilang panig naman humayon ang mga mata nito. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw niya ang ilang kabahayang gawa sa kawayan at sawali. "Doon po ang bahay namin." Turo nito. Nilinga niya rin ang bahaging itinuro nito at tumango, kahit pa hindi naman niya alam kung alin doon ang bahay nito. "Why are you here, baby girl? Hapon na at delikado para sa katulad mong bata ang manatili nang nag-iisa rito. Katulad niyan, inanod ng alon ang tsinelas mo. Paano kung sa susunod ay ikaw naman ang anurin ng alon?" Hindi niya napansin na tunog sinesermunan niya na ang paslit. Nagulat pa siya at bahagyang nangunot ang noo nang bumungisngis ito. Itinakip pa nito ang dalawang munting kamay sa bibig at tuluyan nang sumalampak ng upo sa buhanginan. "Hindi naman po ako kayang anurin ng alon. Ang sabi ng mama ko, ang bigat-bigat ko na raw." Naka-angat ang isang kilay at naka-labi na tumingin siya rito. Tila sinasabing, 'Wehh?' "Opo." Tumatango-tango at nanlalaki pa ang mga matang sabi nito. Tila nakalimutan nang kanina lamang ay umiiyak ito. "Sabi nga po ni mama, 'di niya na ako pwede buhat kasi mabigat na raw ako." Kapagkuwan ay muling lumalam ang mga mata nito. "Maysakit po kasi si mama." Hindi namamalayan ni Lucian na nakaupo na rin siya sa buhangin at matamang nakikipag-usap dito na tila kaedad niya ang kausap niya. "Maysakit?" Malungkot pa ring tumango ang bata. "Opo. Sabi nga ni Oscar, mamamatay na raw po ang mama ko." Sa kabila ng kalungkutan sa anyo nito ay kita niya ang biglang pananalim ng mga mata nito sa huling sinabi. "Bad talaga 'yun si Oscar, eh. Sabi nga ni mama 'wag daw ako makikipaglaro d'on." Ramdam niyang pilit na lamang nitong pinatatatag ang tinig. Dama niya, batay sa kalungkutan ng tinig nito at muli na namang pangingilid ng mga luha, na totoo ang sinasabi nito patungkol sa ina nito. Ayaw lamang iyong tanggapin ng bata pa nitong isipan. "Ano ba ang sakit ng mama mo?" Masuyo niyang tanong dito. Nagkibit ito ng balikat bago sumagot. "Narinig ko sabi ni Aling Tasing n'ong bumibili ako sa tindahan nila, may Cancer daw si mama sa baga." Umangat ang nagtatanong nitong mga mata sa kanya. "Ano ba 'yong sakit na 'yon... ahmm..." kita niya ang bahagyang kalituhan sa mukha nito. "Ano nga po pala ang pangalan mo?" Tipid siyang ngumiti. "Lucian. You?" "Yana." Fuck! Why does her name feels like home? Why does this little girl, feels like salvation for him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD