MARIANA

1051 Words
Year 2007 Mariana Castoriano 1829-1850 Matamang nakatitig si Lucian sa mga titik at numerong nakaukit sa lapidang nasa kanyang harapan. Ayon sa private investigator na inupahan niya, iyon daw ang puntod ni Mariana, ang kanyang ina. Hindi naging madali para sa kanya ang matagpuan ito. Dahil sa matagal na panahon na, mula nang pumanaw ito, ay wala na halos nakakikilala rito. Kung mayroon mang mangilan-ngilan na matatandang nakarinig ng kwento tungkol sa yumao niyang ina, ay mga tikom naman ang mga bibig. Tila takot na banggitin man lamang ang istorya patungkol dito. At sa tingin niya, ay alam niya kung bakit. "Marinana Castoriano Der Teufel. Iyan daw ang buo niyang pangalan, ayon doon sa napag-tanungan ko. Ang Der Teufel ay apelyido umano, ng naging asawa nito... si Lucifer Der Teufel. Dati raw umanong madre si Mariana, na umibig kay Lucifer, na isang dayo, dito sa bayan ng Sta. Monica." Bahagyang naka-angat ang kilay na nilinga niya ang imbestigador na katabi nang huminto ito sa pagsasalaysay at tila takot na luminga-linga. Animo natatakot itong may makarinig ng mga sasabihin nito. Mariin muna itong lumunok bago nagpatuloy, ngunit bakas pa rin ang takot sa mukha. "Ayon sa sabi-sabi, sir, umibig daw si Marina sa isang d-demonyo." Halos ay pabulong na lamang nitong binigkas ang huling kataga. "Nagkaroon daw po ang mga ito ng dalawang anak na lalaki, ngunit walang nakaaalam kung saan napunta ang mga sanggol." Muli ay nilinga niya ito. "Dalawa?" Kunot ang noong tanong niya rito. Ang pagkaka-alam niya ay tatlo silang magkakapatid. Ngunit hindi niya pa nakikita ang mga ito. Nalaman lamang niya ang tungkol doon nang makita na ng kanyang ama ang mga ito. Iniwan diumano ito ni Mariana sa Madre Superiora ng kumbento, bago ito mamatay. Mula pa nang malaman niya ang tungkol sa mga kapatid niya ay may sumibol nang inggit sa kalooban niya. Tinatanong niya noon ang kanyang sarili kung bakit iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang ama. Bakit ang mga kapatid niya ay kinuha nito at nagkaroon ng normal at masayang buhay? Siya? Hayun... namuhay kasama ng mga makasalanan sa impiyerno. Ngayon ay may panibago na namang tanong sa kanyang isipan. Bakit dalawa lamang ang alam ng mga itong naging anak ni Mariana? "Opo, dalawa. Bago raw po mamatay si Mariana, ay malinaw nitong inihabilin sa Madre Superiora na nais umano nitong magkaroon ang kanyang mga anak ng normal na buhay. Inamin daw ni Mariana sa madre na ang Diyablo ang ama ng kanyang mga anak." Kita niya sa anyo nito ang hilakbot. "At, ahmm..." malikot pa rin ang mga mata nito at tila aligaga ang kilos. "...kung isasalin n'yo raw po ang apelyidong Der Teufel sa salitang German..." isa munang mariing lunok ang ginawa niyo bago nagpatuloy. "The Devil, daw po ang kahulugan." Hindi napigilan ni Lucian ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. Totoong iyon nga ang kahulugan ng apelyidong ginamit ng kanyang ama noong namuhay ito rito sa mundo. At lingid sa kaalaman ng katabi niya, ay iyon din ang gamit niyang apelyido. Lalo pa siguro kung malalaman nito kung ano ang koneksyon niya kay Lucifer Der Teufel. Baka kumaripas na lamang ito ng takbo. "Ayon po sa mga napag-tanungan ko, dahil sagrado katoliko raw po ang pamilya Castoriano, hindi raw po pumayag ang pamilya ni Mariana na ipalagay sa lapida ang apelyido ng asawa nito, kaya't Castoriano pa rin ang gamit na apelyido ni Mariana, maging sa death certificate niya." Binuksan ni Detective Ramos ang bag na dala nito, at mula roon ay inilabas nito ang isang brown envelope at iniabot sa kanya. "Narito po sa loob ng envelope na ito ang iba pang mga impormasyon tungkol kay Mariana." Agad namang inabot iyon ni Lucian. "Magaling, Detective Ramos. Ipapa-transfer ko na lamang sa account mo ang kabuuang bayad ko sa serbisyo mo." Walang kahit na anong emosyong mababasa sa kanyang mukha. "Maraming salamat po, Mister...." inilahad pa nito ang kanang kamay at halatang hinihintay na dugtungan niya ang sinabi nito. "Lucian." pormal niyang sabi sabay tanggap sa nakalahad nitong kamay. "Just call me Lucian." Salat pa rin sa emosyon ang kanyang anyo. Na kabaligtaran naman ng anyo ng kanyang kaharap. "Salamat, Sir Lucian." Abot hanggang tainga ang ngiti nito. Kita ang pagniningning ng mga mata. Sino ba naman ang hindi magniningning ang mga mata? Sa laki ang halagang napag-usapan nila ay baka kaya na nitong magpatayo ng sarili nitong agency. "Ahm, maaari ko po bang malaman kung bakit ninyo ipinahanap si Mariana?" Halatang nais na lamang nitong maki-usyoso, o, maghanap ng maaaring mapag-usapan. "Isa po ba kayong field researcher ng isang programa sa telebisyon, at nais ninyong i-feature ang buhay ni Mariana sa programa n'yo? Marami na rin po kasi ako--" "Makakaalis ka na." Putol ni Lucian dito sa malamig na tinig. Deretso pa rin ang tingin sa lapida ni Mariana. Na mukha namang hindi dinamdam nito. "Sa uulitin po. Ipatawag n'yo lang po ako," isinaludo pa nito ang dalawang daliri sa kanya. "...anytime." Anito bago tumatikod at tuluyan na siyang iwan. Hindi naman naglipat-saglit nang maramdaman niya ang pagdaan ng mainit na hangin sa kanyang batok. "Ngayong nasagot na ang mga katanungan mo..." hindi na siya nagulat nang marinig niya sa kanyang tabi ang nakakikilabot na tinig ng kanyang ama. "...sasama ka na ba sa akin, pabalik ng impiyerno?" Kung ordinaryong mortal lamang siya ay baka nagtaasan na ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa lalim ng boses nito. Ngunit hindi siya isang ordinaryong mortal. Ni hindi man lamang siya napitlag sa presensya nito. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa lapida sa kanyang harapan. Sunod niyang narinig ang makatinding-balahibo nitong halakhak. "Bwahahahaha!" Tawa nito habang tinatapik-tapik pa ang kanyang balikat, na animo nakagawa siya ng nakalulugod na bagay, para dito. "Hindi ka tatawaging anak ni Lucifer kung madali kitang mapasusunod, anak ko!" Katulad kanina, tanging mainit na hangin na lamang ang naramdaman niya nang maglaho ang kanyang ama sa kanyang tabi. Ngunit kaakibat ng hanging iyon ay maririnig ang iniwan nitong mga salita. "Humayo ka, kung gayon. Lasapin mo ang lahat ng kasiyahang kayang ibigay sa iyo ng mundo ng mga tao. Hindi mo na kinakailangang maghasik ng kasalanan sa mundong ito... sila na mismo ang gagawa ng mga ito, para sa'yo." Anang nakakikilabot nitong tinig na tila sumasabay sa ihip ng hangin. "Hanggang sa muli, anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD