Chapter 28

1920 Words

"WOW!" Iyon ang unang nanulas sa mga labi ni Zia nang makarating sila sa sinasabing isla ni Lucian. "Ang ganda, Lucian." Awang pa rin ang mga labing mahinang bulalas niya, habang pinaiikot ang mga mata sa paligid. Nang makababa sa speed boat ay agad niyang tinakbo ang glass house na nakatirik, hindi kalayuan sa dalampasigan. Kanina, habang papalapit sila ay manghang-mangha na siya nang matanaw iyon. Lalo pa ngayon na makalapit siya. Napakaganda! Hindi iyon kalakihan, ngunit walang hindi mapapanganga sa ganda niyon. Maliwanag na maliwanag ang buong paligid. Tanaw niya mula sa labas ang loob ng kabahayan, sapagkat napapalibutan nga lamang ito ng malinaw na salamin. Nilingon niya si Lucian na nakangiting nakasunod sa kanya. Nakasilid sa magkabilang bulsa nito ang dalawang kamay at inili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD