PAGKATAPOS ng libing, ay balot pa rin ng kalungkutan na bumalik sina Lucian at Yana sa tirahan ng huli.
Ganoon pa rin iyon, sa kung papaano nila iniwan.
Magulo ang buong kabahayan, nasa lamesa pa rin ang ilang pinag-kainan. Gayundin, ang lababo, na puno pa rin ng mga hugasang naging permanente na yatang tirahan ng mga peste sa bahay.
Bukas pa rin ang nag-iisang silid kung saan binawian ng buhay ang ina ni Yana. Naroon at magulo pa rin ang tulugan kung saan huling naramdaman ni Yana ang yakap ng kanyang ina.
Kapwa sila walang imik na naupo sa naroong lumang sofa. Bahagya pa iyong lumangitngit, marahil, ay sa bigat niya.
Nilingon niya ang katabi ngunit wala naman siyang naapuhap na sabihin, kaya't nakuntento na lamang siya na titigan ito.
Hindi niya alam kung papaano pagagaanin ang kalooban nito. f**k, how could he do that? In his whole existence, he never, ever tried to comfort any creatures.
Especially, human.
He was not made for that.
He was made to make them suffer. For them to repent all the sins that they had committed in their lives.
To make them feel hell.
Hindi pa man nag-iinit ang kanilang pagkaka-upo ay narinig na niya ang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan.
Kasunod ng mahinang pagtawag. "Tao po..."
Nang bumaling siya kay Yana ay tila wala itong narinig na patuloy lamang sa paninitig sa kawalan. Kaya't wala nang pagpipiliang tumayo na lamang siya at tinungo ang pintuan.
Pagbukas niya nang pintuan ay bumungad sa kanya ang dalawang babaeng kapwa may ngiti sa mga labi. Mga ngiti na dagling napalis nang makita siya. Tila walang anumang humagod ang mga mata ng mga ito mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan hanggang sa mga paa, saka bumalik muli paakyat sa kanyang mukha. Sabay na unti-unting namilog ang kapwa mga mata ng mga ito at naghugis ng bilog ang mga bibig sa pagnganga.
Oh, his effect with women. Tch. He secretly smirked.
Nagpakawala muna siya ng isang tikhim upang gisingin ang tila naglalakbay na nitong mga isipan. "Ano'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" Aniya sa baritonong tinig na lalong tila nagpamangha sa mga ito.
Unang nakabawi ang babaeng nasa harapan niya. Binigyan siya nito ng ubod tamis na ngiti bago ikinipit sa tainga ang ilang takas na buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha.
Aroganteng umangat ang gilid ng kanyang labi at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Hmm... Puede Pasar!
"Uhm..." panimula nito na tila nag-aapuhap pa rin ng tamang salita. At kung papaano nito iyon sasabihin sa isang nakakaakit na paraan. "S-sir... ako po si Mildred, at siya naman po," bumaling sa kasama nitong tahimik pa ring nakamata kay Lucian. "...si Megan. We are from the Department of Social Welfare and Development."
Sumulyap ito sa loob ng bahay at saka muling bumalik ang tingin sa kanya. "Maaari po ba kaming tumuloy?"
"Tungkol saan ang sadya ninyo?" Aniya sa mga ito sa pormal at malamig na tinig, hindi man lamang natinag sa kinatatayuan.
Kahit pa nga nababasa niya na sa mga isipan ng mga ito ang totoong pakay sa pagtungo doon.
"Uhm..." Pakiramdam ng dalaga ay tumatagos sa kanyang kaibuturan ang matitiim na panitig ni Lucian. "B-baka po maaaring sa loob na natin pag-usapan ang aming sadya?" Sagot nito bago lumingon sa kanilang paligid.
Nang mag-angat ng tingin si Lucian ay nakita niya ang ilang mga kapitbahay nina Yana, na mga nasa labas ng kanilang tirahan at marahil ay nakiki-usyoso sa kanilang magiging pag-uusap. Ang ilan ay tila mga walang pakialam kung hayagan mang nakatayo sa mismong malapit sa kanila at walang pakundangang nagbubulungan habang pandalas ang pagwasiwas ng mga hawak na pamaypay, na animo init na init, ngunit ayaw namang magsialis sa kinalulugaran upang makasagap ng sariwang hangin sa mas maaliwalas na lugar.
Walang imik na niluwagan ni Lucian ang bukas ng pintuan at paatras na humakbang, upang hayaang makapasok ang mga panauhin.
Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa mga usisero at usisera sa labas, bago kinabig pasara ang pintuan.
Kung maaari nga lamang paglagablabin ang kanyang mga mata at sunugin doon pa lamang ang kaluluwa ng mga ito, ay siya niyang mas mamatamisin.
Hindi na bale, dama niyang magkikita pa silang muli ng mga ito.
Ah, hindi na siya makapaghintay sa oras iyon. He can't wait to burn their souls into his own bare hands!
Pormal pa rin ang mukha at wala ni katiting na ngiti na hinarap niya ang dalawang panauhin.
"Ahm..." tila naman nakaramdam ng pagka-ilang ang mga ito nang ni hindi man lamang niya anyayahang maupo.
Nanatili lamang siyang nakahalukipkip at matiim na nakatitig sa mga ito.
"P-pwede po ba kaming maupo, Mister...?" ibinitin nito ang salita na halatang hinihintay na dugtungan niya.
"Lucian." Maigsi niya namang dugtong. "Sure." At iminuwestra ang upuang nasa likod ng mga ito, katabi ni Yana, bilang pagpapaupo, kasabay ng pagkikibit-balikat.
Nagpakawala ito ng isang tikhim at alanganing ngiti. "Y-yes... uhm, Mr. Lucian--" panimula nito nang makaupo.
"Just, Lucian." He snapped, cutting her.
"Hrmmp..." muli ay kiming tikhim nito, naroon pa rin ang alanganing ngiti. "O-okay... uhm, Lucian. As I was saying, narito kami sapagkat nakarating sa aming tanggapan ang pagkamatay ng ina ni Asiana," naroon ang pagsuyo at simpatya sa mga mata ng dalaga nang lingunin ang bata, na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring imik, bago muli ring tumingin sa kanya.
"At bilang wala na siyang ibang natitira pang kamag-anakan dito sa Sta. Monica at wala rin namang lumilitaw na ibang kamag-anak upang kuhanin siya, at siyang mag-alaga sa kanya..." muli ay nilingon nito ang bata. "Kailangan po namin siyang kuhanin at dalhin sa center. Mas maaalagaan po namin siya doon."
Agad na bumakas ang pagtutol sa mga mata at anyo ni Lucian. "No. I can--"
"Kamag-anak po ba kayo ng bata?" Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang pinutol nito.
"No. But I am her friend--"
"Then, no, Sir." Ani ng dalaga na may kasamang pag-iling. "Tanging kamag-anak lamang po ang maaaring kumupkop sa kanya. Pasensya na po."
Walang maapuhap na salita na mariing naikuyumos na lamang ni Lucian ang palad sa kanyang bibig.
Ipagkakatiwala niya ba si Yana sa mga ito, gayong hindi rin naman ito kaano-ano ng bata? Makasisiguro ba siya na aalagaan nga ng mga ito nang mabuti si Yana?
Sa kabilang banda, kung pumayag ang mga ito na kupkupin niya si Yana, papaano naman niya ito aalagaan?
Alangang isama niya ito sa impiyerno!
Fuck!
Huminga muna siya ng malalim bago nuling nagsalita. "Kapag dinala ninyo siya sa DSWD, ano na ang mangyayari sa kanya?" Nais niyang masiguro na magiging maayos ang kalagayan nito sa pagdadalhan dito.
"Doon, maalagaan po namin siya ng maayos. Makakasalamuha siya ng kapwa niya mga bata. At sa nakikita po namin, sa kalagayan niya, sa ngayon," muli ay nilingon nito ang bata at masuyong hinagod sa ulo. "Ay kakailanganin po niya na mag-under go ng ilang sessions sa therapist. Maaari po na na-trauma ang bata sa nasaksihang pagkawala ng ina nito."
"Will she be okay there?"
Naghuhumiyaw man ang pagtutol sa kanyang kalooban ay nakukuha niya ang punto nito. Base sa mga sinabi nito ay mukhang mas mapapabuti nga si Yana kung ang mga ito ang mag-aaruga sa kanya.
The woman gave her an assuring smile. "Yes, Sir." She said, nodding her head. "At maaari din po namin siyang ihanap ng mga bago niyang magiging magulang."
"What do you mean?" He asked, squinting his eyes.
"May mga mag-asawa po na hindi biniyayaan na mabigyan ng sarili nilang mga anak na nagpupunta sa center para mag-ampon ng mga batang wala nang magulang. Kung qualified po sila, at mapatunayan na maaalagaan nila at mabibigyan ng magandang buhay ang batang kanilang aampunin... ipinagkakaloob po namin sa kanila ang pangangalaga sa bata... legally." Nakangiti pa rin nitong paliwanag.
"Huwag po kayong mag-alala, sisiguraduhin po namin na mabibigyan namin si Asiana ng isang masaya at isang buong, bagong pamilya." Salo naman ng isa pang babae.
Hindi man kumbinsido, ay wala namang ibang pagpipilian si Lucian kundi ang ibigay si Yana. Lalo namang hindi niya ito maaaring isama.
Ilang sandali pa ay inaayos na ng dalawang babae ang iilan namang mga gamit ni Yana upang madala nito sa pag-alis. Nanatili lamang na nakamata si Lucian sa mga ito.
Nang ibaling niya ang tingin kay Yana ay nakaramdam siya ng pagkahabag dito. Napakabata pa nito upang maranasan ang mga bagay na dinaranas nito nang mga sandaling iyon.
Naiiling na nilapitan niya si ito at lumuhod sa harapan ng bata upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Iniangat niya ng dalawang daliri ang mukha nitong nananatili lamang na nakayuko. "You okay, Babygirl? Hmmm..." Buong suyo niyang kausap dito, na kung may makaririnig sa kanya mula sa kanyang pinanggalingan, lalo na roon sa mga nakaaalam kung sino at ano siya, ay talaga namang manggigilalas.
Back there, where he came from... he was as cold as an ice and as hard as a stone.
Lucian Der Teufel was never gentle.
Wala pa ring imik si Yana, ngunit sa pagkakataong iyon ay sinalubong na nito ang kanyang paningin.
"Hrmmp, Babygirl..." panimula niya, saka hinawakan ang dalawa nitong kamay na nakapatong sa kandungan nito. Waring sa pamamagitan niyon ay nais niyang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. "Uhm... kailangan mong sumama sa kanila, ha..."
Sa sandaling iyon ay bumakas ang takot sa mga mata nito. Naramdaman din ni Lucian na humigpit ang hawak nito sa kanyang mga kamay.
"I promise..." agad niyang sabi upang pawiin ang takot na nararamdaman ng paslit. "Promise, I will find a way para maialis ka doon at mabigyan ka ng mas maayos na buhay at tirahan."
Pinalis ng isang daliri niya ang isang butil ng luha na pumatak sa mata nito. "Trust me."
Ang isang patak ay naging sunud-sunod na. Hanggang sa maging tuloy-tuloy na ang pagbalong ng mga iyon sa magkabilang pisngi ni Yana.
Mabilis naman niyang pinahid ang mga iyon at ikinulong sa magkabilang palad ang mukha ng bata. "Shhh... don't cry. Shhh..." alo niya rito saka ubod ng suyo itong hinalikan sa noo. "I got you... remember? Hmmm...? Just... trust me. Okay?" Hawak pa rin sa magkabilang pisngi na muli niyang hinuli ang paningin nito.
Hindi niya alam kung naintindihan ba nito ang mga sinabi ngunit bilang tugon ay marahan itong tumango habang nakatingin din sa kanyang mga mata.
"Uhm..." pinutol ng tinig na iyon ang pag-uusap nila ni Yana.
Nang lingunin niya ang dalaga ay magkasalikop ang mga kamay na nakatayo na ito sa kanyang likuran. Ang kasama naman nito ay nakatayo malapit sa may pintuan, bitbit ang isang bag na alam niya kinalalagyan ng mga damit ni Yana.
"Pasensya na po, pero kailangan na po naming umalis." Magalang na sabi ni Megan.
Wala naman nagawang marahan na lamang siyang tumango at muling humarap kay Yana. "Wait for me... okay?"
Muli ay tumango si Yana bilang tugon.
Sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ng mariin ang noo nito bago pabuntong-hiningang tumayo na.
Nilingon niya ang nakatayong dalaga at tinanguan. "Take care of her."
"Wala po kayong dapat alalahanin." Nakangiti namang sagot nito at nilapitan na si Yana at inakay patayo. "Kami na po ang bahala sa kanya."
Nakasilid ang magkabilang palad sa bulsa ng kanyang maong, nanatili lamang na nakamata si Lucian sa mga ito.
Nang nasa may pintuan na ang mga ito ay nilingon ni Yana si Lucian.
"Lucian!" Anito sa maliit na tinig at saka tumakbo pabalik sa binata.
Wala namang pag-aatubiling lumuhod si Lucian at sinalubong ito ng yakap at saka tumayo habang karga ito sa kanyang malalakas na mga bisig.
"L-lucian, bilisan mo, ha..." anang paslit kasabay ng mga paghikbi at pagsigok. "P-puntahan mo ako a-agad, ha." Iyak nito nito habang nakayakap sa kanyang leeg ang mga munting braso at nakayukyok ang luhaang mukha sa kanyang balikat.
"Ma-malulungkot ako d'on, Lucian... p-puntahan mo ako a-agad, ha... mangako ka, Lucian."
"Pangako." Masuyo niyang hinahagod ang likod nito bilang pag-alo. "Shhh... 'wag ka nang umiyak. I hate to see you crying. Promise... pupuntahan kita doon."