EPISODE 4

1718 Words
CHAPTER 4~ Small World Nakatingin lang ako sa kwarto nina Ferrer mula sa baba. Paano ko aakyatin ang isang yan? Kung dadaan ako sa main entrance makikita ako. Hayy, dagdag sa problema ko eh. Pero curious talaga ako eh. Anong magagawa ko? "Girls dorm, clear?" I immediately hid myself in the dark nang marinig ko ang boses babae na 'yon. Mabuti na lang at sanay akong magtago, sa dati naming school ang dami kong atraso kaya isa na rin 'yon sa mga rason kung bakit ako andito. "Walang naglalakad, clear," sagot naman ng isa. Wala ngang naglalakad pero may nagtatago naman. Tanga ba lahat ng estudyante sa school na 'to? Di man lang sinilip ang pinagtataguan ko. Kung sa bagay, nagpapasalamat na rin ako dahil tanga sila. Pero ba't parang familiar ang boses ng lalaking 'yon? Masilip nga. He's one of the boys na nagpabugbog sa akin! Urggh! Nagagalit na naman ako. Gusto kong maghiganti. Pero Skyler, iba ang goal mo ngayong gabi. Baka mamaya mas lalo pa akong mapahamak. Temper, calm down. Siya 'yong lalaking nakita ko kasama ang Trinities na may headphones sa tenga at may bitbit na iPad. Ngayong gabi may headphones na naman siyang nakasabit sa leeg niya. Is he a musician or what? "Sa boys dorm?" tanong na naman ng babae. Ikaw kaya ang mag-check ba't puro ka lang tanong. "Clear," the freaking bastard answered at kinalikot ang phone niya. Ang dami namang gadget na bitbit nito pero hindi na ako makapagtimpi! I want to kill him! Pero next time mo nalang siya patayin Sky ha? Let that bastard live longer. "Let me check it," the girl volunteered at itinutok ang flashlight sa area kung saan ako nagtatago. Sht! What to do?! Waah! Ayoko pang mamatay! Papatayin ko pa ang lalaking yan! Nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papunta sa direksiyon namin. Bigla akong kinabahan. Nakita ba nila ako? Oh my god! Don't tell me this is another trouble again? Mamamatay na naman ba ako? "Kate, may nakita kami sa likod ng library, they're making out," I felt relieved. Buti naman at hindi ako nakita. Salamat talaga sa mga gumawa ng milagro sa likod ng library, thank you talaga. "Let's go," the girl they called Kate said at tumakbo na sila palayo. I sighed deeply. Phew! That was close! Pero bakit students lang ang naglilibot sa campus? It should be the guards since marami naman sila. Or don't tell me takot sa dilim ang mga gwardiya na 'yon? Ang dami ko namang problema. Now, what's the next problem? Ay, oo nga pala, how can I climb the balcony with no one noticing me? Tinalasan ko ang mga mata ko and gotcha! I found a rope! Plus may bonus pa na hook! Akala ko di ako makakakita ng tali eh, ang dilim kaya dito. Buti naman I have two bright eyes! Itinali ko sa bewang ko ang other end ng tali at ang isa naman ay nilagyan ko ng hook. I threw it as far as I can at buti naman at sumabit ang hook sa window na nasa second floor. Nasa third floor kasi ang kwarto ng demonyong yun. Pero ang ikinaiirita ko ngayon ay ang katawan ko. Punyeta! Nakakaramdam na ako ng hapdi at kirot! Dahan-dahan akong umakyat while holding on the rope, carefully stepping on the walls para hindi makagawa ng ingay. Pagkarating ko sa bintana agad kong tinanggal ang pagkakatali at itinapon na naman sa balcony na nasa third floor na according to Gianna the stupid, ang kwarto ng demonyo. Finally! I reached the demon's room. Wag lang sana masasayang ang effort ko kundi wawasakin ko ang Earth! Pero siyempre joke lang 'yon kasi di ko kayang wasakin ang Mother Nature, ang Jupiter na lang para 7 nalang ang matitirang planeta sa Solar System at para mabawasan ang kailangang pag-aralan sa tuwing exam. Ay, mas lalo palang madagdagan. Magkakaroon ng napakaraming theories kung bakit nawasak ang Jupiter. Alangan naman aamin ako na winasak ko diba? Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? I shook my head at nagtago ako sa gilid ng veranda nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Yung isa, parang familiar ang boses niya. Sino kaya siya? "Nasan si Grey, Brent at Ivan?" Okay, boses palang alam ko ng demonyo. Hayy, nanggigil na naman ako. Ba't ba ang sarap kumitil ng buhay ngayon? "Papunta na rin sila dito pag tapos na nilang parusahan ang dalawang yun," sagot naman ng letseng lalaki. Hayy, and now I'm acting like a real eavesdropper. Kainis! Pero yun ang titulong binigay nila sa akin kaya papanindigan ko na tutal andito na rin naman ako. "Puntahan natin," anyaya ng demonyo. Puntahan niyo na! Bilis! Naiinip na ako dito oh! Ayoko pa naman sa lahat ang pinaghihintay. "Ikaw na lang, galing ako dun," sagot naman ng lalaking kausap niya. Sumama ka nalang kasi! Matatakutin pa naman ang demonyong yun. Awooo! "Okay," sagot naman ng demonyo. Aissh! Ang dali mo namang pumayag! Pilitin mo yung isa! Diba takot ka sa dilim? Sige na! "Sige Renz, samahan na lang kita," sagot naman nung isa. Yes! Samama ka naman pala eh, masyado ka namang hard-to-get. It's time for you to investigate Skyler! Dahan-dahan kong binuksan ang glass door and went inside with slippers off. I froze nang may lalaking humarap sa akin. Oh no! I thought sumama siya? Kainis 'to! Umepal pa kasi eh! "Intruder! Intru---" dali-dali ko siyang sinipa sa part where it hurts the most saka tinakpan ang bibig niya. Medyo humapdi yung paa na ginamit ko sa pagsipa sa kanya, pero wag kayong mag-alala medyo lang naman eh. "Sshh" sabi ko while putting a finger on my lips. Ngayon ko lang na-realize na he's one of the boys na nagpabugbog sa akin and at the same time, yung lalaking tumulong sa akin nung time na nahimatay ako sa balcony. Gusto kong magalit sa kanya pero gusto ko rin siyang pasalamatan dahil tinulungan niya ako. "Nasaan ang mga gamit ni Ferrer?" I asked. He licked my hand that covers his mouth. Urgggh! Gross! Ayan! Naiinis na tuloy ako sa kanya! "Your hand is very salty," he said and acted like he just tasted something gross. When he looked at me, his eyes widen at itinuro pa ako. Problema ng lalaking 'to? "You are the eavesdropper!" he exclaimed. My cheeks blushed with anger. Una sa lahat, ayokong tawagin na 'Sky the Eavesdropper' no! Pero mas maganda na yan kaysa sa bansag ng dati kong school sa akin na 'Sky the Troublemaker '. "I'll kill you!" I exclaimed while running towards him. He's running around the room too. Edi maghabulan nalang tayo! Kainis 'to! "But wait! I wanna say sorry!" sabi niya kaya tumigil ako sa paghabol sa kanya. "I don't know if that is sincere but all I need right now is definitely not your apology," sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito. "Then why are you here?" I used my full strength to kick him in his stomach nung naabutan ko na siya. I punched his face hardly and held his chin up. He certainly can beat me to death and fight me back but surprisingly, hindi siya lumaban. He just let me hit him. "You went here because you want to beat me?" di-makapaniwalang tanong niya. "Not really. But then andito na naman ako so why not?" nakangising tanong ko. "Now tell me, saan ang mga gamit ni Ferrer?" I asked again. Baka mamaya dadating na ang demonyo kasama ang iba pang demonyo, baka dalhin pa ako sa impyerno eh galing na ako dun. "Why would I tell you?" he asked smirking. At nang-iinis ka pa talaga ha? "No need for you to tell me. I can figure it out by myself," I said grinning then stood up. Nagsimula na akong magkalat. Ha! Ikaw na ang bahalang maglinis nito bwisit ka! "Hindi gusto ng leader namin na nakikitang makalat ang mga gamit niya. I'm warning you," he warned me. I rolled my eyes. "As if malalalaman niyang andito ako? He might even blame you," nakangiting sabi ko. Napahinto ako nang makita ko ang cabinet na may picture ni Ferrer at ng kapatid kong naka-akbay sa isa't-isa, at naiyak ako when I saw her smile. A smile I've never seen for a long time. Noong nabubuhay pa siya, she would always tell me stories about the boy she loved so much. Habang kinukwento niya sa akin ang mga karanasan niya kasama ang lalaking iyon, palagi siyang nakangiti at kahit na bitter ako sa love stories, mas gugustuhin ko pang magkwento ng magkwento sa akin ang kapatid ko tungkol sa lalaking yun because I always see that smile on her face. At ang lalaking pinakamamahal ng kapatid ko ay ang demonyong kinaiinisan ko ngayon. Small world, right? "You know that girl?" he asked me. I raised my right eyebrow. Now he's acting like one of my friends, hindi porke't tinulungan niya ako noong isang araw ay pwede na kaming maging close. Never! "We're not close," I said then turned my back at him. I saw the evidence I'm finding for, and no need to stay longer. Natutuwa nga akong makita ang album na 'to dahil wala pa akong picture ng kapatid kong ganito ang ngiti, kadalasan kasi sa mga pictures namin pilit ang mga ngiti niya and I hate it. "In case you'll change your mind, I'm Kyle," he said. I did not bother to answer him at naglakad na papunta sa balcony. Bahala ka diyan, kahit anak ka pa sa presidente hinding-hindi ako makikipagkilala sayo, dahil isa ka sa mga alagad ng demonyo. "Hey! Saan ka pupunta?" Kyle asked me. I rolled my eyes. Papunta nga ako sa veranda diba? Tanga rin pala 'tong isang 'to, akala ko kung sinong matino hindi pala. "I'm taking the exit," I said at itinali muli ang rope sa bewang ko at itinali ang isang dulo sa railing ng balcony sa kwarto nina Ferrer at nagsimulang bumaba. Mas madaling bumaba kaysa umakyat. I jumped nang nasa first floor na window na ako, I smiled in victory before walking away but I immediately stopped when I saw the other four members of the Trinities in front of me. Shock was registered all over my face. "You'll taste hell, Lee." Uh-oh, this is trouble. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD