EPISODE 3

1382 Words
CHAPTER 3 - Handsome as Hell Nasa corridor pa rin ako sa labas ng classroom. Nanghihina na talaga ako. I hate this, I'm feeling weak again. Yung tipong wala kang magagawa kundi asahan ang sarili mo because you have no one beside you. Napaupo ako sa sakit. Eto na, mamamatay na ang lola niyo! Pero hindi pa naman siguro, ako kaya ang bida ng storya na 'to. Err, I'm talking nonsense again! Napatingin ako sa braso kong nilagyan ng bandage. Umaagos kasi ang dugo mula sa sugat ko. Napapikit ako sa sakit at sinubukang tumayo. Ininda ko ang sakit at nagpatuloy ng ilang hakbang paalis pero ilang saglit pa'y napaupo ako sa sakit. Parang di ko na yata kaya eh. Sana di ko na lang sinubukang magpaka-good girl sa first day of school. "Bakit mo pa kasi pinatulan," a voice said at nakarinig ako ng footsteps papalapit sa akin. Napalingon ako sa likod ko. It was one of the boys who almost killed me yesterday, tindig pa lang alam kong kasapi siya ng Trinities. Lumapit siya sa akin at kinarga ako sa likod niya. Gusto kong umangal pero para saan pa? Wala naman akong magagawa sa kondisyon ko ngayon eh. "S-Salamat..." tanging sambit ko at tuluyan nang nakatulog sa likod niya. _______ Nagising ako sa clinic. Pangalawang beses na akong nahimatay, baka sa susunod malagutan na talaga ako ng hininga. I learned a lesson, at 'yon ay huwag pumatol sa mga demonyo. But what if I'm one of those demons? "Sky!" Jahara screamed while entering the room. Sigawan talaga ako? Bugbog sarado na nga ako tapos babasagin pa ang eardrums ko? Di man lang naawa 'tong babae sa akin. "You're loud," I said irritatedly. She sat beside me at inilagay ang plastic sa lap niya at binuksan. Ibinigay niya sa akin ang isang apple. Mukhang ginutom ako nang makita ko ang apple. "My god! Nabalitaan ko ang nangyari. Okay ka lang ba?" Ang bilis naman kumalat ng balita. Whatever! Here we go with her stupid question again. "Do I look like I'm okay?" I asked sarcastically. She held my face and checked my neck. Hayy, makahawak naman ito sa akin parang hindi ako pasyente.  "Hindi ka okay," sabi niya habang tumatango-tango. Obviously I'm not okay. Tsk. Stupid nerd. Tsaka kailan pa naging okay ang isang taong maraming pasa at nakahiga sa clinic diba? "Sino may gawa niyan?" she asked worriedly. Tsk, why does she need to act like that? At saka, I thought nabalitaan niya? Ang labo niya! "Trinities, remember? The only thing I don't understand is why do I have to sit beside him?" inis na sagot ko. Kumunot ang noo niya. "Him? Which member? Si Ivan? Kyle? Grey? Brent?" she asked. I rolled my eyes. "Who the hell are they?" taas-kilay na tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. "W-Wala sa choices? So meaning, ang leader nila? Si FERRER?!" she asked. I nodded. Sabi na nga ba eh, kilala niya ang demonyong yan. Sinong di makakakilala sa lalaking 'yon eh parati na lang gumagawa ng eksena? Tsaka ako pa ang pinagdiskitahan? "Kyaaah! Ang swerte mo!" she screamed and jumped like a crazy woman. Me? Lucky? I was just finding the cafeteria and nearly got killed, at ang lalaking may pasimuno ay kaklase ko and worst, my fcking seatmate. Now tell me, saan ako maswerte? "One weird act and I'll bring you to a mental hospital. You might have some mental problems," I said dahilan para itikom niya ang bibig niya then smiled meaningfully. I rolled my eyes because I don't get her. "Ang swerte mo dahil magkatabi kayo ng seat. Tell me, hinawakan ka ba niya? Malambot ba kamay niya? Wala ka bang nafe-feel na sparks?" she asked excitedly. Ano bang nahithit ng babaeng 'to at ang high niya? "Seriously? Can I feel sparks habang nakikipag-away?" I said sarcastically. She pouted. I rolled my eyes at kinain ang apple na binigay niya. Naging tahimik kami ng ilang segundo pero ilang saglit pa'y biglang nagdaldal ang katabi ko. Hindi ko siya pinapansin pero kapag may tinatanong siya gaya ng 'Diba ang epic ng experience ko?' o di kaya'y 'Nakikinig ka ba?' puro tango lang ang sagot ko. Since it's boring at ayokong makinig sa kwento ng buhay ng isang dakilang Jahara, I opened my w*****d account and began reading. Several minutes later dumating si Gianna with a plastic bag in her right hand. She placed her bag in the couch and sat beside me. "Nabalitaan ko ang nangyari kaya bumili ako ng salonpas patch," sabi niya habang nilalabas ang laman ng plastic bag. Okay, ba't ba ang hilig nila sa mga plastic bag? "No need, okay? As you can see, I'm better now." I said then scrolled down the story in my phone. Ayoko kasing nadidisturbo lalo na kung paborito kong story ang binabasa ko. "Sky, I was just worried---" I cut her off. "Don't act like you care," I said and glared at her. Kinuha ko ang earphones ko sa bag and started listening to music. I know I have a not-so-bad attitude. I'm not friendly, alright.  I was listening to Wildest Dreams by Taylor Swift nang maalala ko si Ferrer on some lines in the song. He's so tall, and handsome as hell He's so bad but he does it so well T-Teka, ba't naaalala ko 'yong demonyong iyon? Tsaka totoong mataas siya gaya nung nasa kanta pero handsome as hell?! No!  Fine, he's handsome.  Pero nacurious ako sa demonyong yun. Ano kaya ang first name niya? Matanong nga si Gianna. "What's Ferrer's first name?" I asked Gianna. She looked at me na nakakunot ang noo.  "Hindi mo alam?" she asked. Stupid, why would I ask if I know already? "Hindi mo nga alam," sabi niya. I rolled my eyes at magpapatuloy na sana sa pagbabasa nang biglang magsalita si Gianna. "His first name is Renzo," sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Oh my, don't tell me siya rin ang lalaking 'yon?  "Renzo?!" I asked with wide eyes open. Or maybe parehas lang sila ng pangalan? Oh God, please don't punish me like this. "Bakit ganyan ang reaksiyon mo? Is he someone that you know?" she asked curiously. Hindi ko siya pinansin dahil shock pa rin ako sa pasabog ni author. His last name is Ferrer. His first name is Renzo. Renzo Ferrer. Godmnit! That's why he's familiar! Pero bakit siya pa? Yes, he has the looks, the charisma, but his attitude is worst than ever! I can't imagine it! "Saan ka papunta?" Jahara asked me. I pulled her at kinaladkad palabas. Himala nga eh hindi napuruhan ang mga paa ko, pasalamat talaga ako kundi hindi na ako makakalakad ngayon at makaladkad 'tong babaeng 'to. Why am I so strong despite my  situation? "Ituro mo kung saan ang boys dorm," I commanded. Itinuro niya naman ang building na nasa gilid ng girls dorm at medyo malaki-laki pa siya unlike sa dorm namin. "Saan diyan ang room ni Ferrer?" I asked hurriedly. Nanlaki naman ang mga mata niya and looked at me as if I'm someone strange. "Hey! I smell something fishy!" she exclaimed. I rolled my eyes at her. "Malamang tinolang isda ang ulam mo ngayon," sagot ko. Hayy, stupid talaga. Tsaka kakatapos lang niyang kumain kaya hindi pa siya nakapag-toothbrush. "Ituro mo na," I commanded once again. May gusto lang naman akong i-confirm eh, feeling ko kasi iba ang iniisip ng babaeng katabi ko. Dirty-minded nga naman. "Doon! iyong room na nakabukas ang ilaw, yung may balcony malapit sa puno," she said while pointing at the room na nasa pinakadulo na nasa third floor. Kung i-compare mo ang room na yun sa ibang room, mahahalata mong may favoritism sa school na 'to. Ang laki kaya ng kwartong itinuro ni Gianna! Nagsimula na akong maglakad papunta dun nang tawagin ako ni Gianna. Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay. Don't tell me sasama siya? "Hey! Malapit na ang curfew! Kung makikita ka pa nilang naglalakad lagot ka!" pananakot niya sa akin. Wow, natakot ako dun ah! Pero sa totoo lang, wala ng kaso sa akin yun. Sa dati kong school naglalakad pa rin ako sa gabi even though lagpas na sa curfew. "I can handle myself," sabi ko at naglakad na palayo. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD